Chapter 4

1K 79 2
                                    

Aizy Purple's POV

Kriiing...kriiing...kriiing

Argh!

Ang kulit ni Ate Aizia.

Porke't wala sya dito namimiss nya agad ako.

Lalo na siguro kung alam nyang may sakit ako.

Three days na kong di nakakalabas ng bahay kase nilalagnat ako.

Di ko mapaglutuan si Zoe ng breakfast dahil di ko malasahan ang kahit ano.

Nakakahiyang pakainin sya ng di ako sure kung masarap eh.

Saka isa pa, nakadagdag sa bigat ng nararamdaman ko yung mga manliligaw nya nung isang araw.

Kriiing...kriiing...kriiing

Kriiing...krii---sagot ko sa call kase pailang ring na to.

Kulit ng kapatid ko.

Sinulyapan ko lang yung phone ko, number lang.

"Who's this?",medyo malat na sagot ko kase masakit ang lalamunan ko.

Ang dakilang top 1 slash SC president slash EIC ng school's newspaper heto at lantang gulay.

"Hello?",untag ko kase walang sumasagot sa kabila.

Ano to prank call?

Naman!

"This is Zoe",sagot ng nasa kabilang linya pero nablangko yung isip ko.

Malala na ko Ate Aizia, hanggang hallucination naririnig ko sya.

Argh!

Nilagay ko na lang sa bedside table yung phone kase nililinlang ako ng sakit ko.

Mas binalot ko yung sarili ko sa kumot kase malamig kahit patay na ang AC.

Nananaginip na ko ng tungkol kay Zoe nang marinig ko yung boses nya.

"Hello?",sabi nya na di ko alam kung san nagmumula.

Ang ganda pa rin ng boses nya kahit panaginip.

"I thought I was awake. Tsk. Bakit kaboses ng girlfriend ko yung nagsasalita? Nadala ko ba ang panaginip ko?",nasabi ko na lang at dun ko napatunayang nananaginip nga ako.

Eto ba yung tinatawag na lucid dream?

Yung kayang kontrolin ang napapanaginipan mo?

Maitry kaya?

Ngayon lang naman ako magpapakaganito kase sa totoong buhay seryoso talaga akong tao.

(Narrator: Sa sobrang taas ng lagnat nya di sya aware na nasa reality sya. Nawala rin sa isip nyang sumagot sya ng phone dahil umidlip ulit na nagising lang nang magsalita si Zoe na kala nya tulog pa rin sya.)

"Aizy?",sabi ulit nya pero pinapakinggan ko lang.

Asan kaya sya?

"Aizy?",pag-uulit nya kaya sinagot ko sya.

"Si Miss Zoe ka ba talaga?",naninigurado kong tanong sa boses sa panaginip ko kase kaboses nya talaga.

"Hmm, oo"

Sige kahit dito lang, mailabas ko ang hinanakit ko.

Ang sakit-sakit na rin eh.

"Alam mo bang unfair ka?",may hinanakit kong panimula kase mahal na mahal ko talaga sya kahit mas matanda sya saken. "Kahit panaginip to, mas makakaamin ako sayo. Ang bilis mong nakalimot. Two years lang naman yung lumipas mula nung naging tayo pero di mo man lang sinasabi sa mga manliligaw mo na may girlfriend ka na. May gusto ka ba sa isa sa kanila? Kala ko okay tayo kase lagi mong tinatanggap ang pagkain kong niluluto para sayo, pero bakit nagpapaligaw ka sa iba? Unfair ka, unfair",patuloy ko tas napaubo.

Loving Miss Zoe (Completed) GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon