Chapter 22 - Going to be Alone

4.2K 106 7
                                    

-JACE'S POV-

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako kakahintay kay Misha kagabi na lumabas ng banyo.

Pagkadilat ko, nakatalikod si Misha sakin at mahimbing pa ring natutulog. Siguro napuyat sya sa pag-iisip. Masyado ko kaya syang nabigla? Sabagay, hindi ko rin naman sya masisisi.

Ngayon na ako aalis habang tulog pa si Misha. Pupunta ako kay Amanda para magpaliwanag at humingi ng tawad. Sana maintindihan nya ako. At kung hindi man nya ako mapatawad ngayon, maiintindihan ko dahil alam kong hindi naman ganun kadali yun.

Hinalikan ko si Misha sa noo, at saka ako nag-ayos para umalis.

-----------------------------

Papunta palang ako sa condo ni Amanda, pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.

Pagkadating ko, kumatok agad ako at tumambad sakin ang masayang Amanda. "Hon!! Sa wakas binisita mo rin ako. Dun tayo sa loob." Niyakap nya ako at hinila papunta sa loob. "Nakakatampo ka ha, hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Kina-career mo talaga ang pagiging 'good husband' mo kay Misha, at ang uto-uto paniwalang-paniwala naman. Haha! Magpakasaya na sya at dalawang araw na lang kayong magkakasama. Magiging malaya ka na. Pwede na tayong magpakasal kahit kelan natin gustuhin. Wag kang mag-alala, kaya ko pang magtiis kasi malapit naman na tayong magkasama ulit. Worth it naman ang paghihintay, dahil sulit naman ang kapalit." Sabi nya sakin habang sobrang saya nya.

Lalo tuloy akong nahihirapang magtapat sa kanya. "Oh hon, bakit ganyan mukha mo? Miss na miss mo siguro ako 'no? Hon.. konting araw na lang at masosolo na natin ulit ang isa't-isa nang walang pinoproblema. Kaya wag ka nang malungkot. Dalawang araw na lang naman e." Napansin nya siguro na kanina pa ako walang emosyong pinapakita sa mukha ko. "Uy! Magsalita ka naman dyan, nagtatampo ka ba sakin at di na kita kinukulit tawagan? E kasi naisip ko rin na kailangan nating magpakabait pa lalo kay Misha kasi baka magbago ang isip nya--"

"Maghiwalay na tayo Amanda." Nakatingin lang ako sa mga mata nya habang sinasabi ko yon.

"H-ha? Hon, nawili ka naman ata kakasabi nyan kay Misha at pati sakin nasasabi mo yan? Haha. Ikaw talaga, hon. Nagtatampo ka lang e." Sabi nya pero halatang nanginginig ang boses nya.

"We will not having divorce anymore. I am so sorry Amanda. Patawarin mo ako. Walang ibang may kasalanan nang lahat ng 'to kundi ako. Kung hindi ako nagpadala sa tukso, wala sana akong masasaktang tao ngayon. Patawarin mo ako Amanda, pero nahanap ko na ang kulang sa sarili ko. A-at.. si Misha ang kumumpleto."

Umagos na ang mga luha sa mga mata ni Amanda. Pinaghahahampas nya ako, pero hindi ko sya pinipigilan. Handa akong tanggapin lahat ng sakit, dahil dapat lang sakin 'to. "No Jace!! Akala mo lang yun! Ako ang mahal mo di ba? Nangako ka saking papakasalan mo ako kapag maayos na ang lahat! Ako ang mahal mo, Jace.. Please hon, nalilito ka lang ulit. Wag kang maniwala kay Misha. Ginawa nya lang yang lecheng kondisyon na yan para lituhin ka ulit sa nararamdaman mo! Dahil umaasa din sya na babalik ka. Mahal na mahal kita, Jace alam mo yan!" Humahagulgol na sya habang tuloy pa rin sa paghampas sakin.

Pinangakuan ko sya na papakasalan ko sya, but I really didn't mean it. Sinabi ko lang yun para matigil na sya kakakulit sakin.

Nung mga panahong magkasama pa kami ni Amanda, kahit na pakiramdam ko sa sarili ko mahal ko na sya.. may kulang pa rin. Hindi ko malaman kung ano ba yun, hanggang sa nangyari 'to at si Misha ang naging sagot.

"Patawarin mo ako, Amanda." Yun na lang ang sinabi ko at lumakad ako paalis.

"Stop." Mahinang sabi ni Amanda at lumingon ako sa kanya. "You can't leave me."

Broken MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon