Zoe Colline's POV
Nagsimula akong magkwento nang wala akong naririnig hanggang sa matapos ko ito.
Sinubukan kong lingunin sya pero di ko itinuloy dahil kahit saan pa daanin, may kasalanan pa din ako.
"S-Sorry kung di ako nagtagumpay makarating. Alam kong disappointed ka saken pero sana naiintindihan mo ako",paumanhin ko at naramdaman ko na lang ang bigat ng titig nya.
"Ganun na pala ang nangyari pero wala ka man lang naging text o tawag. May phone ka Miss Zoe",point out nya kaya napasigh ulit ako.
"Nawala na rin sa isip ko dahil mas iniisip ko ang mga sasabihin ko sayo kapag nakaharap kita. And I was right, na di ko agad mahahanap ang mga tamang salita para palubagin ang loob mo dahil kinabahan na agad ako sa kung paano mo ko kausapin at kung paano kita nadisappoint sa hindi ko pagsipot sa pinakamahalagang araw mo",pag-amin ko tas narinig ko na lang ang pag-ingit ng kama.
Tumayo pala sya.
"Oo, nadisappoint ako Miss Zoe. Galit na galit ako sa sarili ko dahil umasa akong may magiging sukli ang nararamdaman ko sayo. Umasa akong sa pagtungtong ko ng kolehiyo ay magiging akin ka na ng buo. Pero naisip ko, di pala kita kayang bitawan. Miss Zoe, mahal na mahal kita",buong sincere nyang sabi at marahang lumuhod sa harapan ko at inilagay ang dalawang kamay ko sa mga pisngi nya habang hawak ang mga ito.
"Mahal rin kita, Aizy",walang alinlangan kong pag-amin kaya napatunghay sya.
Bakas sa mga mata nya ang pag-asa at hindi maikakailang masaya sya sa narinig.
"I love you so much that I followed you here to make sure that you are doing fine and to be near you always kahit pa hindi kita nakikita",I confessed kaya mas napaawang ang bibig nya.
"S-Sinundan mo ako?",maang nyang tanong kaya kinurot ko ang pisngi nya.
Ang cute kase.
"Hindi ba halata gayong katabi mismo ng bahay nyo ang bahay ko?",nakangiting sabi ko pero hindi pa rin sya makapaniwala.
"P-Pero ang alam ko di mo ko kilala dahil pag sinasabi ni Manang Ki na girlfriend mo ako tinatawanan mo lang",kunot-noong sabi nya kaya ilong naman nya ang pinisil ko kaya napasimangot.
Ang seryoso talaga ng isang to. Haha.
"Iba yung tumatawa sa kinikilig. Syempre papahalata ba ko kay Manang Ki na kinikilig ako sa pagpapadala mo ng pagkain ko everyday. Edi nalaman mong kilala naman talaga kita di ba?",katwiran ko pero nakatitig pa rin sya.
"Eh bakit never mo kong tinry puntahan dito? Never kang nagpasabing makikipag-usap ka at nakikita ko pang nagpapaligaw ka",tila nagtatampong sabi nya kaya hinila ko na sya paupo sa tabi ko dahil kanina pa sya nakaluhod.
"Fyi Miss Mendez, ikaw po ang ayaw magpakita so naisip kong baka ayaw mo muna talagang magpakita saken so bakit ko pipilitin, aber?",taas-kilay kong sagot kaya napakamot naman sya sa ulo. "Naiisip kong makipag-usap sayo pero lagi ka namang nawawala agad o di kaya natutulog. Sa mga 'nanliligaw' naman sa akin di ako interesado. May girlfriend na nga ako di ba?",nakahalukipkip kong sabi pero nagulat na lang ako nang bigla nya kong yakapin patagilid at sumubsob sa may leeg ko.
"Ang saya-saya ko Miss Zoe",bulong nya at ramdam ko ang luha nya sa leeg ko. "Sorry kung lumayo ako. Pinapatawad na rin kita sa di mo pagpunta kanina",patuloy nya at napili kong iharap sya saken. "I love you Miss Zoe",madamdaming sabi nya kaya napangiti agad ako.
"I love you too, Aizy",tugon ko at walang sabi-sabi ko syang siniil ng halik na pinaunlakan naman nya.
Natapos ang halikan namin pero mababakas sa aming mga mukha ang kasiyahan na sa wakas ay nagkaaminan na rin kami.
"Bakit nga pala Miss Zoe pa rin ang tawag mo saken? Girlfriend mo naman ako",pagtataka ko kase mula noon hanggang ngayon yun pa rin ang tawag nya.
"Para hindi ko nakakalimutang isang kagalang-galang na guro ang nagpa-ibig saken",simpleng sagot nya kaya napatingala ako.
"Pano kapag kinasal tayo, yan pa rin ba itatawag mo?",walang prenong sabi ko at huli na para marealize ko yun.
"Gusto mo palang makasal saken Miss Zoe?",may himig panunuksong sabi nya kaya pinalo ko sa braso.
"Bakit hindi? Mahal kita di ba?",mabilis kong rason kaya tila nakaganti naman ako nang mapansin ko ang pamumula ng pisngi nya. "Kinikilig ka noh. Haha",ani ko at sinundot-sundot sya sa tagiliran.
"Hey, stop it. Nakikiliti ako",saway nya saken pero ipinagpatuloy ko.
Hanggang sa napayakap na sya saken dahil sa pagpigil sa mga kamay ko sa likod ko.
"So, sa States ka pala magka-college",biglang ungkat ko sa pag-alis nya kaya naramdaman ko ang pagkatense nya dahil magkadikit kami.
Di sya nakasagot at napayuko na lang pero ibinalik ko sa harap ko ang mukha nya at binigyan sya ng mabilis na halik sa labi.
"Tumuloy ka. Wag mo kong iconsider sa hindi mo pagtuloy dun. Mas maganda ang opportunity sa ibang bansa kaya wag kang magba-back out. Alam kong kahit hindi ka galit saken ay pag-iisipan mo pa rin ang pagpasok abroad di ba?",tanong ko at nahihiyang tumango naman sya. "So there's no reason para di mo i-pursue ang pag-alis, at kung ako man ang rason na yun, gusto kong ituloy mo ang pagpasok mo dun. Mas gusto kong makita mo ang mas malawak na mundo nang wala ako. At kung marami kang makikitang bagay kahit wala ako pero ramdam mong may kulang, baka saken mo nga yun makikita. Saka mo ko balikan",bukas ang isipang pahayag ko kaya naluluhang napayakap sya nang mahigpit.
"M-Maraming salamat Miss Zoe. Pero hindi ba magiging unfair para sayo yun?",aniya at nag-aalala akong tinitigan pero nakangiting umiling ako.
"Noon pa mang maramdaman kong may nararamdaman ako sayo unfair na dahil di na kita muling nakita after that night pero kung alam ko namang sa katuparan ng pangarap mo ang pag-alis mo walang unfair dun. Mamimiss lang kita araw-araw pero kaya kong magtiis as long as nararamdaman kong babalik ka",buong pagsuyong litanya ko at buong pusong ngumiti naman sya at nagpasalamat nang paulit-ulit.
"Babalik ako Miss Zoe. Pangako, babalikan kita",determinadong sabi nya kaya di ko na napigilang lumuha rin.
Ramdam na ramdam ko kase ang kasiguruhang babalik sya.
"I love you so much Miss Zoe",muling sabi nya at sinuklian ko sya nang mahigpit na yakap dahil baka ito na ang huling yakap ko sa kanya at years na ulit ang bibilangin bago mangyari ulit.
BINABASA MO ANG
Loving Miss Zoe (Completed) GxG
RomanceNote: gxg Short story only. Pano mo nga ba masasabing genuine ang pagmamahal ng isang taong mas bata sayo ng ilang taon? Pano mo paniniwalaang seryoso sya kung alam mo namang mukhang malabo kase ikaw professor na tapos sya kaedad lang ng mga estudya...