AMEL THIRTEEN
"Are you sure you're okay? Ayaw mo bang dalhin kita sa hospital?" Tanong ni Seran matapos abutan ng tubig si Hera.
Nandito na siya ngayon sa loob ng condo unit ni Seran. Kaninang nagkita sila sa labas ay kontodo ang iyak niya, totoo ang mga luha na lumabas sa kanyang mga mata. Takot na takot siya dahil sa mga naganap sa kanya kanina habang kasama niya si Cronus.
"I'm okay. Don't worry..." sagot ni Hera saka nanginginig ang mga kamay na kinuha nito ang baso at inubos ang laman niyon.
"But you're shaking," tumabi pa si Seran sa kanya at kinuha ang kamay saka marahang pinisil iyon.
"N-natatakot kasi ako..."
"Bakit ba? Anong nangyari?"
Napatitig si Hera sa binata. Bakas sa mga mata nito ang matinding pag-aalala. Gusto niyang magsalita, magsumbong rito pero paano si Zeus? Kapag hindi siya tumupad sa usapan ay papatayin ni Cronus ang kanyang asawa. Napapikit siya nang mariin. Paano nito makakayang gawin iyon? Kapatid nito si Zeus. Lihim siyang napabuntong-hininga. Paano ay naalala niya ang nangyari kanina...
Nagising si Hera dahil sa amoy ng sigarilyo na nalalanghap niya. Bumangon siya at inalala ang nangyari sa kanya. May pumasok pala na mga lalaki rito at—
"Kuya Cronus!" Nahintakutan siya agad pagkuway hinapot ang kumot pataas sa kanyang dibdib na expose pala sa mga mata ng lalaki na ngayon ay palapit sa kanya. Umalis siya sa kama pero mabilis siyang nahablot ni Cronus at inihiga sa kama, pumaibabaw ito sa kanya.
"No—" mahigpit nitong hinawakan ang pisngi niya at pilit na hinahalikan. "Hmp—" pilit ay itinitikom niya ang bibig pero malakas ito kaya nakapasok pa rin ang dila nito sa kanya. Hinayaan na lang niya at nang nasisiyahan ito ay bigla niyang kinagat ang dila nito.
"Shit!" Nabigla ito kaya napaalis sa ibabaw niya. Kinuha naman ni Hera ang pagkakataon, umalis siya sa kama habang balot ng kumot ang hubad niyang katawan. Tatakbo na sana siya palabas ng pinto pero biglang hinila ni Cronus ang buhok niya, sinampal siya at parang papel na inihagis sa kama saka nilabas ang baril at itinutok iyon sa kanya.
Gimbal na napatitig na lang si Hera sa baril na hawak ni Cronus. Yakap niya ang sarili habang nanginginig sa takot.
"M-maawa ka... please..." pakiusap niya pero tinawanan lang siya ni Cronus. "H-hindi ko alam kung b-bakit mo ito ginagawa pero nakikiusap ako, huwag mo kaming saktan..." naiiyak niyang sabi.
"Sshh, huwag kang umiyak. Ikaw naman, 'di ka mabiro. Niloloko ko lang ang asawa mo tungkol sa balak kong galawin ka, 'di ba, sabi ko, tuturuan ko siya ng leksyon dahil hindi niya nagawa ang utos ko."
"H-hindi mo ako ginalaw?"
"Yes, hindi kita ginalaw kahit na gustong-gusto ko. Alam kong mahina ka at nasisiguro ko na mato-trauma ka kung gagalawin kita. And you are not Elaine. Anyway, huwag na natin—"
"Si Zeus? Anong ginawa mo sa asawa ko? Huwag mo siyang saktan. Kapatid mo siya."
Natatawang lumapit si Cronus sa kanya. Inakbayan siya nito habang hawak pa rin ang baril.
"Hindi ko kayo sasaktan basta sumunod ka lang sa gusto ko."
"A-ano iyon?"
"Akitin mo si Seran para makuha mo ang USB na kailangan ko. Alam mo kasi, mahalaga sa 'kin ang mga file na naroon, gusto ko ng makuha iyon."
BINABASA MO ANG
A Man's Erotic Love
General FictionNote: This is not your ordinary lovestory. Pumayag si Seran nang hilingin ng kanyang kaibigan na makipag-love making sa asawa nito, wala kasing kakayahan ito upang isakatuparan ang bagay na iyon. Hindi siya tumanggi dahil sa totoo lang ay may lihim...