Chapter 28

817 29 7
                                    

Chapter 28

Erza's POV

"Wow, what a movie."

"The best. Sana may part 2 pa."

"So, kain na tayo? Pero kanya kanya bayad ah." Sabi ko na ngumisi pa ako.

Napaikot ang mga mata ni Diane sa akin. "Alam namin no."

"Asus. Ang sabihin mo nag-expect ka na may maglilibre isa sa amin." Pangangasar ni Oliver sa kanya.

Pinalo siya sa braso. "A-Ako? Nag-expect? Ha. Ha. Ang ganda ng biro mo, Oliver. Halika na."

Napiling na lang ako. Narito kami sa mall dahil niyaya ko sila lumabas. Kakatapos lang namin manood sa sinehan at ngayon magla lunch na kami. Matapos ng mahalagang okasyon, pasukan ulit sa susunod na araw. Walang masyadong balita tungkol sa Vendetta Organiation at kasalukuyan hinahanap pa nina Lucian kung saan ang iba pang mga leader. Pero kahit wala pang atake mula sa kanila ay sinasanay na ako ni Lucian kahit pa paano. Nasabi ko na rin ito sa magulang ko at hindi naman sila kontra pa.

"Ezra."

"Huh? Bakit?"

"You're spacing out. May problema?" Tanong ni Oliver habang umiinom ng softdrinks.

Napailing ako. "Wala naman. May naalala lang ako." Napangiti ako sa sinabi ko.

Halos kalahating oras kami kumain na sinabayan pa ng kuwentuhan. Nang makatapos na kaming kumain ay tumingin naman ako kay Diane.

"Oo nga pala, anong next pasyal natin?" Tanong ko.

"Punta tayo sa department store. May bibilin lang ako." Excited na sagot niya na parang nag-sparkling ang mga mata niya.

"Sakto may titingin ako doon." Dagdag naman ni Oliver.

"Okay, sa department store na tayo."

Nang matapos kami kumain, dumiretso na kami doon. Wala naman sana ako bibilhin rito pero bibilhan ko na lang si Lucian ng snacks na lang. Habang nakapila sina Oliver at Diane sa counter ay may nararamdaman ako parang may nakatingin sa akin. Pasimple ako napalingon sa likod na pakunwari na may tinitignan ako ng item.

Hindi maganda pakiramdam ko.

Bigla ako kinabahan nang mga tatlong tao ang estimate ko na may nagmamasid sa akin.

"Ezra, halika na." Pagyaya sa akin ni Diane na kakatapos na ni Oliver magbayad sa counter.

"O-Oo." Sabi ko na hindi mawala ang kaba ko.

Relax ka lang, Ezra.

Kailangan ko mag-isip kung paano namin maligaw yung sumusunod sa amin. Naalala ko si Diane dahil wala siyang kaalam alam rito.

"Ezra."

Napalingon kami sa tumawag sa akin. Nagulat naman ako nang makita ko si Lucian pala.

"Ikaw pala, Lucian. Ano ginawagawa mo rito?" tanong ko.

Maski pa paaano nakahinga ako ng maluwag.

"It's an urgent."

Napalunok ako dahil sa pag-alala ko kapag sinabi niya na 'urgent' ibig sabihin may hindi magandang nangyari ngayon.

"Ah...Baka may importante ka pala gagawin, Ezra. Ako na bahala kay Diane." sabi ni Oliver na kumindat pa.

Napatango naman ako sa sinabi niya. Mabuti naman at parang nagets niya yung sitwasyon ngayon.

BROKEN MAFIA SERIES #1:The Scarred Mafia [BL | R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon