Chapter 25 - Back

4.5K 85 2
                                    

After 2 years..

-RYNN's POV-

"Rynn, c'mon! Its been 48 years, hanggang ngayon ba naman hindi ka pa rin tapos?" Sigaw sa akin ni Mish habang nag-aayos ako. Ang cute nya talaga, para syang bata.

"Eto na po, bababa na." Bumaba na ako agad at baka magwala pa ang prinsesa.

Naabutan ko syang nakaupo sa sofa na parang bored na bored. "Finally, bumaba ka rin. Kung makapag-ayos ka para kang babae ah." Mataray na sabi nya.

Ibang-iba na si Mish ngayon. Simula nang malaman nya ang totoo, nagbago na sya. Nung una, ni hindi ko man lang sya makausap, ni ayaw nyang lumabas ng kwarto. Pero, pinilit kong matulungan syang magmove on at kahit pakonti-konti ay nakayanan naman nya.

Sa ngayon, masasabi ko na kahit papano ay nakarecover na sya sa lahat ng nangyari sa kanya. Nakita ko kung gaano sya naghirap sa pagmmove-on. Sa loob ng dalawang taon, ako ang palaging sumusubaybay sa kanya.

Patuloy ko syang sinusuyo, umaasa ba ko na baka sakaling maging sa akin na sya? Oo. Pero sa nakalipas na dalawang taon, alam kong hindi ko pa rin mapapalitan si Jace sa puso nya. Natatakot ako.. natatakot ako na baka pagdating ng araw, kunin ulit sya ni Jace sakin. Hindi ko kaya.. sa dalawang taon na pagkakasama namin ni Mish, natuto akong makuntento sa kung ano kami ngayon. Pero.. umaasa pa rin talaga ako na sana ako naman.. Nagawa kong iwan ang Pilipinas para kay Mish, nagawa kong magsakripisyo para sa kanya. Ganun talaga siguro.. mahal ko e.

Sa tuwing naaalala nya si Jace, wala syang ibang maramdaman kundi galit at lungkot. Pero nakikita ko pa rin sa mga mata nya na si Jace pa rin.. si Jace pa rin ang mahal nya.

Pero hindi ako susuko. Handa akong maghintay hanggang sa buksan nya na ulit ang puso nya para sa iba.

"Uy Rynn, are you okay? Parang ang lalim ng iniisip mo?"

Andito kami sa isang park ngayon, ang paboritong tambayan ni Mish kapag gusto nyang mag-isip isip. Kapag inaaya nya ako dito, alam kong marami syang iniisip.

Tumingin lang ako sa kanya at nginitian sya. "Alam mo namang ikaw lang palaging iniisip ko e. Boom!"

Natawa naman sya. "Mongoloid ka talaga."

"Ikaw 'tong may iniisip e. Alam ko namang gusto mo lang mag-isip pag inaaya mo kong pumunta dito."

Tinignan nya lang ako at ibinalik nya ulit sa dati. Napahinga sya ng malalim. Kabisado ko na si Mish, alam kong hindi sya mapakali dahil may gusto syang gawin.

"Let's go back in the Philippines."

Napatulala ako sa kanya, nabigla ako sa sinabi nya.

Eto na nga. Eto na yung bagay na kinakatakutan ko.

Pano kung mapalitan ng pagmamahal ang galit nya kay Jace? Pano kung magawa ni Jace na kunin ulit si Misha? Ang dami na namang tanong na nasa isip ko.

Pero kung sakali mang mangyari yun.. alam ko namang wala akong laban at wala akong karapatan dahil hindi naman akin si Misha, alam kong matatalo ako dahil alam kong sa puso nya, si Jace pa rin ang nandon.

Ano pa bang magagawa ko kung gusto mong bumalik sa Pinas? Lahat naman gagawin ko para sayo.. kahit na ayaw ko at natatakot ako. Basta para lang sa ikaliligaya mo. Hay Mish.. gusto kong yakapin ka at sabihing 'ako na lang'. Pero ayaw kong gawin yun, kaya gano man kahirap o katagal hihintayin kita. Hihintayin ko yung panahong kaya mo ng piliin kung sino ang mamahalin mo.

Matagal kaming nakatahimik. Alam kong parehas kaming nabigla sa sinabi nya. Ayaw ko na sanang gawin nya pa ang bumalik dahil alam kong iniisip nyang gumanti kila Amanda at Jace. Pero wala naman akong karapatang pigilan sya kahit alam kong hindi magandang maghiganti pa sya. Kaya sa kahit anong gawin nya, aalalayan ko na lang sya.

Broken MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon