Chapter 23 - The Truth

4.7K 93 11
                                    

-MiSHA's POV-

"Goodness Misha, what happened? Sobrang nag-aalala kami sayo ng Daddy mo. Bakit biglaan na lang ang desisyon mong magpunta dito?" Niyakap ako ni Mommy. "Look at you. You look so stressed.. May nangyari ba sa inyo ni Jace na hindi namin alam, anak?"

Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata ni Mommy. Napatingin ako kay Dad na nakatitig lang sakin ngayon and I know he won't stop asking me questions.

Hindi ko na rin napigilang umiyak at niyakap ko si Mom at Dad.

"This is because of Jace, right? I am so dissappointed.. Sabi ko wag ka nyang paiiyakin." Sabi ni Daddy habang hawak ang mga kamay ko. "You can stay here as long as you want. Lilipas rin yan, anak. Ganyan talaga ang mag-asawa, magbabati rin kayo."

"No Dad.. hindi lang po 'to basta away. And I'm planning to stay here.. for a long time."

They were shocked. "Ano ba talagang nangyari, anak? Please tell us para maintindihan namin. Are you telling us that you don't wanna go back in the Philippines? Andun ang asawa mo, anak. Ganun ba talaga kabigat ang away nyo?"

Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas ng loob na ikwento sa kanila ang lahat-lahat ng nangyari samin ni Jace.

After I told them, walang mapaglagyan ng galit si Dad. "How dare him to do this to you! You don't deserve this! He asked your hand on us for marriage, he even said his vows in front of God, yet he did all of that?! Hindi ko mapapalampas 'to. Celine, book me a flight! Bukas na bukas pupuntahan ko ang lalaking yon!"

Pilit na pinapakalma ni Mom ang Dad ko. "Roberto, calm down please. Doing that won't help, mas lalaki lang ang problema."

"Sinayang ni Jace ang tiwala ko.. sobrang sinayang nya. Nag-iisang prinsesa ko si Misha, and I really can't believe he would've done that to my daughter. Ang sakit na mawalay ang unica hija ko sa poder ko, pero para sa kaligayahan nila pumayag akong pakasalan sya ng anak natin because I trusted him and I thought he loves my daughter too much to cheat on her. I made the worst decision. I shouldn't have trusted that man."

Umiiyak na naman tuloy ako. Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Dad. Nilapitan nya ako at niyakap. "Don't worry, Anak. We're still here. And I will never let Jace come close to you again. I swear. Kapag nakita ko ang lalaking yon, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya."

"For now anak, just rest. Masyado ka nang stressed sa mga nangyayari. We'll talk again tomorrow, okay? You're now here and we will not let anyone hurt you again. We're always here for you." Sabi ni Mom. Tumango ako at pumunta na sa magiging kwarto ko.

This is it Misha. Time to move on.

--—--—--—--—--—--—--—--—--—--—--

Nagising ako dahil sa pagba-vibrate ng phone ko. Sino kayang tumatawag?

Si Rynn! Sobrang miss ko na 'tong kaibigan ko na 'to. Buti tumawag na sya. Ayaw ko kasing ako yung maunang tumawag sa kanya, problema lang na naman ang sasabihin ko sa kanya. Baka makaistorbo lang kaya pinili ko na lang na wag muna syang tawagan nung magkasama pa kami ni Jace sa bahay.

Excited akong sinagot ang tawag nya. "Hello Rynn! Grabe, na-miss kitang mokong ka! Ang tagal mong hindi nagparamdam. Nasan ka na nyan? Tapos na ba yung kailangan mo kamong ayusin? Ano--"

"Mish, mish.. Relax! Nagkakanda-bulol ka na, hehe. Daming tanong agad? Andito lang naman ako sa Pilipinas."

"Andyan ka lang pala ni-hindi mo man lang ako na-dalaw o naisipang tawagan? Kala ko naman kasi nagpunta ka sa ibang bansa. Kakatampo ka ah. Pano ba yan, andito na ko kina Mom and Dad, sa L.A." Medyo nalungkot ako na matagal kong hindi makakasama si Rynn at si Zia.

Broken MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon