-JACE's POV-
Pumunta ulit ako sa condo ni Amanda para bisitahin ulit ang anak ko.
Pagkabukas ko ng pinto, nakita kong nakasimangot si Amanda at parang mainit ang ulo.
"Tinatawagan kita kagabi, hindi mo sinasagot."
"Uhm.. may ginawa lang ako. Nag-over time ako sa office--"
"Sa office ba talaga? O hindi ka na naman magkanda-ugaga dahil dumating na si Misha?" Sobrang sama ng tingin nya sakin at nag-iba ang tono ng pananalita nya. "Baka pati anak natin makalimutan mo na palibhasa nandyan na sya?"
Napabuntong-hininga na lang ako. "Amanda, kahit nandito na sya hindi ko papabayaan ang anak ko--"
"Ah, may balak ka talagang sundan yung Misha na yon?! Mas uunahin mo pa ba sya kesa samin ng anak mo?!" Nagsisisigaw na sya, umiiyak na ang bata habang karga nya.
"Amanda, pwede bang hinaan mo ang boses mo? Natatakot na ang bata--"
"Sinasabi ko sayo! Oras na mas piliin mo si Misha kesa samin, ilalayo ko ang anak ko--"
"WALA KANG KARAPATANG UMARTE NG GANYAN!" Nasigawan ko na rin sya. Bigla syang natahimik habang tumutulo ang mga luha nya. Pilit kong pinapahinahon ang sarili ko para hindi na 'to lumaki pa. "Alam mo Amanda, kung balikan ko man o hindi si Misha.. wala ka na dun. Ang intindihin mo, ang anak natin. At wag na wag mong gagamitin ang anak ko para lang masunod ang gusto mo! Unang-una, wala kang karapatan dahil hindi mo ako pag-aari kaya hindi pwedeng diktahan mo ako sa kung anong gusto kong gawin. Alam mong mahal ko si Misha, alam mo yan!" Kinuha ko ang anak ko sa kanya. "Kahit na magkabalikan pa kami ni Misha, hindi ko ititigil ang obligasyon ko dito sa bata."
"Sigurado ka bang babalikan ka nya? May mahal na syang iba! Bakit ba hanggang ngayon hindi mo pa rin matanggap!"
Hindi ko na sya sinagot at umalis na ako. Sa bahay ko na lang muna matutulog ang bata. Habang si Amanda, walang nagawa at umiyak na lang ng umiyak.
Pagdating sa bahay, agad kong inayos ang tutulugan ng anak ko. Pinatulog ko sya at inihiga sa kwarto nya.
Naisipan kong tawagan si Zia, kakamustahin ko si Misha sa kanya. Alam ko namang palagi silang nagkikita ngayon.
"Hello Zia?"
"Yes Jace? Napatawag ka?"
"Uhm.. Nakausap mo na ba si Misha? Kamusta naman sya?"
"Oo nagkausap na kami, pinuntahan ko sya pagkadating nya dito sa Pinas. Okay naman sya."
"May itatanong sana ako.."
"Sige ano yun?"
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "S-sila ba talaga ni Rynn?"
Matagal bago sumagot si Zia. "H-hindi pwedeng sakin manggaling ang sagot. Hintayin mo na lang yung panahon na malalaman mo na ang lahat." Sabi nya at ibinaba na ang tawag.
Napaisip lang ako. Ganun ba kahirap ang itinanong ko at ganun ang naging sagot ni Zia sakin?
Kung anuman yun, wala na akong pakialam. Basta ang mahalaga, abot-kamay ko na si Misha ngayon.
-----------------------------
-MiSHA's POV-
May nagdodoorbell kaya agad akong lumabas. Binuksan ko kaagad ang gate.
"Maam, flowers po. Galing po kay Sir Jace. Hope you'll like it." Napakunot ang noo ko at kinuha ko ang tatlong bouquet ng flowers na ipinadala ni Jace, lahat ng nandito mga paborito kong bulaklak.
BINABASA MO ANG
Broken Marriage
RomanceWe started having a happy and contented relationship before.. But it became different since we got married.. Iba talaga kapag ang tadhana na ang nakipaglaro sayo..