AMEL TWENTY EIGHT
Nasa biyahe na sina Seran at Elaine papuntang Laguna. Habang nasa biyahe ay nakikinig sila ng music mula sa sterio ng sasakyan.
"Seran, bakit ang hilig mo makinig sa mga songs noong 80's?" Tanong ni Elaine.
"Maganda kasi. Bakit? Ayaw mo ba? Nabo-bore ka ba?"
"Hindi, naitnong ko lang naman. Natutuwa lang ako kasi 'yong mga dati kong boyfriend hindi nakikinig sa mga ganito. Para sa kanila baduy daw at pang-matanda na raw ang mga ganitong mga kanta."
Napangiti si Seran. "Then they are all wrong. Alam mo kasi, Elaine, ang mga ganitong kanta ay may mga kahulugan. Sa bawat salita na sinusulat ng mga songwriter ay may ibig sabihin. At ang mga singer nito, nakakahanga dahil nabibigyan nila ng kwento ang mga kantang ito. Minsan nga kapag nakikinig ako sa mga ito, ang dami kong nai-imagine."
"Talaga? Nakakahanga ka naman kaya mas lalo kitang nagiging love, eh." Nakangiting sabi ni Elaine saka hinalikan si Seran sa pisngi.
"Ikaw talaga..." hindi mapigilan ng binata ang mapangiti din.
Ilang saglit pa ang lumipas. Nang tingnan ni Seran si Elaine ay nakasandal na ito sa bintana, anyong tulog. Hindi naman niya ito masisi dahil halos ay wala rin itong tulog dahil sa nangyari sa kanila kaninang madaling araw. Napangiti na lang siya nang maalala ang saging moves ng dalaga.
"Elaine..." tinapik niya ito sa pisngi.
"Hmm?"
"Dito ka sumandal sa balikat ko," sabi niya. Sumunod naman si Elaine. Lumapit ito sa kanya at sumandal, yumakap pa ito sa braso niya.
"I love you, Seran..."
"I love you, too. Matulog ka na, ha?"
Hindi na sumagot si Elaine. Basta humigpit lang ang yakap nito sa braso niya at nang tingnan niya ulit ito ay nakita niyang nakangiti ito na tila anyong kinikilig, namumula rin ang pisngi nito.
So cute... bulong niya.
Nagpatuloy sila sa biyahe habang nakikinig pa rin ng mga kanta. Pero may isang song na biglang pumukaw sa isip ni Seran. Bigla ay naging tagus-tagusan ang kantang iyon sa kanila at tila ba nag-iwan ng isang napakahalagang tanong.
Saying "I love you"
Is not the words
I want to hear from you
It's not that I want you
Not to say
But if you only knew
How easy
It would be to
Show me how you feel...More than words
Is all you have to do
To make it real
Then you wouldn't
Have to say
That you love me
Cause I'd already know...More than words... nabulong ni Seran sa sarili. Tama. Higit pa sa salita ang kailangan para tunay na maramdaman ang pagmamahal ng isang tao. Napatingin siya kay Elaine. Alam niyang mahal siya nito pero ang tanong mahal ba niya ito? Muli ay tinimbang niya ang nararamdaman. Nasa isip niya pa rin si Hera pero pumapasok naman si Elaine sa kabila. Napabuntong hininga siya. Naguguluhan pa rin talaga siya.
Hanggang sa natapos ang kanta, binagsakan siya ng malaking question mark na hindi niya alam kung paano sasagutin. Napailing na lang siya. Tama nga ang kasabihan. Nagiging tanga ang kahit na sino pagdating sa pag-ibig. Walang nakakaalam kung paano sasagutin ito.
Napabuntong hininga siya, nagpatuloy na lang siya sa pagda-drive hanggang sa makarating na sila sa resthouse. Mabilis niyang ginising si Elaine.
"Nandito na ba tayo?" Pupungas-pungas ng mata si Elaine habang nagtatanong.
BINABASA MO ANG
A Man's Erotic Love
General FictionNote: This is not your ordinary lovestory. Pumayag si Seran nang hilingin ng kanyang kaibigan na makipag-love making sa asawa nito, wala kasing kakayahan ito upang isakatuparan ang bagay na iyon. Hindi siya tumanggi dahil sa totoo lang ay may lihim...