It's Sunday again, day-off ng asawa ko kaya naman excited na naman ako dahil magba-bonding na ulit kami. Madalas kasi kapag umuuwi sya, medyo late na talaga kasi palaging need mag-overtime. Kaya pag-umuuwi sya, minsan wala na kaming chance mag-usap kasi nakakatulog agad ako sa paghihintay. Kaya naman tuwing Sunday na lang talaga ang pinaka-bonding namin.
Mag-ttwo months na rin pala kami nagsasama ng asawa ko. Ang bilis ng panahon. Si Blake nga pala, mabuti't di na nagpaparamdam. Siguro natauhan sa mga sinabi ko, nako he deserves it.
Di pa rin kami bumabangon ng asawa ko. Di ko rin magawang bumangon kasi nakayakap sakin si Jace, kapag nararamdaman nyang bumabangon ako lalo nyang hinihigpitan yung yakap nya. Pero naiihi na kasi talaga ako, tsaka parang masama pakiramdam ko. Medyo nahihilo rin ako. Hays, gisingin ko na nga si Jace.
"Dy, wake up. Naiihi ako, let me go muna." Kahit anong yugyog ko sa kanya, ayaw pa ring bumangon. "Di ko na talaga matiis! Dy, naiihi na ko!!!!"
"Argh! Ingay mo naman My, sige na nga."
Dali-dali akong pumunta ng banyo. Phew! Ang sarap sa pakiramdam, haha! Nag-shower na rin ako at bumaba para magbreakfast. As usual, asawa ko na naman ang nagluluto. Gusto nya kasi sya naman ang magluluto kapag day-off nya.
Papunta palang ako sa kusina, pero parang biglang bumaliktad sikmura ko nung naamoy ko niluluto ni Jace. Pumunta ako sa lababo at don na lang sumuka.
"My, are you okay? Ba't ka sumusuka? Masama ba pakiramdam mo?"
"Dy, pakilayo mo muna yung pancakes. Ayaw ko nung amoy."
"Ha? E di ba favorite mo 'to? Bakit nga-"
Nagkatinginan kami ni Jace. Parang parehas kami ng iniisip.
----------------------------------------
"Eto na My, gamitin mo lahat yan."
"Seriously Dy? Lahat 'to?" Bumili si Jace ng pregnancy test kit. Lima lang naman binili nya, di naman sya excited at OA.
"Para sure syempre." ;)
"Okay, wait for me here na lang."
"No, sasama ko sa loob ng banyo."
Ang asawa ko talaga! Parehas kaming kinakabahan at excited kung totoo nga ang iniisip namin. Pumikit muna kami, then after 5 mins.. Two lines, sa limang test kit.
"Woohoo! Magiging daddy na talaga ko!"
Binuhat naman ako ni Jace. Ang saya-saya ko ngayon. Di ko rin napansin na two months na palang delayed ang period ko. Finally, magkakaroon na kami ng anak! Matatawag na talaga kaming 'Family'. "Haha, mommy na rin ako! Dy, ibaba mo na ako."
"Ay oo nga, baka maipit si baby." Lumuhod sya at tumapat sa tyan ko. "Sorry baby ha, sobrang masaya lang kasi si Mommy at Daddy. Magiging good parents kami sayo, we promise that to you. Kahit anong gender mo, okay lang. Basta healthy ka paglabas mo. Aalagaan ka naming mabuti, anak. Di ko kayo papabayaan ni Mommy."
Aw, na-touch ako sa sinabi ng asawa ko. "I love you, Dy. I know, magiging mabuting ama ka talaga."
"I love you too, My. I love you both." He kissed me hard. "Hmm, maliit pa naman si baby di ba? So pwede pa?"
"Haha! Dy talaga!"
---------------------------------------------
BINABASA MO ANG
Broken Marriage
RomanceWe started having a happy and contented relationship before.. But it became different since we got married.. Iba talaga kapag ang tadhana na ang nakipaglaro sayo..