AMEL EIGHTEEN
"Damn!" Napamura na lang si Seran nang tuluyan nang magsara ang pinto ng elevator. Napasuklay siya sa buhok at iritableng sinuntok ang pinto ng elevator, umaasa siyang magbubukas iyon at iluluwa si Elaine pero baliwala lang.
"Seran..." si Hera na sumunod pala sa kanya nang habulin niya si Elaine. "Seran, hayaan mo na siya. U-umalis siya kasi na-guilty siya sa ginawa niya."
"I can't believe na magagawa ito ni Elaine sa 'kin. Ano bang kailangan niya doon sa USB?"
"Ewan ko. P-pero ang mahalaga naman ay nabawi mo, 'di ba? Tara na, balik na tayo sa unit mo," sabi nito saka inakay si Seran pabalik sa unit.
Nakapasok na sila sa loob pero hindi pa rin maiwasan ng binata ang magalit.
"Dito ka lang, ha? Kukuha lang ako ng ice kasi namamaga ang kamao mo," sabi ni Hera saka dumeretso na sa kusina.
"Okay," Sagot niya saka napahilamus ng mukha. Elaine... bulong niya. Galit siya dahil tinangka ni Elaine na nakawin ang USB pero mas nagagalit siya sa sarili dahil hinayaan niyang umiyak ang dalaga. Nasabihan pa niya ito tungkol sa pag-uugali na alam naman niyang nagbabago na ito.
Seran felt guilty because of what he said. Napatingin siya doon sa paper bag na dala ni Elaine. Nilapitan niya iyon at kinuha ang laman. Hindi niya alam pero bigla na lang siyang napangiti. Halatang hindi marunong ang gumawa dahil pagkalaki-laki ng mga butas doon sa mga hibla ng... Ano ba itong ginawa ni Elaine? Scarf o hand towel? Tiningnan pa niya ang nasa loob at doon nakita ang isang maliit na card. Kinuha niya iyon at binasa.
"Happy Birthday, Seran! I hope na magustuhan mo ang gift ko. I know na hindi maganda ang scarf 'yan pero pinaghirapan ko 'yan kaya gamitin mo, ha?"
Muli ay napangiti. Oo nga pala, birthday niya ngayon. Hindi niya naaalala na birthday niya ngayon. Damn!
Napatingin siya sa kanyang hawak. So, its a scarf. Pero ilang sandali pa ay naging mapakla na ang ngiti niya. Bigla niyang naisip na bakit pupunta pa si Elaine dito para lang kunin ang USB niya? Birthday nga pala niya ngayon at parang walang logic kung nanakawin ni Elaine iyon sa araw na ito. Puwede namang kunin nito iyon sa araw na wala siya para mas madaling nakawin.
"Seran? A-anong iniisip mo?" Tanong ni Hera na nakabalik na pala.
Napatingin rito si Seran. "Wala naman," matipid niyang sagot saka tinago ang scarf na bigay sa kanya ni Elaine.
"Halika dito. Lalagyan ko ng ice ang kamao mo." Nakangiti nitong sabi saka naupo na.
Lumapit naman si Seran dito. Napatingin na lang siya kay Hera.
"Masakit pa ba," tukoy niya sa sugat nito sa labi.
"O-okay lang ako." Iniwas ni Hera ang mukha sa kanya saka inayos ang buhok at nilagay sa likod ng tainga.
Biglang napatingin si Seran sa tainga nito. Bakit parang may nakikita siya roon na ewan niya lang kung ano.
"B-bakit?" Bigla ay naging alerto naman si Hera.
"Wala naman. Nagandahan lang ako sa 'yo noong nag-ayos ka ng buhok."
Napatango na lang si Hera at biglang naging uneasy sa mga ginagawa.
_____
Inaamin naman ni Elaine na masama ang ugali niya, pero nagbabago na siya. Hindi nga siya katulad ni Hera na mahinhin, mala-anghel sa kabaitan at mapagkumbaba pero hindi siya sinungaling and she was proud of it! Prangka siyang tao at nagpapakatotoo.
Masama lang ang ugali niya pero hindi siya sinungaling. Pero ang nangyari kanina sa condo unit ni Seran, aba, daig pa niya ang mga inaapi sa mga teleseryeng pinapanood niya. Napagbintangan at nagalit pa sa kanya si Seran. Na set-up pa siya!
BINABASA MO ANG
A Man's Erotic Love
General FictionNote: This is not your ordinary lovestory. Pumayag si Seran nang hilingin ng kanyang kaibigan na makipag-love making sa asawa nito, wala kasing kakayahan ito upang isakatuparan ang bagay na iyon. Hindi siya tumanggi dahil sa totoo lang ay may lihim...