AMEL 29

13.8K 302 22
                                    

AMEL TWENTY NINE

Naabutan ni Raven si Hera na umiiyak. Nakaupo siya sa may gilid ng kama ni Zeus habang hinahaplos ang mukha nito. Inabutan siya nito ng panyo.

"Tumigil ka na sa pag-iyak mo. Sa ayos mong 'yan parang patay na 'yang asawa mo."

Kinuha naman ni Hera ang panyo. "Hindi ko lang kasi mapigilan ang mapaiyak."

"Dahil ba sinampal ka ni Elaine?"

Tumango si Hera. "Ako kasi ang may kasalanan kung bakit nagkaganyan siya. Nakita mo naman siya kanina, 'di ba? May mga pasa at galos siya, ibig sabihin ay may ginawa sa kanya si Cronus. Alam kong galit siya sa 'kin dahil sa nangyari, isa pa ay siguradong alam na rin niya na..."

"Na nagkaroon kayo ng relasyon ni Seran?" Pagpapatuloy ni Raven.

"Paano mo nalaman?"

"Sinasabi sa 'kin ni Seran, humihingi pa nga ng payo ang ugok na iyon." Natatawang sabi niya. "Sabi ko sa kanya noon, kung gusto niya ang isang babae ay sunggaban na niya ang kaso hindi ko naman alam na may asawa na pala ang babaeng gusto niya."

Napangiti si Hera. "Ang totoo niyan ay sumunod lang ako kay Cronus na akitin siya. Nagtagumpay ako, akala ko ay hanggang doon lang pero para akong nagkakaroon ng pagtingin sa kanya." Sabi niya sa lalaki, magaan ang loob niya rito. Pakiramdam niya ay puwede siyang maglabas ng saloobin.

"So, gusto mo ba siya? I mean, mahal mo ba siya?" Seryosong tanong ni Raven.

Napatingin naman si Hera kay Zeus. Muli ay tinimbang niya ang dalawang lalaki sa puso niya. At iisa lang ang nangibabaw. Nakangiting sinagot niya si Raven.

"Si Zeus. Siya ang mahal ko."

"So, ano pala ang tawag doon sa naramdaman mo kay Seran?"

"Hindi ko alam. Pinaglaruan yata kami ng tadhana o baka sinubok lang ang relasyon namin? Ang hirap sagutin."

"Sa tingin ko, kaya naramdaman mo na mahal mo si Seran ay dahil nakita mo sa kanya ang asawa mo. I mean, wala si Zeus sa tabi mo kaya naghanap ka ng masasandalan at nagkataon naman na nasa paligid si Seran."

Napatitig na lang si Hera sa binata. Noong mga nakaraang kasama niya si Seran ay ganito ang iniisip niya.

"Alam mo, parang ang dami mong alam? Saka ang galing mo rin magpayo."

Napangiti si Raven. "Hindi naman. Ginagamit ko lang ang pinag-aralan ko noon sa psychology class at binabase ko lang ang payo ko sa kung ano ang nababasa ko sa mukha mo."

"Ang galing naman. Anyway, thank you. Gumaan na ang loob ko dahil sa payo mo."

"You're welcome."

_____

Hinintay muna ni Seran na makatulog nang mahimbing si Elaine bago bumangon. Nang makitang malalim na ang pagtulog nito ay bumaba na siya ng kama. Saglit niya munang minasdan ang dalaga at masuyong hinaplos ang mukha nito.

"I'll be back." Huling sabi niya kay Elaine bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Kailangan niya kasing makita si Hera, gusto niya itong makausap. Pababa na siya ng hagdan nang makita niya ang babaeng hinahanap. May dala itong gatas at papasok na ngayon sa kwarto nito.

"Hera!" Tawag niya rito pagkuway bumaba ng hagdan.

"Seran, ikaw pala."

"Yeah. Puwede ba kitang makausap?"

Napabuntomg hininga si Hera. "S-sige..." sagot nito saka pumasok na sa loob ng kwarto, sumunod naman si Seran.

Ang hindi nila alam ay nandoon pala si Elaine, nagising siya dahil naramdaman niyang wala sa tabi niya si Seran kaya nagpasya siyang lumabas at ito nakita niyang papasok na si Seran sa kwarto ni Hera.

A Man's Erotic LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon