CHAPTER 5
"Lesson learned, wag gagalitin ang isang yamano." saad ni yamika.
"Ipis pala ang ganti sayo sab eh" saad ni asakura.
Tignan mo 'tong si sab parang ipis lang parang binagsakan na agad siya nang langit at lupa.
"Sinira niyo ang maganda kong mukha!" sigaw ni sab.
"Ay saan yung maganda diyan koyah?" pang aasar pa ni yamika.
"At san mo natutunan ang pambubully ha yamika?" saad ni sab.
"Wala no, it's not bullying. i'm just telling a fact koyah" saad muli ni yamika na ikinatawa namin ni asakura.
"Paano ba 'yan. marami kami iisa ka lang?" saad ko sabay tawa.
"Mga taksil kasi kayo! taksil!" sigaw uli ni sab na ikinatawa namin.
"Luh sino nga uli 'tong tuwang-tuwa sa gulo?" tanong ni asakura.
"Huy asakura! nanood ka din naman nang away wag kang feeling inosente diyan!" sigaw naman nito.
"Anong away kuya?" tanong ni yamika.
"Dun sa may bar, yumi." saad ko rito.
Bakit nga ba yumi ang tawag ko sakanya? instead na yami diba? wala lang parang feel ko lang na bigyan siya nang own name or nickname, it's cute kaya.
"Ayan ka nanaman sa kaka-yumi mo kuya, need bang may pangalan nanaman ako sayo ha?" saad naman nito sabay irap.
"Huy kayo diyan mag si-kain na nga kayo." bulyaw ni mama.
Nakauwi na pala si mama? yes you heard it right nag ta-trabaho siya kasama ang papa namin, actually hindi niya pa pinakikita saamin ang papa namin simula nang ipinanganak kami, pero hindi na kami nag tanong about dun. pero siguro may serious matter sila or kung ano man na ayaw ipaalam saamin, ang gusto ko kasi si mama mismo ang mag sabi saamin nung about sa kapatid ko eh.
"Siya nga pala, gusto ko sabihin sainyo na may pasok na bukas" sabi naman ni sabaki na kumakain ng tinapay.
'To talaga oh ang yaman nila tapos parang hindi pa nag aalmusal sakanila.
"Hindi kaba kumakain sainyo pre?" tanong ni asakura na may dalang sariling biscuit.
"Hindi pre eh, ayoko lang" saad nito at nilantakan ang pag kain sa mesa.
Actually sa kwarto ko lang kami kumakain dahil may ginagawa si mama sa labas, malaki-laki naman 'to kasya kami sa kwarto ko at may mesa naman dito.
"Nga pala pre yung about dun sa babaeng hinabol mo sa sasakyan, namukhaan mo ba?" saad ni asakura at nag balat na nang mansanas.
"Oo, si buwan." saad ko rito na halos ikalaglag ng panga ni asakura.
"Oo tol si buwan hinabol niyan, grabe halos madapa na siya kahahabol lang dun kay buwan" saad nito.
Syempre kwento mo yan, masama talaga ako diyan.
"Sure kaba na si buwan 'yun?" saad naman ni asakura nang mai-proseso na ang sinabi ko.
Tumango ako bago mag salita "Oo siya 'yun asa-kun." saad ko naman dito na ikinatango niya.
"What if bumalik tayo dun? baka andun uli sila?" suhestyon naman ni sabaki.
Well may point siya, pero hindi parin kami nakakasiguro baka masayang lang ang pag punta namin dun kung wala siya, wala naman akong gustong gawin dun, pero gusto ko malaman kung andun paba si buwan.
"Pwede rin." saad ni asakura.
"Sige, pero mamaya na talaga? pwede bang pumunta muna tayo ng mall? gusto ko naman pumunta sa mall, tagal na natin hindi nakakapunta dun ah" saad ko rito na ikinatango naman nila.
Hindi ko talaga alam bakit ko sinabi na pumunta kami sa mall, actually feeling ko talaga may makikita akong intereste ron.
"Huy pre arcade tayo!" sigaw ni sabaki.
And yes kaka-arrived lang namin sa mall at 'to sila oh ang ingay na agad, nakakahiya.
"Pre bat parang tulala ka nanaman?" saad ni asakura.
"Wala naman pre kalmahan mo." saad ko kahit na may gumugulo na talaga sa isipan ko.
Nauna na silang tumakbo sa arcade at nakipag exchange na ng tokens, ayun oh mag uubos nanaman ata nang pera ang mga 'to. Pinanonood ko lang silang dalawa syempre mamaya ako mag lalaro.
"Huy asakura! kuha tayo nung teddy" sigaw naman ni sabaki.
"Ano ba 'yan sab hinaan mo boses mo mag katabi lang tayo." saad naman nito.
Nag-simula na ngang pagalawin ni sabaki ang crane, Nang biglang walang makuha 'to at siya nakatingin sa bata na may nakuha sa kabilang crane.
"Huy bata turuan mo nga ako" saad nito.
"Nang ano po?" saad naman nung bata.
"Paano ba 'yan, paano ako makakakuha?" saad ni sabaki.
"Basta dapat magaling ka lang po" saad nang bata at umalis na.
"Magaling naman ako ah? bakit hindi ako makakuha, andaya." saad ni sabaki.
"May nakuha na ako, ikaw yama? ayaw mo bang mag laro?" saad ni asakura.
Umiling lang ako, dahil maya-maya ay mag lalaro na ako.
"Sab! ano may nakuha kana?" tanong sakanya ni asakura na marami nang nakuha.
"Wala pre, panget ng crane nika dito di makakuha." saad nito na ikinatawa naman ni asakura.
"Hindi ka lang talaga marunong" tinuro ni asakura 'yung mga bata na nag lalaro sa crane na gamit ni sab kanina, at sila nakakuha siya hindi. "See? mas magaling pa sila kesa sayo." saad naman ni asakura na ikinasimangot ni sab.
Kung hindi lang siguro lalaki si sab o si asakura kahit isa sakanila babae, tingin ko bagay sila.
"Ikaw yama? ano nanaman yang iniisip mo?" saaad nung dalawa.
Umiling lang ako, syempre wala naman akong iniisip na kung ano, basta gusto ko lang mag pahinga dahil pagod ako. Pero wala naman akong ginawa pagod lang kakaisip tssk.
"Mag si-cr muna ako." saad ko sa dalawa at lumabas na nga sa may arcade. Papunta na sana ako sa banyo nang makita ko ang isang pamilyar na babae. Tama! siya yung misteryosong babae sa bar. "T-teka? si buwan ang kasama niya ah?" anong connection nila sa isa't-isa? tama ba ang nakikita ko? o nag kakamali lang ako? impossible. sigurado akong si buwan nga 'to. lalapitan ko ba siya? o hindi? maaalala niya paba ako? mas maganda siguro kung lalapitan ko siya no? Tumingin ako muli sa direksyon nila pero wala na sila ron.
"Buwan!" sigaw ko na ikinatingin ng mga tao.▼•▼•▼•▼•▼•

BINABASA MO ANG
Won't Stop Loving You Under The Moonlight.
FanfictionThis story is happy ending nga po pala, so if may trust issues ka now alam mo na. Disclaimer : This story is written in taglish, Typographical and grammatically errors ahead This story is a work of fiction(kinda hihi) Names, characters, some places...