KABANATA II: THE DELIVERY ✔

9 2 0
                                    

KABANATA II - THE DELIVERY 

A warm bath is nice pag ganitong marami akong iniisip sa trabaho. I removed my robe tsaka tuluyang inilubog ang sarili ko sa maligamgam na tubig ng tub. I placed my phone on the side kung saan hindi ito mababasa.

Minsan kasi may mga tumatawag sa'kin na mga clients kapag ganitong oras kaya kailangang katabi ko ito. Nangungumusta rin minsan ang ilan sa mga kaibigan ko o di kaya ay si Klause.

Naalala ko bigla ang folder na ipinadala niya sa'kin. So I immediately dialed his number. Nakakadalawang ring pa lang ang phone nito'y sumagot na siya agad.

"Hi Sis." Bungad nito sa'kin. I even heard him sipping on his drink. Umiinom na naman itong magisa.

"Alone again Kuya? Kawawa ka naman." Biro ko pa rito na ikinatawa lang niya.

"Di mo kasi ako tinutulungang hanapan ng makakasama sa buhay dahil masyado kang babad sa career mo, Snowman." Pilyong sagot nito.

Sa lahat ng mga kapatid ko, siya lang ang magaan ang loob ko. Magkasunod kaming ipinanganak.

After Warren is Gabriella, followed by Klause and me as the youngest. I have a bad reputation among people who knows our family. They see me as the rebel who do things against the will of my parents. I'm greatly aware of that and I'm not ashame of it. They talk because they don't know the real story behind my acts.

Humans are naturally born like that, either you speak for yourself or not, may masasabi at masasabi pa rin sila sayo.

"HA-HA!" I sarcastically laugh. "Very funny Santa Klause! Ang sabihin mo hindi ka lang maka move on kay Miley. Tanda mo na Kuya, kaya mo na yan!" Narinig ko naman ang halakhak nito, direktang natamaan sa sinabi ko.

His fiancée, Miley Cassie Guevara broke-up with him a year ago at hanggang ngayon halatang hindi pa rin nakaka move on.

He sighed for a second bago ako nito kausapin muli.

"Nabasa mo na ang laman ng folders?" Pagbabago nito sa usapan which is okay with me dahil 'yon naman talaga ang rason ng pagtawag ko.

"Oo." I also sighed nang maalala iyon. "Ayaw ko sanang tingnan pero you know me, I'm always curious at almost everything. Bakit ba sa'kin napunta iyon?" I asked kahit may ideya na ako kung bakit.

"Alam mo naman siguro na it's the case 10 years ago." Narinig ko ang pagdadalawang isip sa boses niya nang banggitin niya iyon. Nahihiwatigan ko na kung saan papatungo ang usapang ito.

"Yeah. Iyong kasong involve si Kuya Warren dati." I answered and it brought thousand of painful memories in me.

"It's giving us problem now." Saglit akong natahimik bago inisip ang isasagot ko rito.

"If its about him then hindi ako ang kailangan niya para jan." I answered firmly. Swallowing a big lump on my throat para hindi pumiyok ng tuluyan ang boses ko. "Hindi ko nga alam kung paano ka nakakatiis sa poder nila. Palaging ikaw ang naiipit kapag may World War III ang dalawang 'yon." I remembered how I beg for their mercy but I was just answered coldly.

"Snow.." I can sense the plea in Klause's voice kaya tuluyan nang nahulog ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Agad ko itong pinunasan tsaka huminga ng malalim. Masakit pa rin kahit matagal na panahon nang nangyari iyon.

"That case is already closed a very long time ago diba? I can still remember noong college pa ako kung saan nagkaundagaga sila kakahanap ng isang magaling na Attorney. Noong dumating ako 10 years ago, gustong-gusto kong i-re-open ang kaso para magbigay ng tamang hustisya pero walang nagbigay ng pukol sa'kin. Ikaw lang naman ang sumuporta sa'kin noon. At ngayong sumuko na ako at sinusubukan kong makalimot sasabihin nilang kailangan nila ako? Are they planning to torture me?" Sabi ko pa rito na ikinabuntong hininga niya na lang sa kabilang linya.

LARO NG TADHANA ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon