AMEL TWENTY THREE
Malungkot na tinitigan ni Elaine ang cellphone niya. Ilang saglit lang niyang nakausap si Seran, pinatayan na siya nito agad. Sa isip niya ay ayaw talaga siya nitong kausapin.
Napaiyak na lang siya sa isiping iyon. Mayamaya ay bumangon siya mula sa kanyang kama at tinungo ang mini bar. Kumuha siya roon ng alak, hindi na siya gumamit ng baso at nilagok ang laman niyon. Mula ng dumating siya rito sa kanyang bahay ay alak na ang naging pagkain niya. Pakiramdam niya kasi ay ito na lang ang karamay niya. Napangiti siya nang mapait. Oo nga naman, wala na siyang kakampi. Ang mga kapatid niya ay patay na, ang Mama naman niya ay nasa ibang bansa. Ganito sila, kanya-kanya. Kumbaga, mind your own business.
Napailing siya. Ano bang klaseng pamilya ang meron siya? Muli ay nilagok niya ang laman ng bote, matapos niyon ay pasuray-suray siyang bumalik sa kama at tila pagod na binagsak ang katawan doon. Napapikit siya. Wala na siyang pag-asa, mamamatay na siyang mag-isa rito.
Hindi na namalayan ni Elaine ang oras, nakatulugan na niya kasi ang pag-iyak. Naalimpungatan lang siya nang maramdaman niyang may mga kamay na humahaplos sa buhok niya. Minulat niya ang mga mata para siguruduhing totoo ang nararamdaman niya at nang mapagtantong hindi siya nananaginip ay mabilis siyang bumangon at sinipa ang lalaki.
"N-no! H-huwag mo akong—"
"Urgh! E-elaine..."
Natigilan si Elaine nang marinig ang boses na iyon. Mabilis ay binuhay niya ang lampshade.
"S-seran? God! A-anong nangyari? Bakit may sugat ka?" Agad ay nilapitan niya ito at tiningnan ang sugat nito sa braso na nilapatan lang ng kamay nito. Dumudugo pa rin iyon kahit na may pressure na nilagay ang lalaki. "Kailangan kitang dalhin sa hospital para—"
"No. Daplis lang ito ng bala. Please, huwag kang mag-alala." Nakangiwing tumayo ito at umupo sa gilid ng kama. Habang si Elaine ay tumayo naman para buksan ang ilaw sa kwarto niya. Kumuha rin siya ng first aid kit at nilinis ang sugat ng binata.
"Elaine..."
"Let me, kailangan na malinis natin ang sugat. Kahit daplis pa yan ay puwede rin maka-impeksyon 'yan," sabi niya saka kumuha ng bulak at betadine. "Ano bang nangyari? Bakit may daplis ka ng bala?" Nag-aalala niyang tanong. Halos ay nakalimutan na rin niya ang tungkol kay Cronus dahil natabunan na iyon ng pag-aalala para kay Seran.
"Bago kita sagutin, ano muna ang nangyari sa 'yo? Bakit may sugat ka sa labi? Bakit may pasâ ka? At..." napatingin si Seran sa kamay ng dalaga. "...bakit may galos ka rito sa pulso mo?"
Biglang natigilan si Elaine sa ginagawa. Bahagya rin siyang nanginig sa muling pagkaalala kay Cronus.
"W-wala ito. M-may nakaaway kasi ako sa bar kanina at—"
"Sigurado ka?"
"O-oo naman. So, ano naman nangyari sa 'yo?" Balik tanong ni Elaine na ngayon ay nilalagyan na ng benda ang sugat ni Seran. Hindi niya sasabihin sa lalaki ang nangyari sa kanya. Siguradong kaaawaan at pandidirihan siya nito. Baka mas layo lang siyang layuan nito.
"May mga gagong pumasok sa loob ng unit ko. Sinubukan nila akong patayin pero naunahan ko sila. Matalino yata ito." Natatawang sabi ni Seran.
_____
Kanina nang kausap niya si Elaine ay nabigla siya nang bigla siyang nakarinig ng putok mula sa labas ng kanyang unit. Hindi na siya nag-abala noon para tingnan kung sino ang kanyang mga kalaban dahil nasisiguro niyang si Cronus o ang mga tauhan nito ang nasa labas. Kinuha niya agad ang kanyang baril, pumasok siya sa loob ng CR at umakyat sa kisame doon. May pinasadya kasi siyang daan doon para sa emergency na tulad nito. Kunektado ito sa sala, sa kuwarto niya at ang labas ay sa emergency exit ng building.
BINABASA MO ANG
A Man's Erotic Love
Narrativa generaleNote: This is not your ordinary lovestory. Pumayag si Seran nang hilingin ng kanyang kaibigan na makipag-love making sa asawa nito, wala kasing kakayahan ito upang isakatuparan ang bagay na iyon. Hindi siya tumanggi dahil sa totoo lang ay may lihim...