CHAPTER XV: CATASTROPHE ✔

8 1 0
                                    

Chapter 15 - Catastrophe

~I'm on my way.~

Nagulat ako pagkabasa sa text ni Ace. Sobrang aga naman ata nito? May 45mins pa naman bago mag 6pm. Dali-dali na lang akong nagbihis nang dahil dito.

~Hindi ako makakaakyat sa unit mo. Nandito na ako sa parking lot.~ basa ko pa ulit sa text niya. It's so unusual of him. But I don't know, he's maybe just tired. I just shrug off the thought and went to the parking lot.

Pagdating koy laking pagtataka ko nang hindi ko nakita ang sasakyan nito. I was about to call him when a sudden cold metal is being pressed at the back of my head na tuluyan kong ikinatigil. Pati ata puso ko ay sandaling huminto nang dahil dito.

"Don't move.." Malamig na sabi nito. "...or else this gun will blow on your head attorney." A strangers voice echoed behind me. Napapikit ako ng mariin nang dahil dito. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Napapitlag ako ng biglang mag ring cellphone ko. Its Ace! Ibig sabihin ay ibang tao ang katext ko kanina? But how?! It's the same number awhile ago.

"Don't you even dare to answer that call." He said as he slowly went in from of me while the gun is still pointing at me. Hindi ko alam ang gagawin ko nang marealize ko kung sino ang taong nasa harap ko. He maybe had changed a bit but his the same devil that I've known 10 years ago.

"A-Alfonso?" I said as if the words are not meant to come out of my mouth.

"Long time no see Snow... or Should I say, Attorney?" he said with an evil smile plastered all over his face. The gun is now in my forehead. Ready to blow any time soon. Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko habang patuloy sa pagtunog ang cellphone ko.

"Drop ur phone." Mariing sabi nito at mas lalo nitong inilapit ang baril sa noo ko.

Napapikit na lang ako nang dahil dito. I have no choice but to slowly bent down to drop my phone while looking directly at his evil eyes.

"Why are you doing this?" I said trying not to break my voice.

"Do you think I'm an idiot?! Huh?!!" Nagulat ako sa pagsigaw nito. "Alam kong tinutulungan mo ang peking Ivanov na iyon para muling buksan ang kasong matagal ko nang nilibing!!" Mariing sabi nito. Mukha na siyang nasisiraan ng ulo. His smiling but I saw anger and frustration on his eyes at the same time. "You don't know what you're doing!!" Dagdag pa nito sa mas lalong malakas na boses.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." I said trying to deny the truth. Tumingin ako sa paligid to find some help. Bininaling ko ang tingin ko sa guard house sa di kalayuan pero nanginig ang kamay ko ng makita ang gwardyang walang malay.

"Trying to search for an escape plan huh? You're trapped Attorney. Every CCTV in here is down including that useless guard over there. Don't worry, I just give him a sleeping drug on his coffee. I'm not that fool to kill this early. May tamang oras para doon. Kagaya ng oras ng kamatayan mo kung magsasalita ka tungkol rito." Nakangisi ito habang unti-unting lumalapit sa akin. I have no choice but to walk backwards.

"Paano mo nagamit ang number ni Ace para dito?" I said na tuluyang nangingig na ang boses ko.

"Well that's easy. I hope you like the Chess piece on your front door. I've made it just for you." Biglang sumagi sa isip ko ang metal at kulay puti na Queen chess piece na napulot ko kanina lamang.

"You mean..."

"Yes. That Queen piece. Isn't it fascinating? There's a chip inside it that could hack any information on a certain device with at least 3 meters radius from it." Mayabang nitong paliwanag na mas lalong nagpakaba sa akin.

"No. This can't be.." napalunok ako ng mariin ng dahil dito.

"Yes. It can be." He said as he finally have cornered me.

"Let's have a deal shall we?" Nakangising sabi pa nito na tila ikinatindig ng mga balahibo ko.

"Hindi ako mananalo Alfonso!" Sabi ko, sinubukang lumuban but he just pinned me on the wall while his other hand is on my neck.

"Listen to me very carefully. Lalayoan mo si Ace Ivanov! Kung hindi ay mapapahamak ka! Pati pamilya mo at ang kompaniya niyo! Hindi ako nagbibiro Snow. Alam ko na ang lahat. Your phone is enough for me to know everything." Halos hindi na ako makahinga ng dahil sa pagkakasakal niya sa akin. Mawawalan na sana ako ng malay nang bigla akong makarinig ng isang putok ng baril.

Agad na nabitawan ni Alfonso ang leeg ko na siyang tuluyan kong ikinatumba sa sahig dahil sa pagkakawalan ng lakas. Nanlabo na ang mga mata ko.

"Ace.." ang tanging naibulong ko sa hangin. I saw him exchanging fire with Alfonso habang unti-unting pumipikit ang mga mata ko.

"Hey baby! Talk to me!" I saw horror and worry in his face as he carry me in front of him bago tuluyang sumara ang mga mata ko.

"Where am I?" Iyon ang unang salitang namutawi sa bibig ko nang muli kong maidilat ang mga mata ko. Bumangon ako at naupo at Una kong nakita ang nagaalalang mukha ni mama.

"Snow.. anak." Halos naiiyak na ito nang gakapin ako nito. "Nasa mansyon ka anak. Dito ka dinala ni Ace. It's very dangerous for u to go to a hospital." She said as she cup my face. Nilibot ko ang paningin ko at na realize kong nasa bahay nga ako. Ito ang dati konh kwarto 10 yeaers ago.

"Where is he?" Tila nanghihina pa ang boses ko. Hinawakan ko ang leeg ko na may kaunting kirot pa rin.

"They're out with your brothers trying to figure out Alfonso's whereabouts." Napatingin ako kay mama dahil dito.

"Hindi po siya nahuli? I thought Ace have shot him." Muli na namang gumapang ang kaba sa puso ko.

"Oo. Sugatan ito nang makatakas ito. Hindi na ito nahabol ni Ace dahil nawalan ka na ng malay. He can't risk you in chasing for that crazy man!" Tila naluluha na si mama nang dahil dito. "This is all my fault. I should've done something bago pa ito lumala ng ganito. I'm so sorry anak." Dagdag pa nito na tuluyan na niyang ikinaiyak.

"This is no ones fault ma. Nakatadhana nang mangyari ang lahat ng ito gustohin man natin o hindi." I said as I hug her. Naramdaman ko rin ang pangungulila sa mga yakap nito. "I'm sorry too ma. I missed u so much." Naiiyak kong tugon rito.

"Snow! Thank god gising ka na!" Niluwa ng pinto ang nagaalalang mukha ng mga babaing mahahalaga rin sa buhay ko. Si Miss Quinn, Gab, Miley, Zy, and Athena. Laking gulat ko din ng makita si Syrah habang tulak ng Doctor Zaine na siyang pinagkakatiwalaan din ni Ace way back in the hospital.

"Guys..." Tuluyan na akong napahagugol sa mga nakita ko. "Yong totoo.. may reunion ba tayo ngayon?" I tried to joke out but it just made my voice cracked. Lumapit ang mga ito sa akin and I felt very blessed nang isa isa nila akong bigyan ng mga yakap.

"How did you know guys know about Syrah?" Tanong ko kay Athena na umiiyak na din.

"Ace told us everything. Halos paliparin na ni Kurt ang sasakyan ng malaman namin ang tungkol sa nangyari sayo." Paliwanag nito.

"Ginisa namin ng mga tanong si Ace. He told us that you guys are eventually planning to tell us everything pero nangyari ang bagay nato." Dagdag pa ni Zy. Napangiti ako ng dahil dito. Pero nabaling ang atensyon ko sa tahimik na si Syrah.

"Syrah. How's your feeling?"

"I'm slowly recovering Snow. Hindi pa bumabalik sa akin ang lahat. Pero nang marinig ko ang lahat ng kwento ni Kuya Ace ay parang bumuhos sa akin lahat ng mga alaala ko. Oras na lang ang kailangan para ma organize ko ang mga iyon." Hindi pa rin nawawala ang optimism sa boses nito.

"Actually, dalawang oras itong nawalan ng malay kanina nang marinig ang lahat. It was pretty dangerous to her but thankfully she woke up still energetic and fine." Sabat naman ni Doctor Zaine. Pero may iba akong nakikita sa mga tingin nito kay Syrah. Care and sincerity.

"You feeling okay now sis?" Tanong naman ni ate gab. I did not waste the chance to give her a hug na ikinatuwa ko when she hugme back even tighter.

"I didn't know na may mas komplikado pa pala sa buhay ni Warren maliban sa mood swings nito." Miss Quinn joked na ikinatawa naming lahat. "..and I love how he loves his family so much." Parang nakakakita ako ng puso sa mag mata nito.

"Naku! Nangangamoy pagibig!'' Dagdag pa ni Miley.

"Saan na ba ang iba?" Nagtatakang tanong ko dahil parang may kulang.

"Sumama si Kurt kina Ace at sa mga kapatid mo para hanapin si Alfonso. Tumulong din si Ken at ang mga pulis." Hindi nakatakas sa paningin ko ang munting pagsundot nj Ate Miley sa tagiliran ni Athena pagkabanggit nito ng pangalan nito.

Ano kayang mayrun sa kanila? May fishy ata between Athena and Ken na kailangan kong malaman.

However, I got quite a bit sa sinabi ni Ate Miley. Ganoon ba talaga kalakas ang pwersa ni Alfonso para mahirapan sila ng ganito?

"Ilang oras ba akong nakatulog?" Tanong ko sa kanila na ikinagulat lang nila.

"Ma? You didn't tell her?" Nagtatakang tanong ni Ate Gab kay mama na ikinailing lang din nito. "Dalawang araw ka ng tulog Snow. Kaya nga halos magkaundagaga kami dito pagkagising mo." Sabi nito na mas lalo ko pang ikinagulat. Ngayon ko lang din napansin ang dextrose na nakakabit sa braso ko.

"Two days?" Tanong ko pa na ikinatango lang nilang lahat. Sabay sabay pa talaga?

"Yes. Dalawang araw na nga din kaming nandito Snow. Two days and one night to be exact." Dagdag pa ni Zyla. Napatingin ako sa orasan and its 5:00 in the afternoon already.

"Looks like they're back." Agad namang nabaling ang atensyon ng lahat sa labas nang dahil sa sinabi ni Miss Quinn. Narinig ko rin ang tunog ng tatlong sasakyan na sunod-sunod na dumating.

Lumabas din ang lahat maging si Mama para salubungin ang mga bagong dating. Lalabas din sana ako ng pigilan ako ni Syrah.

"Dito ka lang. Hindi ka pa masyadong malakas Snow. You still look pale. Antayin mo na lang sila dito." Mahinahong sabi nito sakin tsaka dahan-dahang itinulak ni Zaine ang wheelchair nito palabas.

Ilang segundo pay niluwa ng pinto ang lalaking kanina pa hinahanap ng mga mata ko. Nakita ko ang sobrang pagaalala sa mukha nito.

"Ace.." I said nang makalapit ito. Binigyan ako nito ng isang yakap na parang ilang taon na niya akong hindi nakikita.

"I'm glad your finally awake." He said as he cup my face ang give me a peck on my lips. Namiss ko ang malalalim na mga mata nito. Totoo nga talagang dalawang araw akong tulog.

Naghiwalay lang ang titigan namin nang makarinig ako ng pagtikhim mula sa pinto. It's Klause and Warren. Tila pareho nilang binibigyan ng warning look si Ace.

"Your scary brothers are here." He whispered to me na ikinatawa ko lang dahil sa sarkasmo nito. Tumayo tsaka binigyan ng space ang dalawa kong kapatid. Kuya Klause give me tight hug while Kuya Warren sitted at the side of my bed.

"Hey Snowman. Akala ko nanigas ka na sa higaan mo. Buti nagising ka."hinampas ko lang sa braso si kuya klause ng dahil dito.

"Pwede ba yon?" Natatawang sagot ko rito.

"Good to see you again awake." Said Sorren while smiling at me

"I'm glad you're okay." Said Warren while giving me a patt on my head.

"Thank u guys. I'm so blessed to have a brothers like u two." Nakangiti kong sabi sa kanila. I look at Ace at tahimik lang itong nakatayo sa gilid ng bintana ko habang nakatingin samin.

"Snow white!! Sa wakas gising ka na!" Parang nayanig ata ang buong mansyon sa pagdating ni Kurt sa pintuan. Napaatras pa si Kuya Klause at Warren nang patakbo ako nitong yakapin. "Akala ko magsleeping beauty ka forever eh!" Dagdag pa nito pero nakatanggap lang ito ng magkasabay na batok mula sa mga kapatid ko.

"Pasensya na sa matandang batang to." Nahihiyang sabi ni Zy habang hila-hila sa damit ang fiancé nito palabas ng kwarto.

"Teka nga babe! Aray!" Angal pa nito pero piningot lang ito ni Zy. "I miss you Snow!" Pahabol pa nito.

"Ano ba?! Mahiya ka nga kay Warren!" Dinig ko pang sermon ni Zy sa kaniya bago sila tuluyang makababa. Napapailing na lang ako habang natatawa. Pero natigilan ako ng muling magsalita si Kuya Warren.

"Alfonso is still on the loose."I saw frustration on his face nang dahl dito.

"We will eventually find her dear sis. Don't worry." Sabi naman ni Kuya Klause trying to make me feel better.

"Sa ngayon ay mananahimik mona ito dahil nagtamo ito ng dalawang tama mula sa baril ko. If Im going to put myself on his shoes ay mananahimik ako ng ilang araw para magpagaling at magisip ng panibagong plano." Ace said habang seryosong nakatingin sa amin. Pero alam kong nahihirapan dn sila. They look stressed out because of this.

"And that's what we're trying to figure. Ang kuta niya." Dagdag pa ni Kuya Warren.

"Madame would like to inform you that the dinner is ready." Nabaling naman ang tingin namin sa pagdating ni Ken sa pinto. "Hi Snow. I'm glad ur okay." Pagbati nito giving me sincere smile.

"Mauuna na kami sa baba." Sabi ni Kuya Warren na sinundan naman ni Kuya Klause. Tiningnan nila si Ace pero bakas sa mukha nito na wala itong balak na umalis.

"Tara na Kuya. Magbabantay yan. May kalaban kasi." Pabulong na biro pa ni Klause na narinig ko naman at inirapan ito. 

LARO NG TADHANA ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon