CHAPTER 11
"What's the new plan, son?" saad ni papa. na ikinangisi ko
"Let's wait.. malalaman natin ngayon kung dadating ang may plano o hindi" saad ko, pero hindi pa tamang oras ngayon tama ba? or umalis nalang muna kami. Nagulat pa ako ng magising na uli si yamika.
"K-kuya, i'm hungry.." saad ni yamika at nag kusot muli ng mata.
"Namili kami ng mga food kanina, kumain kana dyan." saad ko rito.
"Kuya? bakit iba na yung sasakyan?" takang tanong nito.
"It's a long story sis... nga pala pa, yung mga kaibigan ko andito na sila. kasama nila ang iba pang mag e-escort saatin para hindi na mangyari ang nangyari kanina, one more thing si sab o asakura ang mag da-drive for us para wala ng mag spy." saad ko rito na kinatango ni mama at papa.
"Anak."
Tinignan ko si papa dahil nakita namin ang isang lalaki na naka hoodie na kumakatok sa bintana, nakita ko ang chat heads sa phone ko at may chat dito sina asakura ay andito na raw. agad kong binuksan ang sasakyan at natanaw ko pa ang isang lalaki na tumatakbo.
"Tara na pre." hinubad nito ang hoodie niya at sumakay na.
"Kailangan makarating tayo ng ligtas ron." saad ni sab na karararing lang.
"Huh kuya? bat sila andito?" takang tanong ni yamika.
"Sila ang mag mamaneho para saatin." sagot ni mama hera na ikinatango ni yamika.
Nang makasakay si asakura sa sasakyan ay agad niya 'tong minaneho papunta sa kabilang kalsada at nakipag palit sa dalang tauhan nila papa, agad din kaming nag palit ng sasakyang upang maka-alis na.
"Sa ibang daan tayo dadaan." saad ni papa na ikinatango namin.
Nasa byahe lang kami at tahimik na tinatahak ang daan, hindi ko alam pero parang nabunutan ako ng tinik nang sila sab na ang kasama namin, hindi lang ako comfortable na iba.
"Kuya?" takang tanong ni yamika.
"Hm.." sagot ko rito.
"Kailangan bang mag ingat tayo?"
Kapatid ko ba 'to? grabe ah palibhasa kasi natutulog siya kanina maski putok ng baril hindi siya tinablan eh paano ba naman tulog mantika. tumango nalang ako rito dahil baka daldalin nanaman ako nito, gusto kong mag pahinga dahil pagod ako ngayon.. ang haba pala ng byahe papunta sa bagong tahanan namin.
"Anak..." pag tawag ni mama saakin.
"Hmm.." hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa byahe.
Masayang mukha ni mama hera ang sumalubong saakin sa pag gising sa sasakyan. "Andito na tayo anak" saad ni mama at pinakuha ang ibang mga bagahe sa w-wait maid? a-anlaki naman ng bahay.
"O-omg anlaki po!" saad ni yamika na tuwang-tuwa. "Ilang room po 'to?" tanong ni yamika na ikinatawa ni mama.
"Hay bata ka, tsaka kana mag tanong mag bihis na muna kayo ron ng kuya mo at tignan mo yang damit niyo oh kanina pa 'yan." saad ni mama.
"Grabe ang yaman niyo po siguro?" manghang ani ni sab na ikinatawa ko.
"Mayamam ka rin naman ah?" saad ni asakura at binatukan ito.
"A-aray! pre naman eh! alam ko pero anlaki ng bahay nila oh." manghang ani muli nito.
"Malaki rin naman bahay ko ah, bat hindi ka namangha?" tanong ni asakura rito.
"Hello? bat pa ako mamangha sa bahay mo! eh ikaw lang ang tao!" saad nito dahilan para murahin siya ni asakura.
"Tanginamo rin talaga eh" saad nito na ikinahalakhak namin.
"Mga anak, tama na 'yan" ani ni mama at kinawayan kami sa may pintuan.
Agad na kaming nag lakad papunta ron, meron saaking part na excited na mapunta rito pero may side saakin na namimiss ko si mama, ang ina ko na nag malaki para kay mama. Kinuha ko ang phone ko and i texted her na nakarating na kami at baka mag alala pa 'yun dahil wala akong updates.
"Maaaa!" sigaw ni yamika
"Why anak? may problema ba?" takang tanong ni mama.
"Paano po pag aaral namin?" tanong ni yamika.
"You silly, ofc makakapag aral kayo kahit saan niyo gusto." saad ni mama at pinath si yamika.
"Ma hindi mo 'yan abot si kuya, syempre matangkad 'yan eh" saad ni yamika na ikinalungkot ng mukha ni mama ngunit ngumiti parin 'to.
"Syempre mana 'yan sa papa niyo, matangkad, tapos pogi" saad ni mama na ikinatawa nilang lahat.
"Oh siya, dun na kayo sa mga kwarto niyo para naman makapag pahinga kayo." saad ni mama na ikinangiti naming dalawa nina yamika.
"Maaa, paano po pala sila sab at asakura?" tanong ni yamika kay mama bago damputin ang mga gamit namin.
"Ofc silly, they can stay here naman kahit kelan nila gusto" saad ni mama at hinalikan ang noo ni yamika.
Nauna na ako at umakyat sa taas upang ayusin ang mga gamit namin, anlaki pala ng kwarto namin no? siguro sobrang yaman ng mga magulang namin.. kaya pala may mga taong gustong pumatay saamin dahil pala sa mga magulang namin. Dumungaw ako sa pinto upang makinig, dahil may mga nag uusap rito at dahil sa kuryusidad ko ay nakikinig ako sa usapan ng mga babae. Naisip ko rin na i-record ang mga 'to.
'Si young master yohan? nakakatakot sya!' saad ng isa sa mga to.
'Grabe siya, lahat ng matipuhan niya ginugusto niyang kunin'
'Kaya siguro yung ibang maid niya hindi nag tatagal ay dahil siguro sa ikinakama niya ang iba sakanila' hagikhik ng isa sa mga 'to.
'Sino bang hindi bibigay sakaniya? eh gwapo kaya siya!' saad nanaman ng isa sa mga 'to.
Kung ayaw nila akong paniwalaan, edi hahanap ako ng pruweba sa magaling na ampon nila na 'yun tssk.
"Napaka boring." saad ko sa kawalan at inayos ang aking kama upang higaan, namimiss ko na si buwan asan na kaya siya? nakakainis naman gusto ko lang naman na makita siya eh. nakakainis talaga, sana mahanap ko na siya ngayon gusto ko na talaga siyang makasama "buwan, mag kikita rin tayo" saad ko sa sarili at hinagkan ang litrato kasabay ng pag tingin ko sa bintana upang masilayan ang napaka gandang buwan, palagi ko 'tong tinitignan dahil dito ay naalala ko si buwan... ang buwan ko.
▼•▼•▼•▼•▼•
BINABASA MO ANG
Won't Stop Loving You Under The Moonlight.
FanficThis story is happy ending nga po pala, so if may trust issues ka now alam mo na. Disclaimer : This story is written in taglish, Typographical and grammatically errors ahead This story is a work of fiction(kinda hihi) Names, characters, some places...