AMEL 33

12.7K 288 67
                                    

AMEL THIRTY THREE

Malamlam ang mga matang nakatitig lang si Seran sa maamong mukha ni Hera. Hanggang ngayon ay wala pa rin itong malay. Napabuntong-hininga tuloy siya saka hinaplos ang mukha nito pagkuway tumingin siya sa impis nitong puson.

Bigla niyang naalala ang sinabi ni Raven na posibleng hindi siya ang ama, malaki ang posibilidad na ang ama ng dinadala nito ay si Zeus pero masama bang umasa?

Kawawa naman si Elaine, pinapaasa mo siya... bulong ng isang bahagi ng utak niya.

Napailing na lang siya. Kailangan na matapos na itong problema niya, kailangan na ngayon pa lang ay pumili na siya kung sino ba kay Elaine at Hera ang mas matimbang sa puso niya. Ilang saglit pa siyang nag-isip, mayamaya ay biglang nag-vibrate ang cell phone niya. Nang tingnan niya ay si Elaine ang tumatawag.

Not now, Elaine. Kailangan ko munang mag-isip. Bulong niya saka hinayaan na lang ang cellphone sa pag-vibrate. Ilang sandali pa ay nawala iyon at muli ay tumawag na naman si Elaine pero hindi pa rin niya sinagot...

_____

"Sigurado ka bang nandito sila?" Tanong ni Cronus, kasalukuyan silang nasa tapat ng isang resthouse sa Laguna.

"Yes, boss, positive ito. Nakita ko kasi sina Seran at ang kaibigan niya sa ospital. Tapos ay umalis 'yong isa, sinundan ko hanggang sa makarating ako dito. At positive din na nandito ang babae mo, boss." Pagbabalita ng tauhan ng lalaki.

Napangisi na lang si Cronus saka muling napatingin sa bahay. Sa wakas! Makikita na rin niya si Elaine. Isang buwan na rin siyang nangungulila sa dalaga at ngayong halos ay abot kamay na niya ito ay hindi siya papayag na hindi ito makuha.

"Good job," sabi niya rito.

Magandang pagkakataon kung ngayon na sila susugod sa bahay. Wala si Seran sa loob at tanging ang kaibigan lang nito at si Elaine ang nasa loob. Madali lang nilang matatalo ito lalo na at sampo silang nandito ngayon.

"Boss, susugod ba tayo ngayon?"

"Oo. Madali lang natin na matatalo ang kung sino mang nasa loob niyan," sagot niya saka lumabas ng kotse, nagsisunuran naman ang iba.

Dala ang matataas na uri ng mga baril ay naglakad sila papunta sa resthouse. Mabilis ay tinungo nila ang pinto niyon at sinira iyon sa pamamagitan ng pagbayo ng baril doon sa knob. Nakalikha sila ng ingay pero walang pakialam si Cronus, dahil nang masira na nila ang knob ng pinto ay pumasok na sila sa loob...

_____

"Are you really okay now, Elaine?" Nag-aalalang tanong ni Raven nang ihatid niya ito sa kwarto nito.

"Yes. I'm perfectly fine. Don't worry," sabi ni Elaine pagkuway nahiga na sa kama. "Thank you, Ven sa concern mo sa 'kin. Kahit na naging suplada ako sa iyo noong una, still you're here pa rin. Thank you."

"You're welcome." Nakangiting sabi ni Ven pagkuway masuyong hinaplos ang buhok niya.

"O, baka magkagusto ka sa 'kin, ha?" Pabirong sabi ni Elaine.

"Malay mo."

"Yuck! Basted ka na agad."

Tawa lang ang sinagot ni Ven. "Hindi naman imposibleng magkagusto ako sa 'yo. Sa tingin ko ay hindi ka mahirap mahalin. Pero malas ko lang kasi mahal mo si Seran, maswerte siya." Ngumiti lang si Elaine. "Matulog ka na para—" natigilan si Raven sa ibang sasabihin dahil nakarinig siya ng ingay mula sa ibaba.

"A-ano 'yon?" Napabangon tuloy si Elaine.

"Dito ka lang," sabi ni Raven pagkuway kinuha ang baril na nasa drawer. "Tawagan mo si Seran, okay? Sabihin mo na bumalik siya agad dito."

A Man's Erotic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon