Aizy Purple's POV
Beep beep.
Napatingin naman ako sa cellphone ko.
One unread message.
'Good morning :). Kamusta ka na?'
Nagtaka naman ako.
Parang nakikipagtextmate lang eh.
Who are you?,I replied tas nung nagreply binasa ko pa ng maigi.
'Zoe',maiksi pero bumilis agad ang heart beat ko.
Zoe?,nanginginig ko pang reply and then I died.
'Zoe Colline Fernandez',reply nya at halos lumuwa na yung mata ko.
"Pres? Hello Pres? Okay ka lang ba?",untag saken ng kasama ko dito sa classroom. "Nakatulala ka kase",paliwanag nya nung nagtatanong akong tumingin.
"Ahmm yeah, I'm fine",I answered at tumingin ulit sa phone.
How on earth did it happen? Seryoso bang eto yung babaeng gusto ko?
'Hey, still there? Naglunch ka na ba?',text ulit nito pero nabablangko yung isip ko.
Tas biglang tumawag.
Creksssh!!
Nahulog ko tuloy yung phone.
Mabilis kong dinampot sa baba kase baka namatay yung call.
Pagtingin ko aksidenteng na-accept.
Napanganga tuloy ako.
Dahan-dahan kong nilagay sa tenga ko yung cellphone ko.
"Hello? Aizy?",sabi ng nasa kabilang linya kaya muli akong namatay.
Nanunuyo yung lalamunan ko tas di ako makahinga sa kaba.
"M-Miss Zoe",sa wakas ay nasabi ko tas narinig ko syang nagchuckle.
"Okay ka lang ba? Naririnig ko kase yung paghinga mo",sabay tawa ulit.
Nahiya naman ako bigla.
"M-Miss Zoe",nakatulalang ulit ko tas nanahimik sa kabila.
Hinihintay siguro akong magsalita pero di ko na nagawa.
"Hmm?",tugon nya urging me to continue pero nganga. "Alam mo..",putol nyang sabi kaya nakinig lang ako. "..namiss ko yang boses mo",masuyong sabi nya kaya natuod na ko nang tuluyan. "..pero mas namiss ko ang itsura mo na ngayon",dugtong nya sabay mabining tumawa.
At naiend ko bigla ang call.
Pede na kong kunin ni Lord.
Totoo ba talagang nakausap ko sya?
Pagsulyap ko sa screen may panibagong text.
'Kain ka na ng lunch ha :). Don't skip'
At dun lang ako totally natauhan.
Para tuloy gusto ko nang umuwi at puntahan sya sa bahay nya.
Kaso baka nasa school pa rin sya.
Di ko alam kung papaano nya nakuha ang number ko at saka bakit pero lahat ng himaymay ng katawan ko sumigla bigla.
Tas narinig ko na lang na nagbubulungan ang mga kaklase ko.
Pagtingin ko nakatingin lahat saken.
Pagkapa ko sa mukha ko, damn I was smiling all throughout. Haha.
Kaya pala ganyan sila.
Pero di ko na lang pinansin at masiglang lumabas ng room para kumain.
--
Mabilis lumipas ang mga araw at ganun na rin katagal kong nakakatext si Miss Zoe na though in my mind girlfriend ko sya, alam kong di na nya tanda yun.
Edi sana nagtry syang kausapin ako di ba.
Pero itatry ko na yung luck ko ngayon na muling magpakita sa kanya.
Graduation ko na mamayang 2:00 pm.
Balak ko na ring magtapat sa kanya.
Sa sitwasyon nga namin kahit di ako nagpapakita sa kanya gayong magkalapit lang ang bahay namin di nun matatawaran ang sweetness namin sa text.
Di ko alam kung paano pero ramdam kong nag-loosen up sya sa totoong feelings nya.
Kung noong nakaharap ko sya medyo naghesitate syang i-approve ang condition ko habang nagkakatext naman kami ngayon ay sinusuklian nya ang feelings ko.
Basta hirap iexplain.
"Little sis! Ready ka na ba? Byahe na tayo, 1:00 pm na!",tawag ni Ate Aizia mula sa labas ng room ko dahil nagmuni-muni muna ko dito sa kwarto kahit pa nakalabas na ang nag-ayos saken.
Naghanda talaga ko dahil hindi lang ang graduation ko ang pinaghandaan ko bagkus ay ang confession ko rin mamaya.
Mas kinakabahan pa ata ako.
Bilang pampalakas loob, muli kong sinulyapan ang messaging ko at binasa ang huling text na naroon.
From: Miss Zoe, My Girlfriend
'Opo pupunta ko :). Ikaw pa ba? Dapat maganda ka mamaya ha'
Received 6:06 am
'Wag ka kabahan mamaya sa speech. Chi-cheer kita! ^^'
Received 6:07 am
Tamang-tamang ako ang class valedictorian kaya mas proud akong magtapat sa kanya.
--
"And now for a very inspiring speech, let us hear from Miss Aizy Purple G. Sandoval!",the ceremenony's host announced and claps thundered inside the auditorium together with my throbbing heart not because of nervousness but of disappointment that I didn't see any shadow of the girl I've been wanting to be here.
'Where are you?',I silently asked while roaming my eyes around yet she's not really here.
Eto yung supposedly time ko to tell her how grateful I was in meeting her wayback pero wala sya. 3:00 pm, still missing.
Buong duration ng speech ko, nanatili akong nagpepretend na okay lang ako at masayang-masaya sa mga na-achieve ko pero deep inside may kulang.
Right after I finished my speech I went to my sister's side at tahimik na umupo.
Sobrang sama ng loob ko dahil ni hibla ng buhok ng taong pinaka-inaasam kong makita sa araw na to ay di ko man lang nasilayan.
Di ko rin kinikibo ang kapatid kong alam kong gusto akong kausapin pero di ko nililingon.
Hanggang sa natanggap ko ang diploma ko, walang Miss Zoe na dumating. 4:36 natapos ang program di na nga sya nagpakita.
Walang text, call, o chat.
Ni ha ni ho wala.
BINABASA MO ANG
Loving Miss Zoe (Completed) GxG
RomanceNote: gxg Short story only. Pano mo nga ba masasabing genuine ang pagmamahal ng isang taong mas bata sayo ng ilang taon? Pano mo paniniwalaang seryoso sya kung alam mo namang mukhang malabo kase ikaw professor na tapos sya kaedad lang ng mga estudya...