Chapter 29

785 30 5
                                    

Chapter 29

Ezra's POV

"Ahh... Kailangan ba talaga aattend po tayo doon?" Alanganin na tanong ko habang inaayos ko ang neck tie ko.

Tumawa na mahina si Mama. "Syempre, anak. Kabilang na tayo sa Elders kaya huwag ka na kabahan dyan."

Paano hindi ako kakabahan kung mismo lahat na tao doon ay mga pamilyang mafia. Noong last week ko pa nalaman tungkol sa gaganaping event. Event kung saan dito sa Pilipinas gaganapin ang big gathering ng Elders. Mga leaders at iba pang members na sumali sa Elders ang dadalo ngayon. Sabi ni Lucian, hindi lahat ay pamilyang mafia pero mga mayamang pamilya na sila nagbibigay ng suporta sa mga leader.

Nang ready na kami sakto may nag-doorbell.

"Nandyan na sila." Sabi ni Papa na siya nagbukas ng pinto.

Uminit bigla ang mukha ko nang makita ko si Lucian. Naka black attire suit at naka-black mask na hindi sakop yung mga mata niya. Ang gwapo niya.

"Good evening." Pormal pagbati niya. "Is everything settle?"

"Yes, sir Lucian." Sabi ng magulang ko.

Sumakay ang magulang ko sa koste ni Lucian na pina-drive si Mr. Caleb samantala sumabay naman ako kay Lucian.

"Nervous?"

Napatingin agad ako sa kanya. "O-Oo." Pag-amin ko. "First time ko ito. As in yung mismong buong members dadalo kasi."

"Just a reminder that some of them are assh*les so it's best for you to stay by my side. Everyone should know that you are mine and nobody else can have you." Seryosong saad niya.

Uminit na naman yung mukha dahil sa sinabi niya. Napaka-posessive niya talaga. Umabot ng kalahating oras nang nakarating kami sa isang isolated na lugar kung saan walang gaanong bahay nakatayo sa lugar na ito at halos gubat na pero nandoon ang malaking mansion na pagmamay-ari ng isa sa mga leader ng Elders.

Kita ko na maraming dumalo ngayon. Pumarking na kami saka sabay na kami lumabas sa koste. Halatang mayayaman nga at elegante na yung mga tao.

"May I?"

Nagulat ako nang nilahad niya ang kamay sa akin.

"Pero baka pag-uusapan tayo." Bulong ko at napapatingin ako sa paligid.

Umikot ang mga mata niya. "I don't f*cking care about them." Inis na sabi niya saka kinuha na niya ang kamay ko. "Let's go."

Pagkapasok namin sa loob ay namangha ako sa ganda ng mansion. Pang-renaissance style ang desenyo ng mansion. Katulad sa inaasahan ko na maraming dumalo ngayong gabi. Halos mga foreigner ang narito at ilan lang ang mga Pilipino.

"He's here."

"He's the masked assassin, right?"

"I heard he killed some of the leaders of Vendetta Organization."

"Who's that young boy beside him?"

Naririnig ko ang mga bulungan at pinagtitinginan kami ni Lucian.

"Ignore them." Sabi ni Lucian sa akin na inalok sa akin ng isang glass of wine.

"T-Thank you." Bulong ko sabay tumikim ng red wine.

Bleh! Hindi ako sanay na ganito inomin.

"Ladies and gentlemen."

Lahat kami napalingon sa nagsasalita sa gitna. Isang lalaking foreigner na kasing edad niya si Lucian, may blue eyes at dark brown haired. Nakakatakot siya sa totoo lang dahil kita ko na walang expression ang mukha niya.

BROKEN MAFIA SERIES #1:The Scarred Mafia [BL | R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon