"May mga damit dyan sa cabinet, kasya naman siguro sayo yan. Mga naiwan yan ng ate ko, matitino naman. Isuot mo muna pansamantala."
"Sige Rynn, salamat ha."
"No prob Mish."
Andito na kami ngayon sa bahay ni Rynn, dito muna ko matutulog sa bahay nya ngayong gabi dahil ayaw nyang mapag-isa ako. Ayaw ko rin naman dahil gusto ko ng makakausap ngayon.
Ipinagamit muna sakin ni Rynn ang dating kwarto ng ate nya. Ang ate nya at mga magulang nya nasa States kaya sya lang mag-isa dito. Hindi kaya sya nalulungkot dito, sobrang laki ng bahay pero mag-isa lang sya.
Hindi ako makatulog kaya naisipan kong bumaba muna at magpahangin sa tabi ng pool sa likod ng bahay nila Rynn. Pagbaba ko, nakita ko si Rynn na nagsswimming.
"Ay unggoy! Ano ka ba Mish?! Ako na nga lang nakakasama mo, papatayin mo pa ko sa gulat?" Haha, natawa naman ako sa reaksyon nya.
"Hahaha, ang ganda ko yatang unggoy. Bakit di mo man lang ako inayang mag-swimming para naman di ka nag-iisa dyan?"
"Kala ko kasi matutulog ka na, syempre kelangan mo rin magpahinga."
"Hmp, pero sana inaya mo pa rin ako kahit pano. Hehe."
"Uuy, tumatawa na sya. Okay ka na?"
Bigla ko na naman naisip si Jace, nag-iiba na naman tuloy ang mood ko. "Oy, tanong lang. Malungkot ka na naman. Halika na nga, swimming ka na lang din."
Tumayo ako at hinubad ko ang damit at shorts ko. Nakita kong parang nailang si Rynn. "Ang sexy ko 'no?" Pilit ko na lang nililibang ang sarili ko para pansamantala mawala muna sa isip ko si Jace at Amanda. Sawang-sawa na ko umiyak, try ko munang magpahinga. Pero syempre, yung sakit hindi pa rin mawawala.
"Edi ikaw na sexy. Talon na!" Sabay hatak sakin.
"Ano ka ba Rynn! Sabi mo talon na pero hinatak mo naman agad ako, eh kung nalunod ako?"
"Andito naman ako para sagipin ka." Sabi nya sabay kindat. Ang sarap maging kaibigan ni Rynn. Sya yung tipong palaging nasa tabi mo para pasayahin ka at icomfort ka pag may problema ka. Kung di nga lang alam ng iba na kaibigan ko lang si Rynn, baka isipin nila mag-bf-gf kami. Sweet kasi si Rynn at maalaga, kahit sino sigurong babae mapapainlove nya.
"Palagi mo na lang akong sinasagip. Hindi ka ba napapagod sakin?" Pabiro kong sabi pero may halong katotohanan din yun syempre. Nahihiya din naman ako kasi palagi ko na lang syang tinatakbuhan pag may problema ako.
Lumapit sya sakin at hinawakan nya ang kamay ko. "Bakit naman ako mapapagod kung makita lang kita, sumasaya ako? Masaya ako na ako ang tinatakbuhan mo kapag may problema ka. Masaya ako na ako ang nagccomfort sayo. Kaya kahit anong mangyari, hindi ako mapapagod kasi hindi mapapalitan ng pagod yung sayang nararamdaman ko pag kasama kita." Titig na titig kami ngayon sa isa't isa. Anong drama ng lalaki na 'to? "Mish, panahon na siguro para malaman mo. Gusto kong sabihin na.. gusto kita. Gustong-gusto kita."
Natameme ako sa mga sinasabi nya. "A-akala ko-"
"Akala mo dahil lang sa pagkakaibigan natin kaya ko ginagawa 'to para sayo? Oo, dahil rin naman sa pagkakaibigan natin. Pero, dahil rin sa gusto kita." Magsasalita pa sana ko pero hinawakan ni Rynn ang mukha ko. "Wag kang mag-alala. Hindi ako humihingi ng kahit na ano ngayon. Sapat na sakin ngayon yung kahit ganito lang muna tayo. Wag mong isipin na pinipilit kita sa kahit anong bagay. Kasi ako, handa akong maghintay. Kung papalarin, sige. Pero kung hindi, tatanggapin ko naman na hanggang magkaibigan na lang talaga tayo. Hindi ko ipinapanalangin na tuluyan kayong masira ng asawa mo para magkaroon ng pagkakataon na baka sakaling maging tayo, napaka-selfish kong tao kung ganun ang inaasahan ko kasi ako lang magbebenefit at ikaw patuloy na masasaktan at di magiging masaya kasi alam ko namang hindi sya mapapalitan sa puso mo. I've always wanted what's best for you, yung mga bagay na makakapagpasaya sayo. So why would I choose the things that will hurt you? Kung sa bawat pag-iyak mo, nasasaktan rin ako. I will always be here at your side. And I will patiently wait till the right time comes but if not, mananatili pa rin akong kaibigan mo. Mahal na mahal kita Mish, gusto ko lang malaman mo."
BINABASA MO ANG
Broken Marriage
RomanceWe started having a happy and contented relationship before.. But it became different since we got married.. Iba talaga kapag ang tadhana na ang nakipaglaro sayo..