Zoe Colline's POV
"Love, it's time to eat",masuyong untag ko sa asawa kong masyadong busy sa laptop nya.
Nandito sya sa may terrace at nagrereview ng mga kaso patungkol sa business nila at partners nito.
"A minute",sa halip ay sabi nya kaya napailing ako.
"Love naman",angal ko kaya nag-gesture syang lumapit ako sa tabi nya.
"Hmm, ikaw lang talaga ang gusto kong pahinga",aniya nang maiupo nya ko sa kandungan nya nang patagilid at sumiksik sa leeg ko.
'Sweet'
"Pede bang misis ko na lang ang kainin ko?",at kitang kita ko kung pano kumislap ang mata nya habang may pilyong ngiti.
"Hmm?",ani ko at kunwaring nagisip. "Bawal"
"Why?",nagpout pa sya kaya di ko napigilang kurutin ang pisngi nya.
"Are you sure you are already 28 years old?",nakatawang tanong ko kaya tinaasan nya ako ng kilay.
"Am I not 28 years old magperform in bed?",at pabirong hinampas ko sya sa braso.
"Sira. Haha",at maging sya ay napangiti rin habang nakatitig saken.
"Miss Zoe",biglang tawag nya kaya napailing iling ako.
May mga time pa rin talaga na gustong-gusto nya ako tawagin ng ganyan kahit pa mag-asawa na kami.
"Bakit kulit? Nantitrip ka na naman dyan",at pabirong umingos ako pero umiling iling lang sya habang nakangiti.
"Ang sarap kayang balik-balikan nung mga panahong inaabot pa lang kita. Yung panahong konti na lang ay makakagraduate na ko para maging official kitang jowa",bakas sa mukha nya ang kasiyahan sa pagrereminisce ng past kaya nahawa ako sa mga ngiti nya.
"Aga mo nga umibig. Haha. May gatas ka pa sa labi"
"What? 16 na kaya ako nun",tanggi nya pero bata naman talaga sya. Hahahaha.
"Oo 16 lang",tas natawa ulit ako pero dahil inaasar ko sya, sinimulan nya akong kilitiin sa tagiliran. "H-Hey Aizy stop..haha, enough na, nakikiliti ako",at di pa rin sya nagpaawat. "L-Love di na ko makahinga..hahaha"
"Ikaw kase. Hmp"
"Sungit mo talaga noh. Mas masungit ka saken kahit ako yung professor"
"At least mahal mo"
"Oo naman",mabilis kong pagpayag kaya napansin ko ang pagpula ng pisngi nya. Akalain mo yun, nagba-blush pa rin ang bata. Haha. "Halika na kain na tayo, nililibang mo pa ako sa pag-alala mo ng nakaraan eh",nakangiting sabi ko at tumayo na habang hila yung isang kamay nya.
Though gusto ko rin namang binabalik-balikan kung saan at pano kami nagsimula.
"Of course. Kase I can't forget that the moment I met you was the moment I felt I was actually alive. Kaya nga hanggang pagkuha ko ng diploma ng Law, alay ko pa rin sayo dahil ikaw ang reason kung bakit sumisigla ang araw-araw ko kahit magkalayo tayong dalawa",puno ng pagmamahal nyang saad kaya natouch na naman ulit ako.
Nang time na nagbalik sya at inalok akong makasal kaming dalawa ay kasama ng singsing nya ang diploma nya nung humarap kami sa altar.
Dahil ayon sa kanya, isang way yun para patunayang sa 7 taon nyang pagaaral para maging abogado ay iniaalay nya bawat pagsisikap saken. Na kahit hiniwalayan ko sya, patuloy nya kong ginawang inspirasyon para makapagtapos.
Ang isip nya, ang achievements na makukuha nya ang patunay kung gaano sya nagsisikap na maipakita saken na worth it syang mahalin.
Na di ako magsisising piliin sya dahil bukod sa mahal nya ako ay mayron akong magiging magandang buhay sa piling nya.
BINABASA MO ANG
Loving Miss Zoe (Completed) GxG
RomansaNote: gxg Short story only. Pano mo nga ba masasabing genuine ang pagmamahal ng isang taong mas bata sayo ng ilang taon? Pano mo paniniwalaang seryoso sya kung alam mo namang mukhang malabo kase ikaw professor na tapos sya kaedad lang ng mga estudya...