KABANATA II: THE ACE ♠✔

27 3 8
                                    

Kabanata III - The Ace ♠

Pinikit ko ang mga mata ko ng mariin dahil sa kaba. Matapang ko itong muling binukas at sinubukang tingnan siya direkta sa kanyang malalalim na mga mata, na tila inaalisa ang bawat galaw at reaksyon ko.

"Then kill me now." I said firmly. Binalik nito sa'kin ang mga titig ko. Parang sinusukat ang katotohanan sa mga sinabi ko. Ngunit hindi ko inakala ang pagak nitong tawa sa kabila ng takot sa aking dibdib.

"They're right about you. Matapang ka nga't matalino. Very sophisticated. Perfect for an Attorney." He said smirking still pointing the gun at me. "Not afraid to die huh." Dahan-dahan itong tumayo habang nakikipagtalo ng titig sa akin.

"Among all of your siblings, I was always curious about the so called 'Snow', ang isa sa pinaka in demand na attorney in the City." Dadag pa nito. He looked at me from toe to head, and then stopped at my eyes again. "Pero ngayong kaharap na kita, I've realized that everything you've been showing to everyone was just a facade. You're just a sad soul. A cold being, just like your name." Naikuyom ko ang mga palad ko. Paano niya nasabi iyon? Pakiramdam ko'y bawat salitang binibitawan niya ay tila kutsilyong tumutusok sa aking pagkatao.

"You don't know me!" Mariin kong sagot rito na mas lalo lang niyang ikinangisi. Tuluyan nang nanginig ang mg kamay ko sa inis.

"I know you Snow Guererro." Gusto ko itong sapakin. Ngunit ayaw akong sundin ng katawan ko. Tila nabato na ako sa kinatatayuan ko.

Dahan-dahan itong lumapit sa akin. Hindi nawawala sa mata ko ang baril na nakatutok pa rin sa direksyon ko. Nagsalita itong muli ng ilang dangkal na lang ang layo sa pagitan namin.

"You're really much prettier up close." He whispered through my ears na nagpatindig ng mga balahibo ko. He's a monster!

"You perv!" Angal ko pa rito pero bigla lang niyang idiniin ang baril sa tiyan ko para patigilin ako sa anumang sasabihin ko. Hindi ako nakakibo at napapikit na lang ng mariin.

Mukhang nag research talaga ang taong ito tungkol sa'kin. Kung kaming magkakapatid nga ang target nito, malamang uunahin na niya ako dahil mas madali siguro akong iligpit.

Now that his is upclose, I've realized something. Hindi ako nagkakamali, siya ang lalaking nasa parking lot kanina. He's wearing the same jacket. Nakababa nga lang ang hoodie nito. He's eyes are dark, hooded and sharp. He's undeniably good looking. Para akong nahihipnotismo. But his stand is ready to pierce me inside.

"You're the guy kanina-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang dahan-dahan niyang pinaglakbay ang baril mula sa tiyan ko papunta sa labi ko hanggang sa gilid ng ulo ko. It made me shiver inside.

"Ssssshhh... enough of the Chitchat. Let's move on to the business shall we?" Ang tibok ng puso ko ay parang nag uunahang kabayo sa bilis. Tila nalunok ko ang lahat sana ng sasabihin ko.

"One wrong move Snow at tatagos bala ng baril mo sa ulo mo." He's towering over me and I feel like I can't move a muscle.

Nakaramdam ako ng kaunting pagsisisi ng i-decline ko dati ang inoffer sa'kin ng ex-fiancé ni Klause na si Miley tungkol sa self defense class. She's a black belter in Taekwando. Kung di lang sana naging matigas ang ulo ko noon, baka nakayanan kong ipagtanggol ang sarili ko ngayon. I can't die just like this.

"Ano bang kailangan mo?" Pinigilan kong pumiyok ang boses ko.

"Wag excited. Right now I want you to follow what I say. No but's Attorney." He went to my back still pointing the gun on my head.

"Now bring that box." I followed what he said. I took the box. Ito ang mga pagkain na palagi kong nire-request with the same restaurant. How did he do this? Matagal na nga ba talaga ako nitong minamanmanan?

"Now walk to the kitchen." Napahinto ako dahil sa sinabi nito. Magtatanong sana ako kung anong trip nito pero hinawakaan lang niya ako sa braso at marahas na tinulak.

"Hurry!" I hissed in pain but he just gave me a stoic look. I don't know if he's enjoying playing with the situation.

I walked slowly at the kitchen. Napansin niyang nabaling ang atensyon ko sa cellphone kong nakapatong sa mesa kung saan ko ito naiwan kanina. Tinulak niya ako in the opposite direction away from my phone na tanging pagasa ko lang sana ngayon para makahingi ng tulong.

"Sit." Utos niya sa'kin na parang alaga niyang aso. Dinampot niya ang cellphone ko at binulsa sa jacket niya. Napamura nalang ako sa isip ng dahil dito.

He sit on the opposite side of the table while starring at me. The gun still pointing at my direction.

"Open the box and Eat." Malamig na sabi nito sa akin na ikinakunot ng noo ko.

"Pinaglalaruan mo ba ako?" Hindi siya sumagot. Sa halip ay dumukot siya ng isang bagay sa kanyang bulsa. It's a gun silencer? He's really prepared to kill me huh.

Ikinabit niya ito sa dulo nung baril at muling itinutok sa'kin. Biglang nanlamig ang buo kong katawan sa kaba pero hindi ko ipinahalata. I remained stoic as well.

LARO NG TADHANA ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon