Chapter 20 (SPG)

1.6K 41 31
                                    

Chapter 20

Ezra's POV

"As I remembered, I was in the hospital. Your father saved us the night before the Vendetta Organization decided to kill us. It was a relief to see my father and my brother were still alive but both our fathers made a set up so that the Vendetta Organization will never find out that we're never been killed. But deep inside, we're not the perfect family like we used to be after my mother died." Kwento niya habang tinitignan niya ang family portrait.

Hindi ko namalayan na tumulo ang mga luha ko nang marinig ko ang mga masalimuot na nakaraan niya. Kinuyom ang mga kamay ko dahil hindi ko mapigilan na magalit sa gumawa sa kanila. Ang sama nila.

"Mga walang hiya sila." Malamig na bulong ko. "Sobra ang ginawa sa inyo." Nagagalit kong sambit.

"Ezra." Naramdaman kong nilagay niya ang mga kamay niya sa mukha ko at inangat niya pa. "You don't need to cry for me." Malumanay na sabi niya habang pinunasan niya ang mga luha ko.

"H-Hindi. Sobra ang ginawa sa inyo. Napaka... sama nila."

Napailing si Lucian. "What do you expect from the mafias? We can play dirty and broke the rules if needed."

Umiwas ako ng tingin. Tama siya, kabilang si Lucian sa mga mafias. Nakakatakot isipin kung ano ginagawa nila.

"Pero iba ka sa kanila."

"You don't know what your talking about."

Marahang umiling ako. "Hindi, Lucian. Kahit isa kang mafia, pwede ka pang magbago kahit pa paano katulad ni Papa. Nararamdaman ko na nagpakatotoo ka sa kada magkasama tayo kaya nga hindi ko magawang layuan kita kahit na nalaman kong tinangka mo akong patayin." Sabi ko. "Dahil sabi ko nga gusto kita at tatanggapin pa rin kita kahit ano pa man."

"My sweet, Ezra." Sabi niya habang nakahawak pa siya sa pisngi ko.

Hindi ako nagdalawang isip na hinipo ko ang kanyang maskara. "Gusto kong makita ang mukha mo." Pabulong na sabi ko.

Napailing siya. "You won't gonna like it."

Ngumiti ako sa kanya. "Promise, hindi ako madidiri o matakot."

Bumuntong hininga muna siya bago nagdahan dahan niya inalis ang maskara. Napalunok ako nang makita ko ang itsura niya. Kahit gumaling na ito pero halata ang mga peklat niya na parang natunaw na kandila ang kalahati ng mukha niya. Dagdagan pa ng mga malalalim na hiwa ito. Lumuha na naman ako dahil iniisip ko ang pinagdaanan niya. Hindi siya pumalag nang hinaplos ko ang mukha niya. Napapikit siya na parang dinamramdam niya yung ginagawa ko.

"I knew it's digusting to see and-"

"H-Hindi pa rin magbabago ang tingin ko sa iyo kahit ganito ang itsura mo." Pagputol ko sa sasabihin niya. "Para sa akin ikaw pa rin ang Lucian na kilala. Kahit sabihin mo lahat negative tungkol sa iyo, hindi pa rin magbabago iyon. Mananatili ako sa tabi mo." Mangiyak iyak na sambit ko.

Hindi ko hinintay ang sasabihin niya nang hinalikan ko siya. Agad naman niya hinalikan niya ako pabalik. Hindi nagtagal ay tinigil namin at hiningal kami.

"I love you, Ezra." Pa-husky na boses niya. "Can I hold you this night?"

Parang nagwawala sa puso ko ngayon. Hindi ko mapigilan tumitig sa mga mata niya. Handa na ba ako? Napalunok ako bago ako tumango.

BROKEN MAFIA SERIES #1:The Scarred Mafia [BL | R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon