Chapter 5

1K 82 0
                                    

Aizia Frenzy's POV

"Little sis!",masiglang sigaw ko nang makapasok nang bahay tas nakita ko naman ang kapatid kong parang bangag na bumababa ng hagdan. "Oh God! Anong mukha yan baby sis?!",gulat kong sabi kase nangingilalim yung mata nya tas may cool fever na nakalagay sa noo.

"Tsk",sabi lang nya kaya sumalubong na ko at pinisil-pisil yung pisngi nya.

"Nilagnat ka? Why didn't you inform me?",nag-aalalang sabi ko pero ang babaita pinalis lang ang kamay kong nasa pisngi nya at lumampas saken. "Balik poker mode na naman sya",mahinang sabi ko kaya napalingon sya.

"I had a weird dream last night",biglang sabi nya tas interesadong sinundan ko naman sya papuntang kitchen.

"About?",usisa kong tanong tas naghalumbaba sya habang nakaharap saken.

"Ate gusto kong coffee",sa halip ay sabi nya kaya kumilos agad ako.

At dun ko napatunayang may sinat nga sya kase saka lang sya nag-uutos saken kapag may nararamdaman.

"Sabi sa panaginip ko kinakausap ako ni Miss Zoe",kwento nya kaya napakunot noo ako.

"Weird nga. Ano pang sinabi?",takang tanong ko kase ang alam ko hiningi ni Manang Ki ang number ni little sis para kay Zoe.

"Sya daw si Zoe. Kaboses na kaboses nga nya eh. Sya yung pinagbuntunan ko ng sama ng loob tas di ko na naalala ang kasunod",salaysay nya sabay higop ng kape.

Napapaisip naman ako.

Wag nyang sabihing naghallucinate na naman sya at pinagkamalang panaginip ang nangyayari sa kasalukuyan?

Ganyan kase sya kapag mataas talaga ang lagnat.

Parang napapapunta sa dimensyong sya lang ang may alam tas di na maaalala.

I wonder tuloy kung ano pang napag-usapan nila.

"Alam mo sis, tingin ko sign na yan",kuha ko sa atensyon nya tas tumingin ulit saken.

"Sign?"

"Na umamin ka nang ikaw yung nene na nagpilit sa kanyang maging girlfriend mo. Haha. Pati panaginip mo gusto ka nang paaminin sa kanya",natatawang sabi ko kase naalala ko yung babaeng naghatid sa kanya nun na sinabi nyang girlfriend daw nya.

Di ko naman nakita ang mukha nung babae saka di ako naniwala na girlfriend nya yung babae kase may sakit sya nun.

Di ba nga naghahalo ang katotohanan sa hindi.

Tas nung araw na umamin sya sakeng mahal nya si Zoe nya ulit binanggit na ito yung naghatid sa kanya nung gabing inaapoy sya ng lagnat.

Tagal na rin nun eh.

Dalawang taon na ang lumilipas.

"Maghihintay na lang pala ako until graduation. Sige taas ka na. Magluluto na ko ng breakfast nya",pagtataboy nya kaya sumusukong nagtaas na lang ako ng kamay at tumalikod.

Ano kayang tingin ni Zoe kay little sis? Inlababo talaga ang batang to eh. Tsk.

--

"Aizia?",takang bungad saken ni Zoe nang ako yung mapagbuksan nya ng pinto nila.

I wonder where Manang Ki is.

"Hi there Zoe!",masiglang bati ko kase ngayon ko napagtanto nang lubusan na magaling pumili si little sis. "You're leaving already?",puna ko nang mapansing nakauniform na sya.

"Hmm, yeah. Pasok ka",nakangiting alok nya na ginawa ko naman kase may nais akong malaman. Haha.

"Wala si Manang Ki?"

"Umuwi muna ng province nya. Ikakasal yung kanyang adopted child",sagot nya at iginiya ako sa may living room.

Sa totoo lang, nagkakausap na rin kami nung college dahil pareho kaming officer ng Student Council kaya hindi na masyadong awkward.

Sya ang representative ng Education samantalang ako naman sa Business Ad.

Di nga lang kami nagkasama sa isang circle of friends dahil may iba-iba kaming barkada.

"Hmm nga pala, here",sabi ko sabay abot ng paper bag na sapilitan kong kinuha kay little sis nung mapansin nyang wala si Manang Ki sa garden.

Di nga agad ibigay saken kase baka daw ibuko ko sya kay Zoe.

Kaso napilit ko dahil masasayang yung food na hinanda nya.

"T-Thanks",medyo gulat pang sabi nya kaya may nahalata ako.

"Galing kay Aizy",nakangiting sabi ko at mas nangunot yung noo nya.

"I thought ayaw na nya saken",mahinang sabi nya pero sapat para marinig ko.

"What do you mean?",tanong ko.

At first naghesitate sya pero umamin din.

"Ahmm, she said break na daw kami",sagot nya.

"What? So tumawag ka nga pala sa kanya kagabi?",usisa ko tas halata namang namula sya.

"Yeah",sagot nya kaya naconfirmed ang hinala ko.

"So hindi nga sya nananaginip na kausap ka nya kagabi",I stated rather than a question.

"Ha?"

"She told me she had a dream last night, nakausap ka daw nya pero I wonder kung ano pang napag-usapan nyo kaso di na daw matandaan eh. Haha. Mataas kase lagnat nya kagabi kaya kung anu-ano ang nasasabi. Three days akong wala sa bahay kaya ewan kung pano sya naka-survive",salaysay ko habang matamang nakatingin sya. "Alam mo naman sigurong girlfriend ka nya para sa kanya?",pang-uusisa ko at napatigil sya saglit tas nag-sigh at marahang tumango.

Whoa, ang galing.

Eh ano kaya para sa kanya ang kapatid ko?

"Ganun din ba ang tingin mo sa kanya? Baka naman may boyfriend ka o kaya girlfriend na iba?",tanong ko pa pero nginitian nya lang ako.

"Yung kapatid mo lang",sagot nya kaya napaisip ako.

"Teka, kung alam mo palang itinuturing kang girlfriend ng kapatid ko, bakit di ka gumagawa ng paraang makita sya?"

Nakakapagtaka lang naman kase.

Sa tagal na rin nyang nakatira sa tabi namin never syang dumaan ng bahay para puntahan si Aizy.

"Cause I consider the things that you will probably say, kita mo naman, ikaw yung ka-age ko, di ba parang bunsong kapatid ko na sya",katwiran nya kaya napatango ako.

"Eh ganun ba nararamdaman mo sa kanya?"

I can't believe I was having a heart to heart talk with my future sister-in-law. Hahaha.

Pag nalaman to ni sisteret husay ako dun.

"No",diretsong sagot nya kaya napa-palakpak ako.

"Good. So nalinawan na ko sa mga bagay-bagay. Ikaw na bahala sa batang yun ah. Haha. See you soon sister-in-law",paalam ko at kumaway na lang habang papaalis ng bahay nya.

Di pa nga nakaligtas sa mata ko yung pagpula ng pisngi nya sa huli kong sinabi..

Loving Miss Zoe (Completed) GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon