Chapter 11
Ezra's POV (Few days later)
"Anak, baka gusto mong dagdagan ng kanin mayroon pa akong extra." Sabi ni Mama habang pina-on niya yung TV.
Umiling naman ako habang kumakain. "Hindi na po, Ma. Madami na nga itong kinakain ko." Sabi ko habang ningunguya ko yung ulam.
Grabe, na-miss ko yung luto ni mama kaya medyo ganado na ako sa pagkain. Ilang araw na nakalipas narito ako sa hospital dahil nagpapagaling pa ako matapos pagtama ng bala ng baril sa balikat ko. Ayon kay papa, mga susunod araw pa bago makalabas na ako rito.
Nalaman ko na lang kay Mama tungkol sa nangyari sa hotel matapos mawalan akong malay. Kwento niya, mabuti at nakaalis kami agad dahil ilang minuto pa at biglang sumabog yung hotel. Narinig ko pa sa balita nung kahapon na maraming namatay at isa na doon ang may-ari ng Fajardo corporation. Kinuwento ko sa magulang ko tungkol sa pagkamatay ng mag-amang Fuentez kaya laking gulat at natakot sila. May ilang bumisita na police at detective para sa ilang katanungan tungkol sa nangyari. Binanggit ko sa kanila tungkol sa killer kaya nasabi pa nila na baka isang grupo ito at sila ang magiging suspect sa nangyari.
Di ko maiwasan na matakot ngayon na baka balikan niya ako at idadamay niya ang magulang ko. Pero nagtataka pa rin ako kung bakit di niya ako pinatay since witness ako. Nagising ang diwa ko nang may kumatok sa pintuan.
"Good afternoon po, Tita. Hi, bes!" Pagbati ni Diane nang nakapasok sa loob ng kwarto.
"Bes." Bati ko at kumaway ako sa kanya at di lang siya mag-isa. "O, Oliver, musta na rin?" Bati ko rin kay Oliver na dalang isang basket na prutas.
"Pasensya na ngayon lang ako bumisita dahil nagpa-meeting ng mga officers this week." Sabi niya at nilapag niya yung basket sa side table. "Good afternoon po, tita. Oliver nga po pala."
"Naku, hijo, naabala ka pang bumili pero salamat." Sabi ni Mama. "O siya, uuwi muna ako sa bahay. Ayos lang sa inyong dalawa na bantayan niyo yung anak ko? Babalik naman ako."
"Don't worry po, Tita. Nagpaalam naman kami sa parents namin na bumisita kami rito." Saad ni Diane.
Ngumiti naman si Mama at nagpaalam na siya para umalis. Nagulat ako kay Diane na pinalo niya ako sa braso.
"Aray!"
"Ikaw, pinag-alala mo kami. Alam mo ba, halos di ako nakatulog for this week dahil nung narinig nangyari sa iyo. My gosh, bes. Lagi kang napapahamak." Pagmamaktol niya.
Hinihimas ko yung braso ko habang tinignan ko siya.
"Sorry, bes, kung pinag-alala kita."
"Mabuti naman at maayos ka na. Usap-usapan sa campus yung nangyari sa iyo this week. But don't worry nag-alala din sila sa iyo." Sambit ni Oliver na umupo siya sa bakanteng upuan. "By the way, kailan ka ma-discharge nga pala?"
"Sa susunod na araw pa. Pero sa Monday na ako papasok para makapagpahinga pa ako sa bahay." Saad ko nang tinapos ko yung kinakain ko. Biglang may naalala ako. "Saan si Lucian nga pala?"
Nagsitahimik naman sila. Nawala yung ngiti ko na napalitan ng pagtataka.
"Uhm... Sinubukan namin siyang kausapin pero laging ilag sa amin. Then minsan umabsent pa siya." Ngumuso na sambit ni Diane. "Pambihira yang lalaki na iyon."
Nalungkot ako nang marinig ko iyon. Parang sumikip bigla yung dibdib ko. Nag-expect pa naman ako na dadalawin ako ni Lucian this week.
"Hey, may mga notes ako na ibibigay sa iyo at yung regarding din sa project." Paiba ni Diane saka nailabas niya yung kanyang notebook at book na ipapahiram sa akin.
BINABASA MO ANG
BROKEN MAFIA SERIES #1:The Scarred Mafia [BL | R-18]
Romans"Run, kitten, run. Because the beast will devour you tonight." Ezra Salcedo. An innocent boy with feminine looks and good personality. Everyone admires him until his life will change when he meets a mysterious mask man. Lucian Meyer. A man with a d...