AMEL EIGHT
"Kumusta, pare?" sabi ni Seran sabay tapik sa braso ni Zeus. Nakita ng binata kung paano nag-react ang katawan ng kaibigan nang gawin niya iyon. Bigla ay naningkit tuloy ang mga mata niya.
Nasa bahay siya ng mga ito. Dumalaw siya para kunwari ay kumustahin ang mga ito pero may iba siyang binabalak. At alam niyang ramdam ni Zeus ang kung ano mang balak niya. Kanina nga ay laking gulat nito nang mabungaran siya, nakita niya kung paano ito naging balisa.
"Ikaw pala, Seran!" Nakipagtapikan din ito ng braso sa kanya. "Pasok ka."
Pumasok na nga si Seran. "Parang gulat na gulat ka, ha? Pasensya na, alam mo namang ikaw ang kainuman ko rito."
Pilit na tumawa si Zeus. "Dapat ay tinawagan mo muna ako."
"Para ka namang hindi sanay. Dati naman akong nagpupunta dito. Anyway, inuman tayo?"
"Sige ba," pinasigla nito ang boses pero ang totoo ay kinakabahan ito. Kitang-kita niya iyon. Patunay nga ang pamamawis ng noo ng lalaki. At nasisiguro niya na may sugat ito sa braso, tulad ng sugat niya sa binti na pagaling na pero kapag nagagalaw ay kumikirot ang laman sa loob.
"Ilang araw din tayong hindi nagkita kaya ito, dinalaw ko kayo. Si Hera pala?" tanong ni Seran.
"Nandyan lang," sagot ni Zeus saka sinalinan ng alak ang baso niya.
"By the way, kumusta nga pala kayo rito? Wala bang umaaligid sa inyong kahina-hinalang tao?"
"Wala naman. Bakit, pare? Maron ba sa 'yo?"
Biglang napangisi si Seran saka ininom ang basong may lamang alak. "May tumambang sa 'kin sa sementeryo noong dinalaw ko ang puntod ni Siren. Kinukuha niya itong USB na dala ko," sabi niya saka nilabas ang USB na nasa bulsa ng suot ng jacket, itinaas pa niya iyon saka nilapag sa lamesa. "Hindi ko nga alam kung bakit niya kailangan ito, e. Ikaw, pare? Sa tingin mo, bakit kaya?" Dagdag pa niya saka napatitig kay Zeus na ngayon ay natutok ang mga mata sa USB na nasa lamesa.
Samantala si Zeus ay napapalunok na lang habang nakatitig doon sa USB. Nagmistulang isang treasure box na puno ng mga gintong barya ang gamit na iyon. At sa totoo lang ay nakakuyom ang mga kamao niya, pigil ang sarili para hindi mahablot ang USB na nasa lamesa. Alam niya kasi na maaaring patibong ito, malamang para mahuli niya ito. Pero... Sa pagkabigla niya ay bigla itong tumayo pero natigilan din nang dumating si Hera.
"Seran! Ang tagal mong hindi nakamasyal dito? What happened to you?" Nakangiting sabi nito saka lumapit sa kanila. "Honey? Are you okay? Namamawis ka yata?" Natatawang pinunasan pa nito ang noo ng asawa.
"I'm okay. Of course." Nginitian ito ni Zeus saka lihim na napahugot ng hininga. Damn! Kung hindi dumating si Hera ay malamang na nagkaroon na ng away sa pagitan nila ni Zeus. Ramdam na ramdam niya ang kahandaan nito. Kung nagkataon baka mabulgar kay Hera ang pinagawa ni Zeus sa kanya.
"How sweet," pagkuway puri ni Seran dahil sa nakitang paglalambing ni Hera sa asawa. "Malapit na pala ang anniversary niyo. Buti tumagal ka kay Zeus, Hera?" Pabirong tanong niya sa babae.
"Oo naman! Mabait kaya itong asawa ko," sagot naman nito na hanggang ngayon ay wala pa rin napapansin sa tensyon sa pagitan ng dalawang lalaki. "You're invited, okay? Isasama ko rin ang bestfriend ko si Elaine para magkakilala kayo."
"I know her, actually ako ang tumulong sa kanya noon sa kaso niya sa kanyang kakambal. You know her story, right?"
Tumango lang si Hera bilang sagot. "Small world! Hindi na pala ako mahihirapang i-match kayong dalawa. I think both of you are good together."
BINABASA MO ANG
A Man's Erotic Love
Ficción GeneralNote: This is not your ordinary lovestory. Pumayag si Seran nang hilingin ng kanyang kaibigan na makipag-love making sa asawa nito, wala kasing kakayahan ito upang isakatuparan ang bagay na iyon. Hindi siya tumanggi dahil sa totoo lang ay may lihim...