-RYNN's POV-
Nakatayo lang ako malapit sa pinto habang pinapanood sila Jace at Misha na magkayakap.
Sabi na nga ba. Alam kong magbabago ang desisyon nya. Kitang-kita naman sa mga mata nya na napipilitan lang sya na piliin ako at pumunta sa L.A. Kilalang-kilala ko na si Misha kaya alam ko na rin kung kelan sya nagsasabi ng totoo at hindi.
Magkayakap pa rin sila hanggang ngayon at nakikita ko ang pagkasabik nila sa isa't isa.
Subukan mo lang ulit na saktan si Misha, Jace.. Hindi ako magdadalawang isip na bugbugin ka at kunin ulit sya sayo.
Habang busy sila sa pagpapalitan ng mensahe, minabuti ko na lang na umalis na.
Syempre.. Masakit. Pero para sa kaligayahan ni Misha, kakayanin ko.
Lalayo muna ako pansamantala. Pero mananatili pa rin akong kaibigan ni Misha. Wala e. Kailangan ko nang tanggapin na talo ako at hanggang dito na lang talaga kami.
--------------------------------------------------
-JACE's POV-
"Mahal na mahal kita Jace."
Sobrang saya ko. Kung nananaginip man ako, sana lang wag na akong magising.
Hindi ako makapaniwalang bumalik si Misha. Ayaw kong tanggalin ang pagkakayakap ko sa kanya. Sobrang tagal kong hinintay ang araw na 'to.
"I am willing to take the risk again, Jace.. Ayaw ko ng lokohin ang sarili ko. Sa kabila ng lahat ng nangyari.. ikaw pa rin yung mahal ko. Sawa na kong magtago ng nararamdaman ko. Natakot ako.. Natakot ako na mawala ka ulit ng dahil lang sa takot na baka masaktan ulit kapag minahal ulit kita." Sabi nya habang magkayakap pa rin kami.
Ang sarap pakinggan ng mga sinasabi nya. Naiyak ako sa sobrang saya. "You don't have to be afraid again, Misha. Hinding-hindi ko na sasayangin ang chance na binigay mo ulit sakin. I PROMISE. God knows how much I love you at kung gaano ako nagsisi sa mga ginawa ko noon." Tinanggal ko ang pagkakayakap ko sa kanya. Hinawakan ko ang mukha nya at parehas kaming nakatitig sa isa't isa. "Let's start again. I love you, Zainel Misha Monteverde." Hinalikan ko sya.
Pero agad rin syang umalis sa pagkakahalik ko at parang takang-taka sya. "H-hindi ka--"
Agad kong pinutol ang sasabihin nya. Alam ko na kung anong iniisip nya. "Yes Misha. Hindi ako nagfile ng annullment. That means, you're still my wife."
"But I thought you wanted that.."
"No. Itinago ko lang yung mga documents. Yun na lang ang natitirang pag-asa ko. Yun na lang ang pinanghahawakan ko. Alam kong babalik ka pa kaya hindi ko yun ginawa."
Umiiyak pa rin si Misha at niyakap ulit ako. "Buti na lang.." Mahina rin syang natawa.
"Muntik ko na ngang ituloy e kasi aalis na kayo ni Rynn." Sabi ko naman sa kanya pero natawa rin ako.
Mahina nya akong hinampas sa balikat. "Sira!" Nagtawanan kaming dalawa.
Matagal kaming nakatahimik habang nakatitig lang sa isa't isa.
"Let's start over again.. I love you, Jace." She smiled. Ang ngiti na matagal ko nang gusto ulit makita sa kanya.
"I love you too, Misha.." I kissed her on the forehead.
"Wag ka na ulit maghahanap ng iba ha?" Pabiro nyang sinabi.
"I promise."
"Naku, yan ka na naman sa mga promise mo e."
BINABASA MO ANG
Broken Marriage
RomanceWe started having a happy and contented relationship before.. But it became different since we got married.. Iba talaga kapag ang tadhana na ang nakipaglaro sayo..