Chapter 7

171 6 1
                                    

Denice's POV


New day.


New life.


No love life.


XD


Wag na nga isali yung pangatlo, nabibitter lang ako. Haha.


May pasok na ngayon at ngayon na yung botohan. Bago magbotohan, may vacant hour kami. nagkwentuhan muna kami ni Sam at pinabasa ko sa kanya ang convo namin ni Michael. Inadvisan nya lang ako about it.


Masaya na ako kasi kahit konti naalis yung kirot dahil sa mga sinabi nya. Nandito din pala yung barkada ko. Ang GG meaning 'Galunggong girls' Joke haha. Secret nalang yun at baka maging famous pa kami.


"Ang galing mo, Denice. Heartbroken ka pala. Hindi ka kasi mukang affected." Napangiti ako saa sinabi ni Gwen, isa sa mga barkada ko.


"Ganun talaga yan. Ang galing-galing magtago." Sabi ni Sam.


"Ang sama naman kasi ng heartbroken ka na nga pati naman yung gagawin mo kaha-heartbroken. Walang kwenta yung taong yun. Di na kaylangan maging affected. Ano sya, Chicks? Hindi ko sya iiyakan noh!" Natawa silang lahat.


"Tara sa CDS mamaya, Girls" SIgaw ni Leyla. Bungisngis talaga to kahit kelan. Hmmp, alam ng. Tsk. Tumingin sya sakin. "Tara resbakan natin!" Ahh ayun naman pala.


"Haha, no need guys. Labyu all. Yaan nyo na yun. Walang magawa sa buhay. Btw, sino iboboto nyong Vice?" pagiiba ko ng topic.


"Tara nalang kay Danny. Joker kasi yun. Tsaka kateam ko! Vote straight kayo. " Biglang sumulpot si Patty.


"Si Danny nalang. Wag na ikaw." Bulong ni Sam sakin, at nasiko ko sya bigla. Hindi ko kasimapigilan tawa ko.


"Bahala na" Sabi ko.


Nagbotohan na nga at ang nanalo ay si......


Deng derereng!


Samaniego.


Buti nalang, hindi ko kasi sya binoto. Suplado sya nung nangangampanya. Hmmp. Haha yaan na.


——————————————————


John Ezekiel Samaniego Active Now


Macongrats nga. Wala akong magawa eh. Haha


Me: Hi Kuya :) Congrats :)


✔️ Seen 8:39pm


Ouch. Baka busy.


Hindi ko maiwasang malungkot. Binubuksan ko padin chat box namin. At lagi kng nakikita dun yung last convo namin na nagedit sya ng picture naming magkasama. :( I miss him. :(

"Active Now"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon