-MiSHA's POV-
Nangingilid na ang mga luha ko, gustong gusto ko nang umiyak pero pinipigilan ko.
Binilisan ko ang lakad ko palabas. Gustong gusto ko na talagang umuwi. Nanghihina ako at nanginginig ang katawan ko sa sobrang gigil.
Sumakay kaagad ako sa kotse ko. Nagsisisigaw ako at pinaghahampas ko ang manibela.
Ano na naman ba 'to Jace? Sasayangin mo ba yung chance na binigay ko?
Tuluyan nang bumagsak yung mga luha ko.
Misha, kalma. Baka OA ka lang masyado. Baka naman friend nya lang yun o workmate.
Pero paano ako hindi magdududa?
Nagsinungaling sya..
Palagi syang may kausap sa tawag ng palihim.
Palagi syang pagod na pagod tuwing umuuwi.
Teka! Baka yun yung babaeng palagi nyang kasama.
Inuulit na naman nya..
Sinasayang na naman nya ang tiwala at pagkakataon..
"Arrrrgghh!!" Napasigaw na lang ako at napasabunot sa sarili dahil sa mga iniisip ko.
Tuloy tuloy pa rin ako sa pag-iyak. Hindi ko kayang umuwi. Ayaw kong makaharap si Jace. Sinisira nya na naman yung tiwala na binigay ko.
Tinawagan ko si Zia. Wala naman akong ibang mapupuntahan ngayon. Ayaw ko na rin munang puntahan si Rynn, baka kasi isipin nya inaabuso ko naman kabaitan nya.
"Hello Zia?" Nanginginig pa ang boses ko dahil sa pag-iyak.
"Oh bff. Teka? Umiiyak ka ba? May ginawa na naman ba asawa mo ha?"
"I'll tell you later. P-pwede bang dyan muna ko mag-stay? Just for today."
"Sure, no probs. Pumunta ka na dito."
Binaba ko na ang tawag at dumiretso na kaagad ako sa bahay ni Zia.
Pagkadating na pagkadating ko dun, magkasalubong na agad ang kilay ni Zia. Niyakap ko kaagad sya.
"Ano na namang ginawa ng mabait mong asawa ha?"
Umupo kami para makapag-usap ng maayos. "Lately napapansin kong may iba na naman sa kilos nya. Tapos nagsinungaling sya sakin na mag-oovertime sya sa trabaho. Tinawagan ko secretary nya, maaga pala syang umalis. Then itinanong ko kung alam nya kung nasan si Jace. Narinig daw nya na may immeet sa Starbucks. Pumunta ko, and I saw Jace with someone." Di na naman ako matigil sa pag-iyak.
"Pambihira talaga yang asawa mo! Umuulit na naman! Pero teka. Baka naman paranoid ka lang masyado? Malay mo workmate or kaibigan nya lang yun?"
"Zia, bakit kailangan nilang magdikit kung workmate o friends lang sila?"
"E pano ba yung posisyon nila nung nakita mo sila?"
"Magkatabi sila tapos yung babae halos nakaakbay na kay Jace! Tapos yung kamay nya nasa balikat ni Jace. May pinapakita yung babae sa Ipad nya tapos parang tuwang-tuwa pa silang dalawa." Gigil kong kwento kay Zia.
"Anak ng.. yang asawa mo talaga! Naku, humanda lang talaga sakin yang asawa mo! O'sya, wag mo muna isipin yun. Alam ba nya na nakita mo sila?"
"Hindi. Hindi ko pa sinasabi sa kanya. Ni-hindi nga nya alam na nagdududa ako sa kanya nung mga nakaraang araw."
"Dito ka na lang muna. Hayaan mo syang mabaliw kakaisip kung nasan ka."
BINABASA MO ANG
Broken Marriage
RomanceWe started having a happy and contented relationship before.. But it became different since we got married.. Iba talaga kapag ang tadhana na ang nakipaglaro sayo..