Chapter 5
Ezra's POV
Di matanggal ang ngiti sa labi ko dahil di mawala sa isipin ko nung nag-uusap kami ni Lucian kagabi. Bihira lang kasi siyang mag-usap dahil siguro introvert siya. Pagpasok sa classroom ay hinanap ko sa pwesto ni Lucian pero wala pa siya baka mamaya pa siguro papasok iyon.
"Bes, here." Pagkakaway ni Diane sa akin.
"Good morning, bes." Bati ko saka tumabi sa kanya.
"Morning din, bes." Bati niya pabalik.
Napataas ang kilay niya kaya nagtaka naman ako.
"Bakit, bes?""Glooming ka ngayon, bes. Ano meron?" Mapanuksong tanong niya.
Napatigil ako sa tanong niya.
"Ha?" Taka ko. Di ko gets ang ibig niyang sabihin. Biglang pinalo niya ako sa balikat kaya napa-aray ako. "Aray!"
"Ano ba, bes? Ang slow mo. Tignan mo nga mukha mo halatang may nagpapasaya sa iyo. Sabihin mo sa akin kung ano yan." Nakakalokong ngiti pa niya.
Biglang uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.
"B-Bes, wala naman ito. Anong yung pinagsasabi mo d-diyan?" Nauutal kong sabi.
Nakalumbaba siya na halatang di siya naniniwala sa akin. Patay. Kahit gusto kong i-share sa kanya pero nahihiya naman ako at alam kong tutuksuhin niya ako.
"Weh?"
"O-Oo, bes. Kumo glooming may something na? Ha. Ha. Ha." Tumawa ako na pilit nang masamang tingin niya sa akin.
"Good morning." Pagbati ni Prof. Lopez na kakapasok niya lang rito. Mabuti naman at save from the bell.
Napatingin ako sa likod kung saan nakaupo si Lucian. Nadismaya ako dahil parang absent yata siya ngayon. Baka may emergency o may sakit siya. Pinagtuunan ko na lang yung discussion ni Sir.
***
"O parang malungkot ka nagyon? Kanina ang glooming ng mukha mo." Pagtataka ni Diane habang ningunguya yung kinakain niya.
Bumuntong hininga ako. "Wala ito." Matamlay na sagot ko habang patapos na akong kumain.
Nandito kami ni Diane sa cafeteria na kumakain kami ng lunch. Nilibang ko na lang sarili ko habang wala si Lucian. Pero teka bakit ako nakaganito? Nawala lang ngayong araw si Lucian pero di ko alam kung bakit ako nalulungkot.
Medyo nagdabog si Diane kaya nabigla naman ako sa kanya. "Hays. Alam ko bakit ka nakaganyan. Dahil si Lucian no?"
Nanlaki ang mga mata sa mga sinabi niya. "H-Hindi sa-" Di natuloy ang sasabihin ko nang nilagay niya ang kamay niya sa bibig ko.
"Hep hep. Huwag mo ako lokohin sa mga excuses mo." Mataray na sabi niya saka tinanggal niya ang kamay niya sa bibig ko. "Pansin ko lang. Kaya sinasabi ko na glooming ka kanina ay di lang ngayon ko na notice pero simula nung naging close kayo ni Lucian doon ko nakita. Tapos nung absent siya ngayon, malungkot ka naman."
Napatigil ako sa mga sinasabi niya.Ibig sabihin halata sa kilos ko?
"Syempre naging kaibigan ko na siya. Di na ba pwede mag-alala sa kanya?" Dahilan ko naman saka uminom ng tubig.
"Alam mo, bes, ok lang naman sa akin kung nagka-crush ka na kay Lucian eh."
Dahil sa sinabi niya napaismid ako sa ininom kong tubig. Ano daw? Crush ko si Lucian?!
BINABASA MO ANG
BROKEN MAFIA SERIES #1:The Scarred Mafia [BL | R-18]
Romance"Run, kitten, run. Because the beast will devour you tonight." Ezra Salcedo. An innocent boy with feminine looks and good personality. Everyone admires him until his life will change when he meets a mysterious mask man. Lucian Meyer. A man with a d...