CHAPTER 8

16 4 0
                                    

CHAPTER 8

Hindi ko maintindihan pero sobrang sakit ng katawan ko, nung unti-unti kong minulat ang aking mga mata ay nasilayan ko ang isang puting kwarto, hindi ko alam kung bakit ako nandito?

"K-kuya gising kana? may masakit na sayo?" saad ng isang babae na pamilyar ang tinig. "Tumawag kayo ng nurse mama, gising na si kuya!" dagdag pa nito.

Nang unti-unti mag liwanag at mag sink-in saakin ang lahat ay niyukom ko ang aking kamao. oo nga pala may mga taong bumugbog saakin, hindi ko alam pero ano ang tinutukoy nila? may kaugnayan nga ba 'yun sa nangyari sa bahay bago ako bugbugin? Bumuntong hininga ako ng may pumasok na hindi pamilyar saakin ang mukha.

"A-anak? sya naba ang anak namin?" napahagulgul pa ang babae ng makita ako.

"Stella! siya naba?!" bulyaw ng lalaki.

"Kumalma naman po kayo! kita niyong kagigising lang ng kuya ko!" sigaw ni yamika.

Tumingin ako sa mga mata ni mama, ano bang meron? at bakit hindi ko maintindihan ang lahat.

"Stella, sabihin mo sakaniya ang lahat." saad nung lalaki, hindi ko siya kilala, pero bumilis ang tibok ng puso ko.

"Oo na! sila na ang anak niyo!" nagulat ako ng makatikim ng sampal si mama galing sa lalaki.

"Tama na nga po!" sigaw ni yamika at humagulgul pa.

"Tama na po, huminahon kayo" singit ni asakura.

"Tumigil na ho kayo, at pag usapan ng mahinahon walang magagawa 'yang init ng ulo" saad ni sab.

Sa wakas at may sinabi ring tama 'tong si sabaki, kahit kelan talaga eh.

"Mga anak, makinig kayo." saad ni mama at hinawakan ang kamay namin ni yamika. "Kayo ang mga anak nila, may mga pangyayari na mahirap ipaliwanag dahil saakin kayo lumaki." saad nito.

Nanahimik muna kami bago mag salita ang babae at nag kwento.

FLASHBACK.

Hinihele ko ang mga bata ng may biglang sumabog sa ibaba, hindi ko alam kung anong nangyayari kaya nag madali akong tawagan ang aking kaibigan na nasa kabilang kwarto lamang.

"S-stella? andiyan kaba? i need your help." saad ko rito

"Yes andito ako, ano 'yun?" saad nito sa kabilang linya.

"Mukhang may mga nanloob sa bahay, mamaya ko na ipapaliwanag pumunta ka rito please?" saad ko rito at pinatay agad ang tawag dahil tatawagan ko rin ang aming kasambahay.

Dumating si stella maya-maya pag katapos kong tumawag, agad kong iniabot sakanya ang mga bata at dagliang bumaba. Nagulat ako ng may mga tao na nakahandusay sa sahig. Nagulat pa ako ng may marinig na putok mula sa taas kaya agad kong dinampot ang isang baril sa lapag at bumalik sa taas.

"Patayin niyo ang mga bata!" sigaw ng pamilyar na boses.

"T-tumigil kayo!" bulyaw ni stella.

Agad akong tumakbo at pinaputukan sila ng baril. Ayokong malayo ang mga anak ko saakin pero gusto ko silang mabuhay. Hinila ko si stella palabas sa secret door for emergency para maitakas sila ng yaya na kasama niya.

"Stella, mapagkakatiwalaan naman kita hindi ba? matalik na kaibigan kita." tumango 'to na ikinangite ko. "Itakas mo ang mga anak namin parang awa mo na." saad ko rito at nag patakan ang aking mga luha.

"O-oo ako ang bahala sa mga anak niyo, basta ipangako niyo ako na magiging ligtas kayo para maalagaan niyo pa ang mga bata ha?" saad nito.

Lalong nag patakan ang mga luha ko ng umiyak ang isa sa mga anak ko, napahagulgul na lamang ako ng marinig ang boses ng mga pamilyar na tao.

"Ayun sila! andun!" sigaw ng isa sa mga tauhan.

"Umalis na kayo stella, mag iingat kayo." saad ko pa bago hinarap ang mga taong gustong kumitil sa mga anak ko.

Umalis sila stella at kinuha ko lahat ng lakas ko upang harapin sila. bakit nga ba ang mga bata ang pakay nila? hindi nila binaril si stella o ang yaya kanina maski ako.

"Hera!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

Agad akong tumakbo at sinundan ang boses na 'yun. Tama ako ang asawa ko si yohan.

"Asan ang mga bata?!" saad nito. "Ayus ka lang ba? wala bang masakit sayo?" saad nito at hinawakan ang mukha ko.

"N-na kay stella ang mga bata." saad ko na ikinataka niya, ngunit bago pa siya makapag react ay sunod-sunod na putok ng baril ang maririnig at umalingawngaw at wangwang ng mga pulis, dumating na sila? pero bakit ngayon lang?

END OF FLASHBACK

"Bakit wala ka manlang sinabi, ma?" saad ni yamika na nakayuko.

Alam kong umiiyak na 'to, wala akong narinig na sagot mula kay mama.

"Sumagot ka?! mama bakit?!" sigaw nito na agad ikinagulat ni mama kaya nasampal nya 'to.

"Anong karapatan mong sampalin ang anak ko?!" sigaw nung babae, idk paano ko siya tatawaging mama.

"P-pasensya kana.. a-akala ko kasi hindi n-niyo sila hahanapin" saad nito.

"Valid reason naba 'yan?!" sigaw ni yamika. "Para kana ring nag sinungaling non mama!" bulyaw nito at humagulgul uli.

Sinubukan kong tumayo upang yakapin siya, ngunit nakaramdam ako  ng pananakit ng aking ulo na agad ko namang ininda.

"A-ahh!" daing ko dahil sa sakit, na agad namang umagaw sa atensyon nilang lahat sa loob ng silid na 'yon.

"A-anak" pag aalalang ani ni mama, at agad na lumapit saakin.

"K-kuya ayus ka lang ba?" pag tatanong ni yamika na agad ring lumapit saakin at nag tanong muli "A-anong masakit sayo?" utal-utal na ani nito.

Ngumiti lamang ako sakanila para sabihin na maayus lang ako kahit ang totoo ay hindi talaga. Naalala ko nung gabing 'yon ang pinuruhan nila ay ang ulo ko. sa kabutihang palad ay nabuhay pa ako at naka survive sa gabing 'yon.

"Anak? may natatandaan kaba sa mga taong bumugbog sayo?" saad ng lalaki or should i say our dad.

"Opo." saad ko at tinignan siya sa mga mata, agad namang lumapit si mama saamin at hinawakan ang aking kamay.

"Ayus lang 'yan anak... basta sabihin mo saamin kung sino ang may gawa niyan sayo." saad ni mama

Tumango ako bago mag salita ulit, dahil natatandaan ko ang sinabi ng isa sakanila na ang ampon daw ng mga tunay na magulang namin ang kanilang pinuno o ang may pakana ng lahat ng 'to kaya nangyari saakin 'to. and i'm afraid for my sister dahil babae pa naman siya. idk if kakayanin niya kung siya ang nasa kalagayan ko.

▼•▼•▼•▼•▼•

Won't Stop Loving You Under The Moonlight.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon