Time check 8:24pm. Ang tagal ng asawa ko ah. Kakauwi ko lang din, medyo napagod ako. Nag-shower muna ako para naman mapreskuhan.
Narinig kong bumukas ang pinto, andito na pala ang asawa ko.
"My, san ka? Dala ko favorite mo."
"Bababa na po, nagsusuklay lang. Kain na tayo pagbaba ko."
Bumaba na ako para kumain, as usual caramel cake na naman! Yum!
"My, di ka nagsasawa? Sarap na sarap ka sa caramel ngayon ah. Di ba dati ayaw mo nyan?"
"E naglilihi nga kasi ako Dy. Ewan ko ba, kahit ata ibili mo ako ng marami nito mauubos ko kaagad."
"Bawal daw sweets sa buntis My, kaya hinay-hinay lang. Yung mga fruits dapat ang kainin mo. Sa Sunday, bili ulit tayo."
"Bili na naman? Dami pa kaya sa ref."
"Ubusin mo na agad, fruits ang kainin mo,wag na yan. Baka maging kakulay nyan anak ko." Sabay tawa.
"Haha! Naniniwala ka don, Dy?"
"Uhm, medyo. Pero di naman siguro, parehas naman tayong maputi. Teka, wag mo kong nililibang. Bukas naman yang isa, ubusin mo yung fruits."
"Dy naman e! Cake gusto ko." Nagpout pa ko. Baka umepek drama ko, haha.
"Ay nako, wag mo ko ginaganyan ng muka. Di ako naaawa. Fruits ang kainin mo." Well, ano pa ba magagawa ko.
Umakyat na rin kasi sa taas pagkatapos namin kumain. Habang nagsa-shower si Jace, iniisip ko kung sasabihin ko yung tungkol kay Rynn. Baka kasi magalit sya pag nalaman nyang basta na lang ako sumama don. Pero siguro naman, maiintindihan nya.
Humiga na sa tabi ko si Jace. Yumakap naman ako. "Dy, may sabihin ako sayo."
"Ano yon?"
"Kasi kanina, nainip ako. Pupuntahan ko sana si Zia kaso wala pala sya. Nag-drive muna ko kung san-san. Tapos ayun, bigla na-flat yung gulong."
"Oh, anong nangyari? Pano ka nakauwi? Bat di mo ko tinawagan?"
"Uhm.. Di na kita tinawagan kasi alam kong makakaistorbo lang sayo. Pero, may lalaking lumapit sakin at nag-offer ng tulong tapos-"
"What?! May ginawa ba sayo? Ano, binastos ka ba? Ano, My? Sabihin mo."
"Ay, bongga ang reaction. Haha. Tinulungan nya ko, buti na lang may spare tires sya. Tapos ayun, tinanong ko sya kung pano ko sya mapapasalamatan. Pumunta na lang kami sa coffee shop at kumain."
"Hmmm." Di ko maintindihan kung anong nakikita ko sa mukha ni Jace. "Hiningi ba number mo? Alam bang may asawa ka at magkakaanak na tayo?"
"Oo, alam nya. Sinabi ko. Binigay nya lang number nya sakin, dont worry Dy mabait sya."
"Okay." Nagagalit kaya sya? Okay lang?
"Galit ka, Dy?"
"Di naman. Mas okay nga na sinabi mo sakin e. Mas magagalit ako kapag naglilihim ka pa sakin. Kahit ano pa yan, sabihin mo sakin."
"Oo Dy, promise. Ikaw, kumusta araw mo?"
Napansin kong biglang nag-iba ang mood ni Jace. "Dy? Ikaw naman ang magsabi sakin kung may problema ka."
"H-ha? W-wala ah. Matulog na tayo, antok na ko. Maaga pa pasok bukas. Dont worry, the next day, day-off ko na. Makakapag-bonding ulit tayo nila baby."
BINABASA MO ANG
Broken Marriage
RomanceWe started having a happy and contented relationship before.. But it became different since we got married.. Iba talaga kapag ang tadhana na ang nakipaglaro sayo..