CHAPTER 6

31 4 0
                                    

CHAPTER 6

Walang akong pakialaman kahit pag tinginan nila ako, tumakbo lang ako nang tumakbo at inikot ang paningin ko. Nahagip nang mga mata ko si buwan at ang babaeng misteryosong babae sa may bar. Nasa escalator sila, agad akong tumakbo ron at walang pakialam kung may mabangga ako basta makausap ko lang si buwan, marami kaming dapat pag usapan isa na ang pangako namin sa isa't-isa.

"Huy! ayusin mo nga nakakabangga ka oh!" sigaw nang isang lalaki na hindi ko naman pinansin.

Inikot ko ang paningin ko pero wala na sila dito. Asan naba sila? buwan naman, wag mo naman ako pahirapan nang ganito oh.

"Pre! ano ba?!"

Nagulat ako nang sumigaw si sab, pero naaninag ko muli si buwan pero nasa baba na siya ngayon, damn!

Agad akong tumakbo sa escalator at wala parin akong pake kung may mabangga ako basta mayakap ko lang uli siya at makasama.

"B-buwan!" hinawakan ko ang balikat nito.

"Hi? do i know you?"

Damn, hindi siya!

"U-uh sorry i thought ikaw si buwan." saad ko, kulang na ata ako sa kain, sino-sino nalang pinagkakamalan ko na si buwan.

"Huy pre! kanina kapa takbo nang takbo oh!" sigaw ni sabaki.

"Nakita ko uli si buwan." saad ko rito at tinignan siya.

"Impossible pre, anlaki-laki ng mall ah tapos dito mo pa siya makikita?" saad nito ulit.

"Pero hindi ako nag kakamali siya 'yun!" hindi naman kasi nila ako naiintindihan eh, hindi ako nababalik si buwan talaga ang nakikita ko kanina.

"Umuwi nalang tayo pre, maybe wag kana muna pumasok bukas wala ka ata sa kundisyon eh." suhestyon ni sabaki na agad ko namang inilingan.

"Ayoko, hayaan mo na. pero sigurado ako sa nakita ko." saad ko sakanya at nauna nang mag lakad.

"Kuyaaaa!" sigaw ni yamika.

"Hm?" tanging saad ko dahil wala nga ako sa mood.

"Kuya, tignan mo oh!" may pinakita 'to sa phone nya na binalewala ko.

Pumunta na ako sa taas, para mag bihis dahil gusto ko talagang mag pahinga, iniisip ko parin kung yung mga nakita ko ay totoo nga ba o hindi? stress lang ba ako dahil sa mga nangyari? for sure gugustuhin ni buwan na mag focus ako sa pag aaral ko bago siya hanapin no? mas matutuwa siguro siya if pag bubutihan ko ang pag aaral ko para pag nag kita kami ay may maipagmamalaki ako sakanya. binuksan ko ang bintana at sinulyapan ang buwan, kamusta kana kaya? ang kinang-kinang mo naman, sigurado ako na mataas na ang narating mo. kahit hindi kita nakasama nang ganun katagal naniniwala ako na magaling sya at matalino kahit sandali lang kaming nag sama, ay naniniwala ako sa kakayahan niya. siya at siya parin ang luna na pinangakuan ko nang mga bata palang kami.

"Kuya yama!" bulyaw nanaman ni yamika na nag pagising saakin.

"Ano nanaman?!" bumangon na ako para harapin 'to dahil may pag-ka mikropono pa naman ang bunganga nito sa lakas halos kapit bahay namin ay magigising dahil sakaniya tssk.

"May pasok na!" sigaw nito.

"Yamika! tignan mo oh 5am palang at ang oras pa ng pasok ay 8:30 bat ang aga mo naman akong gisingin?!" bulyaw ko sakanya at hinagisan ng unan.

"Mag paaraw ka naman mukha kana kasing bampira oh, mag jugging kana rin para maunat yang ugat sa katawan mo." saad nito na ikinataas ng kilay ko. "Puro ka kasi si ate buwan hindi mo inaalagaan sarili mo, paano kung mag kasakit ka?" pahabol pa nito.

Andito ako sa labas at inaantay yung dalawa. Syempre hindi masaya kung mag isa lang akong mag da-jugging gusto ko din naman na may kasama.

"Huy pre!" sigaw ni sabaki na kararating lang dala ang kaniyang sasakyan.

"Tanga mo sab, mag ja-jogging tayp tapos nag dala ka nang sasakyan?" sigaw ni asakura na ikinatawa namin ni yamika.

"Matagal na 'yang tanga kuya asa-kun" saad naman ni yamika.

"Nyenyenye" pang-aasar ni sab.

Ganiyan talaga pag napipikon yan si sab, dapat siya lang ang nambi-bwesit ayaw niya na siya ang nabi-bwesit. wala eh pikon talaga 'yan.

"Wala wala pikon!" sigaw naman ni asa-kun.

"Okay edi kayo na." saad ni sab.

"Mag ja-jogging paba kayo?" saad ko sakanila habang nakapamulsa.

"Oo naman bro, wala kaming inaatrasan no!" saad naman ni sab.

"Oh paano ba 'yan? tara na." nag simula na nga kaming tumakbo kasama si yamika.

May dala din kaming tubig dahil mahirap na at baka mauhaw pa ang mga 'to. btw wala kami sa maynila kung iniisip niyo. nasa probinsya lang kami dahil mas tahimik dito.

"Siya nga pala pre, wag kaya tayo pumasok ngayon?" suhestyon ni sab na agad ko namang ikinailing.

"Naisip mo pa talaga ang umabsent ha?" saad ni yamika.

"Tssk, amboring kasi walang magandang babae sa school." saad nito.

"Yung mga babae sa school natin mas matapang pa kay sabaki." saad ni asa-kun na ikinatawa naman ni yamika.

"Dino-dogshow ka nang tropa mo oh, papayab kaba na ginaganun ka lang?" saad ni yamika.

Pang-asar talaga 'tong kapatid ko kahit kelan, ako mismo hindi ko alam kung bakit ko naging kapatid 'to eh, kung pwede lang mamili nang kapatid namili na ako nang iba.

"Siya nga pala kuya, may clue kaba about kay ate buwan?" tanong naman ni yamika sa gilid ko.

"Yeah, maganda siya." saad ko rito.

"I know naman na maganda siya kuya, pero ang sabi ko clue ano ba." saad nito na ikinatawa nang dalawa.

"Oo nga, clue naman yung maganda siya ah?" saad ko rito.

"Kuya maraming magandang babae diyan, saan ko siya hahanapin kung maganda lang ang clue mo?" saad naman nito.

"Basta siya ang pinaka maganda sa lahat." saad ko naman muli sakaniya.

"Alam ko na maganda si ate buwan kuya, kasi nga baliw na baliw ka sakanya oh" saad nito na ikinataas nang kilay ko.

"Panget ka kasi, sabi ng kuya mo" saad ni asakura.

"Ay true yami, panget ka." saad naman ni sab.

Wow ha? gumaganti ang sabaki niyo, what if mahulog siya sa kanal? parang ansama ko namang kaibigan kung nag iisip ako sakaniya nang masamang bagay.

▼•▼•▼•▼•▼•

Won't Stop Loving You Under The Moonlight.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon