Chapter 3

1.1K 88 10
                                    

Zoe Colline's POV

Di ko alam ang meron sa araw na to at napakaswerte ng aking bahay para ilang beses puntahan ng mga tao.

Actually, tatlong tao ang bumisita saken ngayong araw na nagkataong off ko kaya naentertain ko sila lahat.

Saka magkakaiba naman ng oras sila nagpunta.

Yung una, si Sir Charles, ang college administrator ng school na di ko alam na may lihim palang attraction para sa akin.

Kahapon sya nagkalakas ng loob puntahan ako at umakyat ng ligaw dahil di daw sya busy sa week na to.

Pano pag lumipas na ang linggong to, edi MIA na sya nun.

Yung pangalawa, si Drancis Ojares, dating kababata ko na nagkataong kaka-apply lang na instructor din sa pinagtuturuan ko.

Kamustahan lang naman nung umpisa pero di ko naman akalaing magsasabi rin ng panliligaw.

Tsk.

Ganun na ba talaga ako kalakas makahatak ng manliligaw?

At ang ikatlo naman, si Erione Ezquibel, ang kaisa-isa kong bestfriend na malaki ang gusto sa pinsan kong attorney.

Napadayo ng punta sa bahay ko para lang magmaktol sa pag-aaway daw nila ng pinsan ko.

Nasa ligawan stage pa lang pero grabe na kung mag-away.

Inaya pa nga ko uminom kaya ayun gabi na sya nakauwi.

Sa mga bumisita saken kunsumisyon ata ang dinala saken eh.

Kapapagod pala mambasted in a way na di sila mao-offend at makinig sa bestfriend mong ngawa lang nang ngawa at ayaw makinig sa payo mo.

Hayy naku.

--

Seven o'clock na nang magising ako kinaumagahan.

Walang pasok dahil binigyan ng araw ang mga estudyante para maghanda sa final exam nila.

Buti pa sila.

Nagdiretso ako sa kusina para mag-kape at pasimpleng naghihintay kay Manang na manggaling sa labas.

Ilang minuto lang ang lumipas nang pumasok sya sa kitchen pero wala akong nakitang paperbag sa kamay nya.

"Kape po, Manang Ki",alok ko sa kanya at ngumiti nang pilit at alam kong napansin nya ang pagka-disappoint ko.

May ginawa kaya akong di nya nagustuhan?

Saka bakit nga ba ko nanghihinayang na wala na kong natatanggap na breakfast galing sa kanya?

Actually, pa-three days na mula nang walang nagbibigay saken ng breakfast.

Nag-aalok naman si Manang na ipagluluto ako pero umiiling na lang ako kase nasanay akong may taong naghahanda nun para saken.

Baka napagod na?

O kaya narealize na di ako worth it pag-aksayahan ng panahon.

Hayy.

"Sensya na hija, di kase sya lumabas eh",tukoy nya kay Aizy kaya umiling agad ako.

"Iba po Manang ang iniisip ko, wag po kayo mag-alala",tanggi ko pero iba nya ko tingnan.

Di talaga ako makaligtas dito kay Manang.

"Nga pala Zoe, eto oh",aniya at may iniabot na piraso ng papel.

"Manang?",may pagtatanong ang matang sabi ko habang hawak yung papel pero nginitian nya lang ako nang makahulugan.

So tiningnan ko na lang ang hawak ko at unti-unting napangiti kase may way na ko para macontact sya.

Kaso magreply kaya sya gayong parang galit sya saken?

--

Kriiing...kriiing...

Hayy.

Pailang dial ko na ba to?

Naisip ko kase syang tawagan kase baka di agad makita ang text ko kung sakali.

Kaso wala namang sumasagot.

Baka nasa school?

Kaso sabi ni Manang di nya nakitang lumabas ng bahay kanina eh.

Isa pang try.

Kriiing...krii---

"Who's this?",medyo malat na sagot mula sa kabilang linya kaya parang nagbaliktaran ang isip ko.

Cold na parang nang-aakit kase yung boses. Sya na ba to?

Bakit ang ganda ng boses?

Halatang kagigising lang pero iba maka-goose bumps.

"Hello?",untag pa nito kaya nagbalik-diwa ako.

Nakakahiya ka Zoe Colline.

"This is Zoe",pag-amin ko pero tumahimik sa kabilang linya.

Narinig ko na lang ang tunog na parang ipinatong nya ang cp nya sa mesa tas wala nang boses.

Pagsilip ko sa screen ko, on going pa yung call kaya binalik ko sa tenga ko.

Tunog lang ng kumikiskis na bagay ang nagsa-sound sa background.

Parang tunog ng kumot.

Ilang minutong walang nagsasalita pero matyaga ko pa ring pinakikinggan ang tunog sa kabilang linya.

"Hello?",pagbabaka-sakali ko kase di ko pa sya nakakausap.

"I thought I was awake. Tsk. Bakit kaboses ng girlfriend ko yung nagsasalita? Nadala ko ba ang panaginip ko?",tila kausap nito sa sarili dahil di ata pumapasok sa isip nyang totoong tumatawag ako.

Tas nakarinig na lang ako ng pag-ubo.

May sakit ba sya?

"Aizy?",tawag ko pero di sya sumasagot. "Aizy?"

"Si Miss Zoe ka ba talaga?",pagkuwa'y tanong nya na parang di naniniwala.

"Hmm, oo"

"Alam mo bang unfair ka?",may hinanakit nyang sabi kaya napa-ha ako. "Kahit panaginip to, mas makakaamin ako sayo. Ang bilis mong nakalimot. Two years lang naman yung lumipas mula nung naging tayo pero di mo man lang sinasabi sa mga manliligaw mo na may girlfriend ka na. May gusto ka ba sa isa sa kanila? Kala ko okay tayo kase lagi mong tinatanggap ang pagkain kong niluluto para sayo, pero bakit nagpapaligaw ka sa iba? Unfair ka, unfair",may pait na sabi nya tas nahinto lang dahil sa pag-ubo nya.

May sakit nga ata sya.

May kasama kaya sya dun?

Di ko tuloy maiwasang mag-alala.

Hayy. If she just knew.

Ilang minuto muli ang lumipas bago sya nagsalita.

Kala ko nga nag-end na.

"Sino sa kanila type mo? Yung babae ba? Babae din naman ako tas maganda rin pero bakit nag-e-entertain ka ng iba? Unfair",maktol nya kaya napapangiti na lang ako. Haha.

Ganun pala talaga sya.

May gustong ipaglaban.

"Miss Zoe",maya-maya'y mahinahon nang sabi nya kaya pinigilan ko muna yung sarili kong matuwa.

"Ano yun?"

"Break na tayo. Pinapalaya na kita",huling sabi nya at wala na kong narinig pagkatapos.

Ano daw?

Break na tayo.

Break na tayo.

Break na tayo.

Loving Miss Zoe (Completed) GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon