AMEL 35

13.6K 303 44
                                    

AMEL THIRTY FIVE

"Damn!" Napamura na lang si Seran habang nakatingin siya sa review mirror ng kanyang kotse, dalawang kotse ang ngayon ay humahabol sa kanya at halos ay gasinulid na ang agwat ng mga sasakyan nila. Binabangga pa siya mula sa likuran kaya halos ay nauuntog na rin siya sa manibela pero pasalamat pa rin siya dahil nagagawa pa rin niyang i-balance ang lahat, kailangan na tumagal siya rito.

Mas binilisan niya ang patakbo ng sasakyan, kailangan na mapaniwala niya ito na kasama niya si Elaine kahit ang totoo ay naiwan ang dalaga sa kamay ni Raven. Kanina kasi na palabas na sila ng bahay ay narinig nila ang sasakyang parating, minasdan nila kung sino ang lalabas at doon ay nakita nila si Cronus.

Kaya naman naisip ni Seran na lansihin ito. Sinadya niyang magpahabol sa mga ito para malayang makatakas sina Raven at Elaine. Mas kailangan na madala ang dalaga sa hospital.

"Shit! Shit!" Napamura na lang siya sabay yuko dahil pinapaulanan na ng bala ang sasakyan niya. "Damn! Hindi mo ako magagawang patayin ngayon hayop ka! Mauuna ka sa akin!" Sigaw niya saka kinuha ang granada, binilisan niya ang patakbo ng sasakyan hanggang sa nagawa niyang makalayo sa mga ito, lumiko siya sa may eskinita at doon ay tinambangan niya ang isang kotse. Hinintay niyang dumating ang mga ito saka niya tinapunan ng granada, pumasok ang granada sa loob ng kotse ng mga ito. Kitang-kita niya ang pagsabog ng kotse.

Matapos niyon ay nagpatuloy siya sa pagda-drive. Hindi pa siya tapos, hindi pa niya napupuksa ang ugat na si Cronus. Kaya naman nang makakita siya ng U-turn sign ay lumiko siya doon, gugulatin niya ang kanyang kalaban...

_____

Biglang huminto ang sinasakyan ni Cronus nang biglang sumabog ang sasakyan sa harapan nila.

"Damn! Nasaan na ang gagong Seran na iyon!" Sigaw niya habang gandahaba ang leeg niya sa pagtanaw sa unahan.

"Boss, naisahan yata tayo."

"Anong naisahan? Tarantado! Magpatuloy ka sa pag-drive! Kailangan na mabawi ko si Elaine! Naintindihan mo?" Sigaw niya ulit sa tauhan.

Nagpatuloy ulit sila pagbiyahe, umaasang makikita pa nila ang sinasakyan ni Seran pero wala na talaga ito.

"Damn! Damn!" Napapukpok na lang si Cronus sa dashboard ng sasakyan. "Nakuha na naman niya si Elaine!" Iritadong sabi ng lalaki at ilang sandali pa ay naramdaman ni Cronus na may bumangga sa sasakyan nila mula sa likod, nang tingnan niya mula sa rearview mirror ay nakita niya ang sasakyan ni Seran na nasa likod na pala nila. Patuloy pa rin ito sa pagbangga sa kanila.

"Boss! Anong gagawin natin?"

"Paandarin mo! Pahabulin natin ang gagong 'yan."

Sumunod naman ang tauhan niya at mabilis na pinaandar ang sasakyan habang si Cronus ay naghahanda naman ng baril. Nang matapos ay sumungaw siya sa bintana at pinaputukan ang sasakyan ni Seran. Gumanti din ang lalaki at ngayon nga ay parang umuulan ng bala sa pagitan nila dahil halos ay hindi maubos ang laman ng mga baril nila.

Ilang saglit pa silang nagpalitan ng mga putok, mayamaya lang ay biglang gumiwang na ang sinasakyan ni Cronus at nang tingnan niya ang driver niya ay nakatungo na ito habang may bumubulwak na dugo na bibig nito.

"Shit!" Napamura na lang si Cronus dahil natamaan pala ng bala ang tauhan niya kaya wala siyang nagawa kundi ang pumalit sa pwesto nito at hawakan ang manibela.

Pero dahil pagewang-gewang na iyon ay hindi na nagawa ni Cronus ang paandarin iyon nang maayos kaya naman, gustuhin man ng lalaki ang apakan ang preno ng sasakyan ay hindi niya magawa dahil nakaharang ang patay na katawan ng tauhan niya. Huli na para magawa iyon kaya bumangga na ang sasakyan niya sa isang poste ng kuryente.

A Man's Erotic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon