KABANATA V: PHASE ONE✔

19 3 0
                                    

Kabanata V: Phase One

"Bakit siya andito?!" I said in a controlled whisper. Napahawak ako sa noo ko habang naguguluhang kaharap si Zyla.

"My gosh Snow! Hindi mo na maitatago pa sa'kin! Hindi ba't boyfriend mo siya? So he has the right to attend my party! Para may date ka din tonight diba?" She said laughing at my panicking face. Kabaligtaran sa nararamdaman ko ngayon. He's mere presence shouts danger to me.

"H-how?" Hindi ko mahanap ang itatanong ko sa kaba. Parang kaninang umaga lang ay nakita ko ang lalaking ito tapos ngayon nandito na naman siya?

My heart is palpatating kapag naiisip ko kung ano nanaman ba ang binabalak nito. Kinakabahan ako para kina Zyla at sa ibang taong naririto. Sana'y wala itong hatid na gulo.

"I invited him yesterday. Palabas na sana kami ng resto ni Babe tapos bigla namin siyang nakasalubong." Pagkukwento nito na may halong enthusiasts. Hindi alam ang malaking posibilidad na balak na naman ang lalaking ito.

"Nakasalubong niyo siya? Saan? Gaano ba kayo katagal na nagdate ni Kurt kahapon?" Ayaw kong ipahalata ang kaunting panic sa puso ko. Lahat ng tao rito ay inosenti, hindi ko alam kung anong mangyayari sa'kin kapag may panibago na naman itong plano.

"Nakilala siya agad ni Kurt kasi naikwento nga niya na nakita niya kayo sa Condo mo diba? Kaya ayun nakipagkwentuhan pa kami sa kanya. Hindi ba nabanggit sayo ni Kurt kahapon? Ace told us everything about the two of you." Ano na naman kaya ang kwentonh ginawa nito para mapaniwala ang mga kaibigan ko na may relasyon talaga kami? Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko.

"Hindi nabanggit sakin ni Kurt." Tanging nasagot ko na lang dahil habang tumatagal pakiramdam ko'y mas lalong lumalala ang problema ko sa taong iyon. Paano ko pa kaya haharapin ang mga taong nakakakilala sakin dito ngayon? Lalo na ang mga kapatid ko.

Hindi talaga ito titigil hangga't hindi niya nagugulo buong buhay ko. I bet hindi by chance ang pagkakasulubong nito sa kanilang dalawa. Malaking posibilidad na parte din iyon ng mga plano niya para makapasok sa kasiyahang ito. This is not good.

"Hainaku nakalimutan na naman siguro nun. Nasaan na kaya ang toyoing yon? Kanina ko pa di nakikita." Maktol pa nito.

We are going to surprise Zyla pero mukhang ako pa ang unang nasurpresa ngayong gabi.

"Hi babe." Nagulat ako nang bigla itong dumating sa gitna ng paguusap namin ni Zyla. I immediately stiffened.

He pulled me closer by pressing my exposed back towards him na agad kong ikinasinghap. He even kissed my right cheek that sent shiver on my spine. Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat.

Kung ipapakita ko ang pagkairita ko ay baka mas lalong magtaka si Zy sa mga ikinikilos ko. Wala pa naman din akong alam sa mga ikinwento nito sa kanila.

"Glad you could make it Ace!" Magiliw na sabi ng kaibigan ko tsaka ako nito binigyan ng makahulugang ngiti. I tried not to roll my eyes at her.

"It's my pleasure." He gave my friend a sincere smile. He look so formal and confident. Totally opposite sa nararamdaman kong karera sa puso ko dahil sa hawak niya. But I tried my best to look normal to my friend.

"Alam niyo. Kinikilig talaga ako sa inyo. Lalo na noong nalaman kong sa Madrid pala kayo nagkita noong nagbakasyon ka doon last year Snow." My eyes went wide at what she said.

"H-Huh?" Napalingon ako rito dahil sa sinabi ni Zy. He just smiled at me. Kung titingnan sa malayo, we look like a sweet couple pero ang totoo niyan, he looks like a smiling devil to me.

"Y-Yes, I'm sorry Zy. Malabo pa kasi noon." Sinabi ko nalang para sabayan ito. Paano ba niya nalaman nagpunta ako sa Madrid last year? He's really good at knowing people.

LARO NG TADHANA ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon