AMEL 20

16.8K 296 41
                                    

AMEL TWENTY

Minsan talaga ay masaya rin ang maglibang. Tulad ngayon, nasa mall ngayon sina Hera at Seran. Nag-aya kasi ang huli dahil palagi na lang daw nasa loob ng condo unit ang babae. Dapat naman daw ay masikatan ito ng araw para hindi maging maputla.

Maghapon na silang narito at sa kasalukuyan ay nasa isang restaurant sila. Pero tila lutang ang isip ni Hera. Paano ay hindi nito ginagalaw ang pagkain sa harapan.

"Hera? Any problem?" Untag sa kanya ni Seran.

"W-wala..." sagot niya.

Tatlong araw na rin ang nakakalipas mula nang dumating si Elaine sa unit ni Seran at mapagbintangan itong magnanakaw pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang nababalitaan rito. Hindi nila malaman kung nasaan na ito.

"Seran, may balita ka na ba kay Elaine?" Tanong ni Hera. Tunay na nag-aalala talaga siya para sa kaibigan. Matapos kasi ng insidenteng nangyari ay tinawagan niya ito kaagad para humingi ng tawad dahil sa ginawa pero magpasa-hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito ma-contact. Panay lang ang ring ng cellphone nito.

"Wala akong balita sa kanya." Naiiling na sagot ni Seran. "Nagtatago na siguro siya dahil sa ginawa niyang kasalanan sa 'kin."

Natahimik naman si Hera.

"Hera, 'di ba sabi ko sa 'yo noon kapag may problema ka sabihin mo lang sa 'kin? Ako lang ang makakatulong sa 'yo, 'di ba?"

"O-oo, b-bakit mo naman nasabi 'yan?"

"Wala naman. Basta kung may problema ka, sabihin mo lang sa 'kin. Alam mo namang mahal kita, 'di ba?" Sabi nito saka masuyong hinwakan ang kamay niya.

Napangiti naman si Hera at bahagyang napayuko. Sa totoo lang, habang tumatagal ay may nararamdaman na siyang—hindi niya masabi at hindi niya matukoy kung ano itong nararamdaman niya pero humahanga siya kay Seran, isang paghanga lang.

"Salamat," sagot niya saka napatingin sa labas ng restaurant. Bigla na lang napalaki ang mata niya dahil sa nakita. Si Zeus, nasa 'di kalayuan at nakatitig sa kanila. Kung hindi siya nagkakamali ay nakita niya sa mga mata ni Zeus ang sakit at matinding pagseselos. Pero totoo ba ang nakikita niya o dinadaya lang siya ng kanyang paningin? Ipinikit niya ang mga mata ng mariin dahil baka namamalikmata lang siya pero hindi, nandoon pa ito at nakatayo. "Oh God!" Mabilis ay hinila niya ang kamay na hawak ni Seran.

"Why?" Takang tumingin din si Seran doon sa tinitingnan ni Hera pero wala na itong nakita doon. "Hera? Anong nangyayari sa 'yo?"

"P-para kasing nakita ko si Zeus..." sabi niya.

"Pero wala naman akong nakikita."

"B-baka lang, namalikmata ako..." sabi na lang niya kahit ang totoo ay talagang nandito si Zeus. Sa katunayan nga ay inaya siya nito para puntahan niya. "Hmm, kain na tayo." Kunwari ay pinasaya niya ang boses at sinimulan ng kumain...

_____

"Where are you going?" Tanong ni Seran kay Hera. Kakalabas lang kasi nila ng restaurant.

"Hmm, restroom. Please, hintayin mo ako dito " sagot ni Hera saka naglakad na palayo. Pero hindi sa restroom ang tungo niya kundi sa kinaroroonan ni Zeus. Nakita niya ito kanina noong palabas na sila sa restaurant, dumeretso ito doon sa dulo at bumaba ng hagdan. Binilisan niya ang lakad hanggang sa makarating na siya doon. Naabutan niya si Zeus na nakatalikod.

"Zeus..." tawag niya sa asawa saka nilapitan ito at mahigpit na niyakap.

"Hera..." humarap ito sa kanya. Muntik pang magulat si Hera dahil sa nakitang anyo ng asawa. May black eye ito, nagkukulay ube ang pisngi at putok ang labi—halatang sariwa pa, at napakalaki rin ng ipinayat nito.

A Man's Erotic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon