Chapter 27

975 31 11
                                    

Chapter 27

Ezra's POV

"Sorry, bes, may pupuntahan pa kami ng parents ko ngayon. Ngayon lang ako sinabihan." Sabi ni Diane.

Napakamot ako sa ulo. "Hay, ayos lang. Sa susunod na lang tayo mag-mall after ng Christmas."

"Babawi talaga ako. Don't worry."

Nagpaalam na kami pagkatapos mag-usap. Bumuntong hininga na lang ako dahil hindi matutuloy pag sama sa akin ni Diane para bumili ng regalo. Dalawang araw na lang at magpapasko na. Sinasamantala ko habang nasa business trip si Lucian. Bahala na. Napatingin ako sa orasan at mag-11AM na. Medyo madami pa naman yung tao ngayon dito sa mall. Pagtalikod ko nang may binangga ako ng tao.

"Sorry po."

"Ezra, I knew it was you."

"Harold. Ikaw pala." Gulat ko. Napataas ang kilay ko dahil pormang porma ang suot niya ngayon. Isang bagay lang naman kung bakit ganito siya. "May ka-date ka no?" hula ko.

Nawala ang ngiti niya at napakamot sa batok. "Yeah. But the girl rejected me instead."

"Talaga? Bakit naman?"

"She's annoying and asking me if I had money." Sabi niya sabay pag-ikot ng mga mata niya.

"Grabe naman yun." Komento ko. Kawawa naman si Harold.

"Anyway, let's not talk about it. Uuwi na lang sana ako pero nakita naman kita. What are you doing here by the way?"

"Bibili sana ako ng mga regalo ngayon." Sagot ko.

"Oh. Christmas and also birthday gift?" Tanong niya ulit na nagtaka naman ako.

"Ha? Birthday gift?" Taka ko.

"You didn't know? Chrismas day is the same day of Lucian's birthday." Sagot niya na kinagulat ko.

Hala! Maalala ko nga na hindi ko pa naitanong kay Lucian kung kailan yung birthday niya. Anong klaseng boyfriend naman ako? Napahilamos ako sa mukha. Dapat talaga bibili ako ng mas espesyal na regalo para sa kanya.

"Pwede bang tulungan mo ako sa pagbili, Harold? Pasensya sa abala. Dapat kasi yung isang kaibigan ko sasama sa akin pero may emergency sa kanila naman." Pakiusap ko.

"Nah, it's fine with me." Pagpayag niya kaya nakahinga ako na maluwag.

Sa pagpayag niya, dumiresto kami sa department store. Inuna ko yung regalo para sa magulang ko at kina Diane at Oliver. Ngayon, napagdesisyon ko na magbibigay ako ng regalo sa pamilya ni Lucian at kay Harold. Ang problema lang hindi ko alam kung ano gusto nila. Kung kay Harold, wala naman problema.

"Doon tayo sa shop ng mga relo." Pagyaya ko.

Pagtingin namin sa mga relo ay namulagat ako sa mahal na mga ito. Patay, hindi ko pala afford ng mga ganito. Bumuntong hininga ako dahil hindi ko alam kung ano ipang regalo ko sa kanila. Nakakahiya naman kung masyadong simple at cheap ibibgay ko.

"Hey, kanino mo iparegalo?"

"Kina Lucian at sa pamilya niya."

Napataas ang kilay niya. "Even Luther and the boss?"

"Oo, sila naman din tumulong sa akin at sa pamilya ko. Naging mabait sila sa akin kaya gusto ko naman magbigay ako man lang." Saad ko.

"All I know is they were not picky in things. Just give them something nice and simple gifts." Paalala niya. "Since your Lucian's lover, Luther and the boss don't seem to have a problem with you."

BROKEN MAFIA SERIES #1:The Scarred Mafia [BL | R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon