Chapter 10

1K 53 7
                                    

Zoe Colline's POV

Another glance to the card on my study table at muli akong nilukob nang matinding hapdi sa damdamin.

An invitation to Aizy Purple Jimenez and Steffani Adehl Cruz Wedding

Di ko maiwasang masaktan at magtanong ng maraming bakit.

Pero iisa lang ang katotohanan ngayon, yun ay ang ikakasal na sa araw na ito ang taong kailanma'y inasahan kong babalik sa piling ko.

Ganun siguro talaga ang buhay.

Kahit may mga pagkakataon sa buhay mo na pareho kayong sigurado sa isa't-isa pero hindi akma sa panahon at oras, lilipasan lang din talaga kayo ng chance na magkasamang muli at masunod ang pag-asang sa huli ay 'kayo na' nga.

Pighati.

Pero kahit may nararamdamang lungkot sa ideyang iyon, ay lakas loob akong naghanap ng maisusuot upang masilayan ang taong kahit saglit ko lang nakasama ay nagkaron ng napakahalagang parte sa buhay ko nung panahong sariwa pa ang tadhana namin.

Yung tadhanang pang-nakaraan na lang at hindi na pala madudugtungan sapagkat wala na, may nauna na.

May naging pagkakamali ako at kahit pagsisihan ko yun ngayon ay huli na.

Tuluyan kong ipagpapaubaya sa iba ang taong ito na syang nagawang bumuo ng aking pagkatao mula nung makilala ko sya 10 years ago.

Dahil kung saan sya mas kontento at sasaya sa kasalukuyan ay syang hangad ko.

At matapos nga ang ilang oras kong pagiipon ng lakas ng loob na umattend sa magiging kasal ng kaisa-isang babaeng minahal ko ay narito na ako ngayon sa bulwagan ng pagdadausan ng kasal.

Mula sa engrandeng gayak sa gate maging sa lalakarin mula dito hanggang loob at mga disenyong mapupuna sa paligid ay hindi ko alam ang mararamdaman ko sapagkat habang bagtas ko ang kahabaan ng lugar ay ang paninikip ng puso ko sa maaaring masaksihan pag nakarating na ako sa pinakaloob nito.

Nananakit ang lalamunan ko sa pagpipigil na maging emosyonal sapagkat ayokong makakuha ng atensyon at ang gusto ko lamang ay ang makita syang tuluyang malaya na sa relasyong basta ko na lamang binitawan.

Na kahit magkaganun ay makukuha nyang magsaya kasama ng napili nya.

Hindi ko na pansin kung saang dako ba ko dapat tumungo at maghanap kung saan nagaganap ang selebrasyon dahil nagsisimula na kong manghina sa pumapailanlang na musika.

Yung kantang parang damang dama ng puso ko.

Pa'no bang mababawi
Lahat ng mga nasabi hmm

At kahit nahihirapan kumilos dahil sa bigat ng loob ko ay nagawa ko pang humakbang nang ilang beses nang napagtantong malapit na pala ako sa pinakavenue ng lugar.

Di naman inakalang
Ika'y darating lang bigla nang walang babala..

Dito ko tuluyang napansin na sobrang dami ng taong imbitado.

Mga kilalang elite, matataas ang katungkulan at mga sikat sa iba't-ibang larangan ng business industries.

Sa isang iglap
Nagbago ang lahat

At buhat sa pagtanaw tanaw ko sa bandang unahan ng platform ay sa wakas nagawa ko na ring makita ang pakay ko.

Wala akong ibang naiintindihan sa mga nasa paligid ko basta ang alam ko lang parang nagkaroon ako ng sariling mundo na abot tanaw ko lang ang taong laman ng puso ko pero hindi ko na sya maaabot.

Hindi ko na kaya pa na magpanggap

Naiiyak na ako.

Unti-unting tumutulo ang luha ko kung sa tugtog ba o sa nakikitang saya sa mukha niya habang kaharap ang kapareha nya.

Ikaw ang kumpas pag naliligaw
Ikaw ang kulay sa langit na bughaw

Pang-love song sa kanila pero bakit parang ang sakit pag saken na?

Sa bawat bagyo na dumadayo
Ikaw ang kanlungan na kailangan ko

Ah baka kase kung ako sana dun sa kaharap nya.

Kahit hindi mo alam
Ilang beses mo akong niligtas

Isang matinding lunok ang ginawa ko para kahit papaano ay mabawasan ang pagbabara ng lalamunan ko.

Pero lalo pa yun nadagdagan nang magngitian si Aizy at bride to be nya.

Ikaw ang hantungan at aking wakas

Oo bride kase sa babae rin sya ikakasal.

Nakakita talaga sya ng babaeng bumuo ng buhay nya habang magkalayo kami.

Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ko habang nanonood mula sa pwesto ko.

Hanggang sa paulit-ulit na tumutugtog ang chorus ng kanta ay paulit-ulit ring naghuhumiyaw ang puso kong ako naman yun sana kung di lang ako naging gaga.

"Now I pronounce you married",ang huling katagang narinig ko mula sa judge na nagkasal kay Aizy at sa asawa nya na ikinasikip ng puso ko nang tuluyan.

At eto na nga. Wala na talaga.

Pero kung san sya sasaya..

Pinapalaya ko na sya mula sa aking damdaming hindi na kami ang para sa isa't-isa.

At isang may pang-unawang ngiti ang ginawa ko bago mariing pumikit habang tuloy-tuloy ang daloy ng aking mga luha.

-

-

-

THE END

Loving Miss Zoe (Completed) GxGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon