KABANATA III: CARDS ON THE DECK✔

23 3 0
                                    

Kabanata 3 - Cards on the Deck ♠♥♣♦

Natahimik ako sandali bago inisip lahat ng posibilidad na maaaring maibato niya sa pamilya namin lalo na sa kasong tinutukoy nito. If my gut is telling me right, he's into something big. But what is it that he wants? I can't help but be more curious about him now that he had mentioned that case.

"Hindi ko maiwasang isipin na may kinalaman ka sa mga Death threats na natatanggap ng mga kapatid ko." I tried asking and it was a relief that he didn't show any irritation from his face. There's no denial on it either.

"I won't agree to that but I won't deny it either." He answered playfully while walking towards me. I tried avoiding him by going to the sink and getting some water.

Naiinis ako dahil ayaw pa nitong sabihin ng direkta ngayong halata naman sa ikinikilos at sagot niya. He's playing with me. Trying to lure me in. Kung mahina lang ang mindset ko ay baka nagpapanic na siguro ako ngayon.

But maybe I am right. He's finding a hole on that case. He will not do this without planning it beforehand. But why? Ano ang mayroon sa kasong iyon na kailangan pa niyang kunin at gawin ang ganitong mga bagay?

I gasped when the glass almost fell my from my shaking hand. Hindi ko akalain ang mabilis nitong pagdalo upang saluin ang basong muntik nang mabasag. I can't believe how fast he is.

"Are you scared of me Attorney?" He cornered me between his arms as he slowly put the glass back on the sink behind me. I tried holding on behind while avoiding his stares.

Hindi ako nagsalita. Sa halip ay bumalik ako sa kinatatayuan ko kanina as I look at him smirking a bit. How can he be like this? Hindi ko na maintindihan ang intensyon nito sa akin.

Sa hitsura palang nito at pananalita ay mukhang edukado itong tao at may kaya. Palaisipan rin sa akin hanggang ngayon kung paano niya napasok ang unit ko at paano siya nakalusot sa mga CCTVs. He's really something else. A dangerous one. He's obviously smart. Mabilis din ang reflexes nito. He looks like he's well trained physically and emotionally. Halatang pinaghandaan niya talaga ang lahat.

Unti-unting pumapasok ang mga realization sa utak ko dahil sa pabor na hinihingi niya tungkol sa kaso.

I may look weak and vulnerable right now pero hindi naman basta nawawala ang deductive thinking ko. Hindi ako tinawag na attorney kung wala akong magandang observation sa galaw at takbo ng utak ng isang tao.

Sa ngayon, isa sa mga naiisip kong rason kung bakit gusto niyang kunin at alamin ang kaso ay ang pagpapabagsak ng kompanya ng mga kapatid ko. Guererro's Group of Company is not an easy company. Kagaya nga ng sabi ko. It has billions of dollars of assets that could bring the name of the country when it comes to business.

Madali lang sa kaniyang i-manipulate ang kaso dahil lack of further evidence and support lang naman kasi ang isa sa pinaka rason kung bakit naipanalo ang kasong yon. Isa pa, dehado din ang pamilya nung biktima ng mga oras na yon.

Muling sumagi sa isip ko ang matalik kong kaibigan. Another pang of pain had knocked into my heart.

If only I was capable of protecting someone back then. This day would never have to happen at the very first place.

Matagal na ako sa kalakarang ito. Alam ko na malaking factor talaga ang pera para maipanalo ang isang kaso. Hindi na iyon bago sa'kin. Mostly ganoon ang pamamaraan ng iba. But I despise those ways. Kaya ako nag attorney para ipamukha sa nakakarami na money doesn't always do the math.

Para sakin walang kwenta ang pinagaralan ng isang attorney kung puros pera lang ang nagpapatakbo ng buhay nito. I aim for real challenges and the truth, that's maybe the reason why I became famous for this job.

LARO NG TADHANA ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon