CHAPTER 10

14 4 0
                                    

CHAPTER 10

Andito lang kami sa sasakyan at tahimik na tinatahak ang daan papunta saaming bagong tahanan, hindi kami nag usap ni yamika simula nang iniwan namin si mama. sana at maging okay siya na wala kami, sana alagaan niya ang sarili niya. ayaw ko man na iwan si mama pero dun kasi siya masaya, at 'yun ang gusto niya para saamin kaya kung saan siya sasaya ay magiging masaya na rin ako at susundin si mama.

"Son." pag tawag saakin ng aming ama.

Ang kaninang nakasandal na ulo ko ngayon ay binalingan siya "hmm??" saad ko rito.

"Are you okay? ang tahimik mo naman ata." saad muli nito ng marinig na ang sagot ko ay maikli lamang.

"Hindi lang po sanay." saad ko rito. gumuhit naman ang ngiti mula sakaniyang mga labi.

"You can start by calling me papa, or daddy.. kung saan ka comfortable." saad nito na hindi ko naman pinansin. "I know hindi kapa sanay saamin o sa bagong bahay o sa bagong buhay niyo, pero masasanay rin kayo." saad muli nito na ikinatango ko.

Tahimik lamang kami na tinatahak ang daan papunta sa aming bagong tahanan, napag pasiyahan ko na kunin ang cellphone ko sa bulsa at i-text si mama upang kamustahin. Agad namang gumuhit ang ngiti sa mga labi ko ng makita na mabilis 'tong nag reply.

'Ayus lang naman ako anak, kayo? asan naba kayo? kamusta kayo ni yamika?' saad nito sa text niya na agad ko namang nireply-an.

'Ayus lang rin po, ma. kumain naba kayo? wag papalipas ng gutom.' saad ko rito at nag open muna saaking fb account at nakita ko ang chat ng mga kaklase ko.

'Oi? balita ko hindi daw talaga totoong anak sila yamano?'

'Wow swerte naman, mayaman pala tunay na magulang'

'Sana ako nalang choss'

'Dito pa kaya sila mag aaral?'

'Btw guys, nakita niyo ba yung announcement? may bagong student nanaman raw'

Isa sa mga bumungad saakin, sinong bagong student kaya 'to? atsaka bakit nakarating agad sakanila 'yun? sabagay mga chismosa't chismoso nga naman. nag taka pa ako

"Bakit kayo huminto?" saad ni papa sa aming driver.

"M-master... mukhang ambush po." saad nito.

Nag taka pa ako, huh paano? asan na 'yung mga escort namin sa likod at harap kanina? wtf? don't tell me na tinapos na sila? nananaginip ba ako?

"Pa?" Napatingin naman 'to saakin, at nag tataka siguro nga ay napansin niya na tinawag ko siyang papa.

"Anak, makinig kayo saakin okay? kahit anong mangyari wag na wag kayong bababa ng sasakyan, naiintindihan nyo?" saad nito na agad ko namang ikinatango.

Nagising na rin si yamika at tumingin sa paligid.

"Kuya? anong nangyayari?" nag kusot pa 'to sakaniyang mata bago inilibot ang kaniyang paningin "A-anong nangyayari?" takang taning nito saakin.

Agad namang hinawi ni mama hera ang buhok ni yamika at niyakap 'to.

"Anak? kahit anong mangyari hindi tayo bababa sa sasakyan.. delikado" saad nito at niyakap kami ng mahigpit.

"Sigurado ako na ang pakay nila ang mga bata." saad ni papa at may kinuha pa.

Baril.. oo tama baril nga 'yun hindi ako nag kakamali. pero nasaan naba ang mga escort namin? bakit nawala sila? impossible! andami nun!

"Kuya? may naiisip kabang plano?" saad ni yamika na agad ko namang inilingan.

"Wala." tanging saad ko at inilibot ang paningin.

Nagulat ako ng makarinig ng putukan nang baril, 'to na nga ba ang sinasabi ko eh. after mawala ang mga escort nila kaming main target na ang kasunod.. siguro? inside job 'to impossible na hindi. kung hindi paano naman nila nalaman na andito kami? paano nila nalaman na aalis kami kaagad? may nag sasabi ba sakanila?

"Pa.." agad kong kinuha ang phone ko upang i-type sa notes ko ang gusto ko sabihin bago ibigay 'to kay papa.

Agad-agad ni papa kinuha ang aking cellphone at binasa 'to. Ilang minuto ang lumipas at bumaba ang driver namin. ngunit naiwan niya ang phone niya kaya chance ko na upang kunin 'to at tumambad nga saakin ang mga nakausap niya at kasama mag plano para sa trap na 'to. kaya naisip ko na ako ang mag ti-text sa mga kasabwat niya para sila naman ang mabitag sa patibong.

"Ayus na anak, ginapos ko na ang driver natin" saad ni papa na ikinangiti ko.

"Bakit mo pala naisip na inside job?" saad ni mama.

"Dahil po kanina ko pa napapansin na may mga matang nakatingin saatin" saad ko sakanila. "Ang plano po ay pag-karating natin sa isang bayan mula rito ay mag papalit po tayo ng sasakyan at iiwan 'to papa." saad ko naman na ikinatango ni papa. alam ko kung sino ang may pakana nito.. sino pa nga ba? ang gustong pumatay saakin? syempre alam ko na gusto niyang isunod ang kapatid ko dahil hindi natupad ang binabalak niya. hindi ako gaganti, ipapakita ki lang sakanila na hindi ako mahina at kaya ko ring ipag-tanggol ang sarili ko at nabigla lang ako nung gabing 'yun.

"Anak? andito na tayo.. at anong balak mo sa driver?" saad ni papa.

Agad kong kinuha ang dalawang panyo at nilagay 'to sa bunganga at pinang-takip sa mga mata niya.

"Son.. andito na ang mga escort, mukhang niligaw sila kanina ng nitong driver natin." saad ni mama hera na ikinatango ko.

"Wala bang nakasunod sainyo?" tanong ko sakanila habang buhat-buhat si yamik dahil nakatulog 'to sa byahe.

"Yohan... bakit pinaputukan lang nila tayo? imbes na barilin ang sasakyan natin?" takang tanong ni mama.

'Yan din ang ipinagtataka ko, pero mukhang kampante siya. dahil may asset siya rito.... at mukhang hindi lang iisa 'to baka meron pa. Agad akong nag isip ng paraan upang malaman kung sino nga siya, pero nakaisip ako ng paraan para hindi nila kami ma-contact o ma-trace. lumapit uli ako kay papa na nag iisip ngayon. "Pa, paalis mo mga damit nila at papalitan mo.. maybe hindi lang iisa ang spy, dahil kampante ang may pakana dahil hindi niya tayo tinapos kanina.. at mukhang may malaking pasabog pa sila." saad ko kay papa na ikinatango niya.

Let's see, hindi lang naman kayo ang pwedeng gumawa ng patibong dahil ako mismo ay marunong rin.

▼•▼•▼•▼•▼•

Won't Stop Loving You Under The Moonlight.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon