Chapter 22

932 31 8
                                    

Chapter 22

Ezra's POV

"KYAAA!!! Tapos?! Tapos?!"

Umikot ang mga mata ko sa kanya. "Tapos ayun nga naging kami." Pag-amin ko na alam ko naman na nagba-blush ako ngayon.

"KYAAA!!! Sabi ko na nga ba. Iba kasi ang tingin niyong dalawa." Natatawa na nakikilig pa siya.

Kasalukuyan nagbi-video chat kami. Kanina pa ako kinukulit ako ni Diane tungkol sa amin ni Lucian. Pero syempre hindi ko sinabi sa kanya tungkol sa pagkatao ni Lucian.

"Buti naman okay lang sa iyo ng parents mo." Sabi niya. "Pero yung parents ni Lucian? Alam na ba nila?"

Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Actually, hindi pa. At isa pa nasa ibang bansa pa ang Papa niya."

Nakalumbaba si Diane sa table niya. "Well, ihanda mo lang ang sarili mo kung sakaling malaman nila."

Tumatango tango na lang ako. Tama siya. Dapat lang ihanda ang sarili ko. Mahirap basahin ang iniisip ng Papa ni Lucian.

"Sige, bes, matulog na tayo. Bukas pa naman yung field trip natin diba?" Sabi ko sa kanya nang maalala ko.

Ngumuso siya. "Marami sana akong itatanong sa iyo pero okay next time chikahan natin."

Mag-off sana ako nang magsalita ulit siya. "By the way, malaki ba ang hotdog niya?"

Napanganga ako sa tanong niya. "A-A-Ano? Matulog k-ka na!" Nauutal na sabi ko sa kanya kaya natawa siya.

"Okay. Okay. Goodnight na talaga." Natatawa pa din siya hanggang pina-off na niya ang video call.

Grabe itong best friend ko. Sana nga huwag na siya magtanong pa kung ano ano dahil nakakahiya. Pina-check ko muna ang gamit na dadalhin ko para bukas hanggang sa napahiga na rin ako. Sa huling silip ko sa cellphone ko ay nakita ko ang message ni Lucian.

'See you tomorrow, my sweet. Goodnight.'

Napangiti ako sa message niya. 'Likewise, Lucian. Goodnight din.'

-

"Anak, mag-ingat ka ha? Tandaan mo lang yung binilin namin." Sabi ni Mama habang niyayakap ako ngayon.

"Ma naman. Kasama ko naman si Lucian."

"We know pero syempre iba pa rin mag-iingat ka rin." Sabi ni Papa na halatang may nag-alala siya sa akin. "O sige, nandyan na siya."

Lumingon ako sa direksyon kung saan nakatingin si Papa. Nakita nga namin naglalakad palapit sa amin si Lucian.

"Good morning, Sir and Ma'am." Bati ni Lucian sa parents ko.

Kasabay ang pagtawag ng adviser namin. Nagpaalam ulit ako sa magulang ko bago sumabay na kami ni Lucian sa mga nakapila. Pina-instruct kami kung saan bus number kami sasakay. Biglang nag-ring ang phone ni Lucian.

"Excuse me for a sec." Paalam niya sa akin sa sinagot niya yung tawag.

Medyo lumayo siya na kaunti. Habang naghihintay ng go signal ng prof namin ay may kumalabit sa balikat ko.

"Hey."

Lumingon ako sa likod at nakita ko si Oliver. "Morning, Oliver."

"Iisang bus pala tayo." Nakangiting saad niya. "Pwede bang magkatabi tayo?"

"No. He will seat beside me." Seryoso sabi ni Lucian nang tumabi sa akin habang malamig ang titig niya kay Oliver.

BROKEN MAFIA SERIES #1:The Scarred Mafia [BL | R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon