CHAPTER X: THE NEWS✔

13 1 0
                                    

Chapter X: The News

Natatawa ako kapag naiisip ko ang mga conditions na inilagay ni Miss Quinn sa Personal contract na ginawa niya para sa kanila. Some are very childish, very unexpected sa isang tagapagmana ng sikat na Cosmetic company sa mundo. Iwan ko na lang kung hindi a mafo-fall si Kuya Warren sa mga patibong niya. Tinawag pa niya itong Operation: Palambutin ang pusong bato ni Warren Miles. It really made my day sa kabila ng mga problemang iniisip ko.

Napaisip din ako sa huling bagay na sinabi sa'kin ni Miss Quinn kanina.

"You know what, Warren is really fond of you." She said na ikinatigil ko.

"P-paano mo naman nasabi yon?" I said with an awkward smile on my face.

"Palagi ko kasing kinukulit yon na magkwento tungkol sa inyo na mga kapatid niya. Nagsasawa na ata sa kakulitan ko kaya wala siyang magawa kundi ang magkwento hangga't hindi ako satisfied.'' Medjo natawa ako sa sinabi nito. Kaya talaga nitong palabasin ang ibang side ni Kuya. "Pero alam mo kung sino madals niya ikwento? Ikaw. Nagkukwento siya tungkol kina Klause and Gab pero ikaw yong pinakamadalas. He's fond how independent, strong and free you are kaya nagka interes din ako sayo." Mahabang paliwanag nito na tuluyang nagpatigil sa iba pang sasabihin ko.

Kanina pa nakaalis si Miss Quinn pero di pa rin mawala sa isip ko ang mga sinabi nito. Nakakapagpabagabag.

"Attorney?" napatingin ako sa mukha ni Riley na nakadungaw sa may pintuan.

"Yes? May last minute client ba tayo ngayong araw?" I told nang tuluyan na itong pumasok sa opisina. Sumulyap ako sa relo ko at limang minute na lang ay lunch na. half day lang dapat ako ngayon.

"Wala na po so far Attorney. Magpapaalam lang po sana ako ng maaga. May date po kasi ako ngayon." Medjo nahihiya pa nitong sabi habang napapahawak sa batok nito. Nakakatuwa talaga ang sekretarya kong ito.

"Amoy na amoy pag-ibig ka Riley. Sana all." Biro ko pa rito na ikinatawa lang namin pareho. "May date kayo ni Janina nuh?" pangaasar ko pa dito.

"Paano niyo po nalaman ang pangalan niya?" halata ang gulat sa mukha nito na ikinangiti ko.

"Nakita ko minsan sa notebook mo. Sa sobrang bored mo siguro ay ginawa mo nang calligraphy ang pangalan ng jowa mo. Kalian mo kasi siya ipapakilala sakin ha?" panunukso ko ulit dito. Wala na talaga akong mapagtripan at itong sekretarya ko pa ang napagdiskitahan ko. Ganoon talaga ako kapag maraming problema, dinadala sa panunukso sa ibang tao.

"S-sorry po Attorney.." paumanhin pa nito na ikinatawa ko.

"Walang problema, sige na lumayas ka na bago pa kita iwan dito para mag overtime." Nakita ko ang pagaliwas ng mukha nito dahil sa sinabi ko.

"Thank you Attorney!" sabi nito tsaka dali-daling umalis para magayos ng mga gamit niya paalis. Napailing na lang ako sa excitement sa mukha nito. Hay! Pagibig nga naman.

"Ay! Pagibig!" nasigaw ko nang biglang mag ring ang cellphone ko. Biglang sumulpot ang pigura ni Danielle sa may pintuan. Agad akong tiningnan na may pagaalala.

"May problema po ba?" muntikan ko nang makalimutang may bodyguard pala akong nagbabantay.

"No nothing Danielle, nagulat lang ako sa pagtunog ng Cellphone ko." nasabi ko nalang rito at tumango naman ito.

"New number?" pagtatako nang makita kung sino ang tumatawag sakin. Pinindot ko na lang ang answer button tsaka ito sinagot.

"Hello?" sabi ko rito. Mga ilang Segundo siguro ang lumipas bago magsalita ang tao sa kabilang linya.

"Its me." Napakunot ang noo ko nang marealize kung sino ito. Hindi ko maintindihan ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. It's the first time he called. Paano niya nalaman number ko? Oh, I know, he has plenty of ways. 

LARO NG TADHANA ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon