AMEL TWELVE
Sakay na sina Seran at Elaine ng kotse pauwi sa townhouse ng dalaga. Habang nasa loob ng kotse ay tahimik lang silang pareho habang nakikinig ng music mula sa sterio ng kotse. Hindi nga alam ni Elaine kung ano ang pinapakinggan niya, lumang-luma na kasi ang kanta na sa tingin niya ay pang-80's pa yata, pamilyar naman iyon dahil napapakinggan niya iyon sa mga radio station pero di niya akalain na mahilig sa ganitong mga kanta si Seran. Pakiramdam ni Elaine ay may kasama siyang matanda dahil sa lumang tugtugin na ito.
"Elaine, okay ka lang ba?" Untag sa kanya ni Seran.
"Yeah..."
"I know you're bored. Pasensya ka na, ha? Favorite ko lang talaga ang mga ganitong kanta. Maganda naman, 'di ba? Beegees ang kumakanta ngayon, 'How Deep Is Your Love' ang title."
"No. You don't have to say sorry, maganda naman 'yong song. I like it nga, eh." sabi niya pero ang isang bahagi ng pagkatao niya ay parang gustong hilain ang buhok niya. Ang lagay, eh, porque paboritong kanta ito ni Seran ay magiging paborito na rin niya kahit hindi naman? "Actually, kaya ako tahimik ay dahil ninanammam ko ang message ng kanta." That was a nice lie, Elaine. You love it, don't you?
"Really? I'm glad you like the song."
"Of course!" Mataginting niyang sabi. Syempre, basta ikaw, kahit ano, basta gusto mo, gugustuhin ko rin. Bulong niya.
Biglang napakurap si Elaine. Gugustuhin niya ang lahat ng gusto nito? Ibig sabihin ay kailangan niyang magustuhan ang babaeng pumukaw sa interes nito? Napailing siya. Syempre, puwera iyon. Anong labas niya kung gugustuhin niya? Impokrita? Plastic? Martir? No, hindi ganoon ang character niya.
"We're here," sabi ni Seran nang tumapat na sila sa gate ng bahay ng dalaga. "O, bakit nakasimangot ka?" Natatawang pinisil nito ang pisngi. "Ngumiti ka nga."
"Err, kasi may iniisip lang ako." Nakayuko niyang sabi.
"And what is that?"
"You told me that you like someone. So, I just want to know who is that girl."
Biglang natigilan si Seran. "Alam mo kasi, Elaine, nasa isang komplikadong relasyon ang babaeng gusto ko. Hinihintay ko na makawala siya mula sa lalaking nanloloko lang sa kanya."
Napa-oh na lang si Elaine. Sa isip-isip niya ay bakit pa nito kailangan na hintayin ang babaeng iyon kung puwede naman itong maghanap ng isang babaeng walang sabit—tulad niya.
"Bakit mo pala natanong 'yon?"
"Curious lang ako."
"Talaga?" Tila ay amused na sabi ni Seran.
"That's true. Nakaka-curious lang. Pa-misteryoso ka kasi masyado, hindi naman bagay sa 'yo." Nakaisnab niyang sabi. Hmp! Mas bagay sa 'yo 'yong maging possesive lover at ako ang babagay na babae para sa 'yo dahil magiging possesive ako sa 'yo. Habang buhay. Gagawin ko ang lahat para mapaligaya ka lang... bulong niya. "Anyway, hindi mo ba tatanungin kung s-sino ang lalaking gusto ko?" Kapagkuwan ay tanong niya.
Natitigan na lang ni Seran si Elaine saka napangiti.
"Hindi na. Alam ko namang matinong lalaki ang nagugustuhan mo. Ikaw pa ba? Kilala kita kaya alam ko na mapapabuti ka sa lalaking gusto mo."
Samantala ay bigla namang napasimangot si Elaine. Bakit ayaw nitong malaman ang gusto niyang lalaki? Lihim siyang napabuntong-hininga. Hindi niya malaman kung manhid ba talaga si Seran o sadyang iniignora siya nito. Naiinis siya pero ano namang magagawa niya? Wala! Pero sa totoo lang mas mabuti na rin siguro ito dahil baka kapag umamin siya ay masaktan siya, baka hindi niya matanggap at ang malala baka makagawa siya ng bagay na hindi nito magugustuhan. Hindi. Ayaw niya niyon. Friendzone and sisterzone na nga lang ang tingin nito sa kanya pati ba naman iyon mawawala pa.
BINABASA MO ANG
A Man's Erotic Love
Aktuelle LiteraturNote: This is not your ordinary lovestory. Pumayag si Seran nang hilingin ng kanyang kaibigan na makipag-love making sa asawa nito, wala kasing kakayahan ito upang isakatuparan ang bagay na iyon. Hindi siya tumanggi dahil sa totoo lang ay may lihim...