AMEL 4

32.5K 530 22
                                    

AMEL FOUR

"Kumusta ang operation mo? Okay ka na ba?" Tanong ni Seran nang makipagkita siya kay Zeus.

Nasa isang bar sila sa Makati at umiinom. Dalawang linggo na rin ang nakakalipas mula nang may mangyari sa kanila ni Hera at doon sa mga papeles na balak kunin sa kanya.

"Isa pang operation ang dapat kong harapin. Pero okay naman daw ako sabi ng doktor, umiinom ako ng gamot para alam mo na." Nakangising sagot nito matapos uminom ng alak.

Bigla namang nasamid si Seran. Damn! Nagseselos na talaga siya. Isipin pa lang niya na may nangyayari na sa mga ito.

"May problema ba, pare? Baka naman may gusto ka na sa asawa ko?" Prangkang tanong ni Zeus.

Napangiti naman si Seran. "Kung sabihin kong meron nga?" Seryosong sagot niya na ikinadilim naman ng mukha ni Zeus. "Anong balak mong gawin kung sakali?"

Uminom muna si Zeus bago nagsalita. "Wala akong magagawa kundi ang patayin ka at sisiguruduhin kong hindi ka na makakabalik pa."

"Nakakatakot ka pa lang magalit, pare." Nakangising sagot ni Seran. Hindi siya natatakot sa banta ng kaibigan. Kung tutuusin kaya rin niyang gawin ang sinabi nito pero sa sitwasyong meron sila ay hindi niya maaaring pairalin ang galit at selos. Dahil kung paiiralin niya iyon ay madadamay lang si Hera, ang babae ang mahalaga sa kanya. Ayaw niyang malaman nito ang sekreto nilang magkaibigan. "You have nothing to worry, Zeus. Wala akong balak agawin ang asawa mo."

"Nagkakaintindihan naman pala tayo," sabi niya saka muling humingi ng isang shot ng brandy sa bartender. "Anyway, alam kong hindi lang basta doon ang gusto mong pag-usapan natin. May problema ba?"

"Yes. Noong umuwi ako sa bahay ay may nagtangka para kunin ang mga dokomentong meron ako."

"Delikado 'yan," simpleng sagot ni Zeus na para bang wala itong pakilam sa nangyari. "Ano bang habol nila?"

"Ang hinawakan kong kaso tungkol sa underground shabu laboratory sa Rodhill Mall." Tukoy niya sa shopping mall. "Sa tingin ko ay iyon ang habol nila pero hindi nila makukuha sa 'kin ang mga dokumento na iyon."

"Bakit? Nasaan ba iyon?"

Biglang napakurap si Seran sa tanong na iyon ng kaibigan. Sa tono ng tanong nito ay para bang interesado ito tungkol sa pinag-uusapan nila. Na para bang gusto nitong malaman kung nasaan ang mga dokumentong iyon. Ayaw man niyang isipin pero parang may kakaiba rito ngayon, tila hindi ito ang kaibigan niya.

"Alam kong iniisip mo, Seran. Basang-basa kita. Hindi ako interesado sa dokumentong iyon, nagtataka lang ako kung bakit hanggang ngayon ay tinatago mo ang mga papeles na may kinalaman sa drugs."

"Alam mo namang para ito sa kapatid ko, kaya nga pinasok ko ang pagiging NBI agent ay para magkaroon ako ng access sa mga taong may kinalaman sa nangyari kay Siren." Napabuntong-hininga siya nang maalala ang kapatid. "Ang mga gagong iyon, balak kunin ang mga dokumentong iyon." Natawa siya nang pagak. "Nagpapagod lang sila dahil nasa lugar iyon na hindi mahahanap ng kung sino lang."

Napatango-tango na lang si Zeus at iritableng tinungga ang laman ng baso.

———

Isang buwan na rin mula nang may mangyari sa kanila ng kanyang asawa. Aaminin ni Hera na masaya siya at hinihintay niyang sana ay magbunga na ito pero bakit iba ang nararamdaman niya? Parang may mali. Bakit sa tuwing maririnig niya ang tawa nito ay hindi niya nararamdaman ang kilig? Ang simpleng tawa o ngiti kasi nito ay parang musika sa pandinig niya... noon.

Napailing siya. Ano ba naman ang naiisip niya? Ito na nga at natupad na ang kahilingan niya, naging ganap na siyang babae sa piling ng asawa. Ano pa bang inaarte niya?

A Man's Erotic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon