Chapter 15
Ezra's POV
"Mukhang nag-enjoy ka sa naging pasyal niyo kahapon, anak." Komento ni Papa habang nagkakape.
"Opo." Pagsang-ayon ko sa sinabi ni Papa.
Kasalukuyan, kumakain kami ng almusal habang kinuwento ko yung naging nangyari kahapon maliban sa hinalikan ko si Lucian. Hindi ko ma-imagine kung ano ang magiging reaction nila. Maigi na ilihim ko muna ito.
"Itong Lucian, tama? Since naging close na kayong dalawa, imbitahin mo siya rito para mag-dinner." Sabi ni Mama na kakatapos lang kumain.
Napatigil ako sa kinakain ko. Tama ba narinig ko?
"Ta-Talaga po?"
"Syempre, anak, nakailang beses na naikwento yung bagong friend mo sa amin. So, gusto namin makilala yung tao na iyon." Sagot ni Papa.
"Hindi ko po sure kung okay sa kanya pero subukan ko lang pakiusapan siya mamaya." Pagpayag ko naman.
Hindi ko mapigilan na matuwa at the same time kinakabahan ako. Hindi ko expect na gusto nila makilala si Lucian. Sana pumayag si Lucian mamaya.
***
Maaga ulit ako hinatid nina Mama at Papa sa university. Aalis kasi ng boss nila mamayang hapon kaya mapaaga pag-uwi nila. Nang nakapasok ako sa entrance ay naka-receive ako ng text galing kay Diane. Di daw siya makakapasok ngayon dahil masama ang pakiramdam niya. Nalungkot naman ako. Sayang may ikukwento sana ako sa kanya.
"Hi, Ezra."
Napatingin ako sa harapan.
"Oliver, ikaw pala. Ang aga mo rin ah."
Sumabay na kaming lumakad sa hallway.
"May mga inaasikaso kami ng mga officers. Lalo pa malapit na yung field trip natin." Saad niya.
Muntik ko na makalimutan tungkol sa nalalapit ng field trip. Nasabi ko na rin ito kina Mama at Papa kaya pumayag naman sila. Di ko alam kung makakasama si Lucian dahil di ko pa nakausap tungkol doon.
"Ezra, pansin ko lang parang masyadong naging close na kayo ni Lucian."
Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.
Tumango naman ako. "Oo, naging komportable na ako kapag kasaa ko siya." Pero pansin kong seryoso ang mukha ni Oliver kaya nagtaka naman ako. "May problema, Oliver?" Tanong ko.
"Wala naman pero kasi nag-alala lang naman ako sa iyo." Sabi niya kaya lalo ako naguluhan sa sinabi niya.
Nagtaka naman ako. "Bakit ka naman nag-alala sa akin?"
Bumuntong hininga siya. "Basta pakiramdam ko lang na may kakaiba si Lucian."
Natawa ako na kaunti. "Alam mo, Oliver, nakasama ko na si Lucian pero wala naman kakaiba sa kanya. Maliban lang na lagi siyang tahimik at pormal na tao."
Sakto nag-ring ang bell. Nauna na akong lumakad nang hinawakan niya yung kamay ko.
"Ezra, kung sakaling may hindi magandang mangyari, don't hesitate ask help." Bilin niya.
Kahit medyo hindi ko siya maintindihan ay tumango na lang ako saka pumasok na siya sa kanyang room. Bakit kaya ganun si Oliver? Nakibalikat na lang ako saka lumakad papunta sa room ko naman. Napangiti ako na makita ko si Lucian. Naalala ko na naman yung nangyari kahapon. Napiling ako. Ano ba, Ezra, kaaga aga lang. Nilapitan ko siya at nakita kong nagre-review siya sa magiging quiz namin mamaya.
BINABASA MO ANG
BROKEN MAFIA SERIES #1:The Scarred Mafia [BL | R-18]
Romansa"Run, kitten, run. Because the beast will devour you tonight." Ezra Salcedo. An innocent boy with feminine looks and good personality. Everyone admires him until his life will change when he meets a mysterious mask man. Lucian Meyer. A man with a d...