-JACE's POV-
"Amanda. Where is she?" Walang emosyon nyang sabi.
Si Amanda? Bakit-- Wait. Wife? Amanda's his wife?
"She's my wife." Dagdag pa nya. Hindi ko na talaga maintindihan. Hindi ako nakasagot sa kanya dahil hindi pa rin ako makapaniwala na ang tinutukoy nya ay si Amanda. Imposible. Bakit hindi ko nalaman?
"Maybe you're wondering how did it happened." Halata sa mukha nyang pinipigilan lang nya ang galit nya kahit kalmado at malamig syang magsalita. Walang emosyon sa mukha nya pero mukhang ano mang oras, susuntukin na nya ako.
"I-i.. I don't understand." Uutal-utal ko pang sabi sa kanya. "P-pero.. wala dito si Amanda ngayon."
"Mabuti kung ganon. I also came here to tell you everything about her. Para malaman mo kung paano nya tayo pinaikot at niloko." Masyado na kong naguguluhan sa mga nangyayari. "As much as I wanted to punch you right now, gusto ko munang makipag-usap sayo. Wag kang mag-alala, pinipilit kong maging kalmado para magkaintindihan tayo. At alam ko rin namang, wala ka ring alam sa mga ginawa ni Amanda." Matagal kaming nagkatitigan, tumango ako.
"Pasok, don tayo sa loob."
Pumasok sya sa loob at umupo na sa sofa. Kanina pa ko hindi mapakali.
"Siguro iniisip mo kung paano ko nalaman ang lahat." Sabi nya, kung nakakamatay lang ang matalim nyang tingin, baka kanina pa ako patay.
"P-paano? At iniisip ko rin.. paanong hindi ko nalaman ang tungkol sa inyo ni Amanda?"
"My private investigators did the work. Matagal ko na kayong pinapaimbestigahan ni Amanda. Nagsimula lang ako nung magduda na ako sa kanya."
Bigla akong napaisip. Madalas kong naaabutang may kausap sa phone si Amanda. Hindi kaya sila ang nag-uusap non?
"Nagduda ako sa mga kinikilos nya. Tuwing kakausapin or kinakausap ko sya, parang palagi syang nagmamadali. May mga nababalitaan na ako sa kanya , but I didn't believed it because I wanted to see it with my own eyes." He sighed heavily. "Im always out of the country because of businesses. Kaya, hindi ko kaagad nalaman ang mga pinaggagagawa nya." He laughed bitterly. "Dati na syang malamig sakin, pero mas lalo pa syang lumamig ngayon. Kaya pala last time na umuwi ako, atat na atat syang bumalik ako sa ibang bansa."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Di ako makaimik sa tuwing nagsasalita sya. "God knows how much I wanted to go back here in the Philippines nung ibinalita na sakin ng private investigators ko ang mga pinaggagawa ni Amanda. Pero hinintay kong matapos lahat ng kailangan kong tapusin na trabaho, para pagbalik ko.. aayusin ko ang gulo na ginawa ni Amanda." Nakikita ko sa kanya na mukhang mabuti naman syang tao. "Do you still love Amanda?" Diretso syang tumingin sakin.
"H-ha? Hindi. I-i mean.. hindi na. Look, we had an affair. Pero maniwala ka man o sa hindi, nung mga panahong magkasama kami.. pakiramdam ko may kulang--"
"And you cheated on your wife, right? At nagsimula lang mawala ang feelings mo kay Amanda simula nung binigyan ka ng kondisyon ng asawa mo para pirmahan ang anullment papers nyo." Napakunot ang noo ko. Ang dami na atang alam ng tao na 'to. "I can read your mind, Jace. Alam ko na lahat, and I mean LAHAT-LAHAT. Ikaw ang maraming dapat malaman."
Tumango ako. "So.. tell me everything that I must know."
"San ba ako magsisimula? Hmm.." Nagkunwari pa syang nag-iisip. "Okay. Let's start with.. me and Amanda. As I said awhile ago, kasal kami. Matagal na kaming kasal before you got into the picture. I know that Amanda doesn't love me and she was only forced to marry me, kaya di na nakakapagtaka kung maisipan nyang magkaroon ng affair sa iba. She fell inlove with you at pinilit nyang makuha ka even she knew that you are already married. Knowing Amanda, kapag gusto nya, gusto nya. Pero pag ayaw nya, ayaw nya. And then you, you got too weak and you just let Amanda carry you away from your wife. You're not in good terms with your wife that time, right? So, nagpadala ka na rin sa tukso."
BINABASA MO ANG
Broken Marriage
RomanceWe started having a happy and contented relationship before.. But it became different since we got married.. Iba talaga kapag ang tadhana na ang nakipaglaro sayo..