Zoe Colline's POV
"Aizy",mahinang tawag ko pero alam kong sapat para mabosesan nya.
Wala akong narinig mula sa loob kaya nagpatuloy ako.
"Pwede ba kitang makausap at makita?",may himig pakiusap kong tanong at makaraan ang ilang saglit muli kong narinig ang boses nya pero this time, malamig na.
"Leave",maiksi pero matatag na sabi nya kaya napahigpit ang hawak ko sa regalong pambigay ko sa kanya.
"Aizy",mahinang tawag ko pero di na sya nagsalita.
Malungkot akong napahawak sa pinto at marahang umalis sa may pinto para bumalik kay Aizia sa baba.
"Pwede ko bang mahiram ang duplicate key ng room nya? Gusto ko na kaseng makausap sya",pakiusap ko kay Aizia na naghesitate pa at first sa pagbigay ng susi pero eventually napapayag ko rin.
And with that, mabilis akong tumaas ulit para pwersahang iharap ang aking sarili sa kanya.
'I can do it'
*Klik*
At nabuksan ko na ang pinto.
Nakita ko syang nakatalikod mula sa may pinto at nakadungaw sa veranda ng kwarto nya.
Nakatayo sya dun at di man lang natinag kahit rinig nyang lumalakad ako papalapit.
"Aizy",masuyong tawag ko at piniling huminto tatlong dipa mula sa kanya.
Kahit gabi na, may konting liwanag na tumatanglaw sa side view ng kanyang mukha kaya muli kong nasilayan ang gandang hinangaan ko nung unang beses ko iyong nakita.
Lumamang nga lang ang itsura nya ngayon at nakikita kong mas nagmature ang itsura at halatang dalaga na base na rin sa ganda ng pigura ng kanyang katawan lalo na at maiksi ang suot nyang short na tinuwangan ng oversized shirt.
"Aizy",mahinang tawag ko pero di man lang sya tumingin bagkus ay napansin ko ang paghigpit nya ng kapit sa railings na tinutuunan nya.
"Out",malamig nyang sabi pero hindi ako natinag sa pwesto ko bagkus ay naglakas loob pa kong lumapit.
Nilubos ko ang pagkakataong di pa rin sya humaharap kaya malaya ko syang nayakap mula sa likod.
Wala nang isip-isip pa dahil matagal ko nang inaasam na muling mapalapit sa kanya ng ganito.
Ramdam kong nanigas sya pero wala na kong pakialam.
Gustung-gusto kong makabawi sa kasalanan ko pero alam kong masakit rin sa kanyang maranasan ang umasang pupunta ako kanina.
"Sorry",buong sincere kong bulong sa tenga nya at mas hinigpitan ang yakap. "Mapatawad mo sana ako",masuyong dagdag ko pero ang pagkalas nya sa mga yakap ko ang naging sagot nya saka nya piniling humarap.
Nasaktan naman ako dahil dun.
"I believe that you're just guilty that's why you're here so don't worry because I don't hold a grudge against you, Miss Zoe. I just realized it earlier that you really didn't take me seriously about 2 years ago",aniya sabay iwas ng tingin pero ramdam na ramdam ko sa boses nya ang pait. "Pasensya na kung naobliga kita na tanggaping maging girlfriend ko. Isipin mo na lang dala lang yun ng pagiging immature ko",patuloy nya kaya nasaktan naman ako.
So biro nga lang sa kanya yun lahat?
Ngayon wala na?
Eh para saan pa yung araw-araw nyang paghihintay saken na makauwi at pagpapadala ng pagkain?
"Di mo man lang ba ko pagpapaliwanagin?",tanong ko habang walang emosyong nakatingin lang sya.
"Sa States na ko magka-college. Pasensya na sa kakulitan ko",sa halip ay sabi nya kaya napaawang ang bibig ko.
"A-Aalis ka?",pigil ang hiningang tanong ko kahit ayaw lumabas nun sa bibig ko.
I know di tamang ako ang maghabol sa pagkakataong ito pero nagawa ko na rin ito noon.
At muli kong naramdaman ang disappointment nang makita ko syang tumango.
Nanatili syang nakasandal sa railings pero sa kawalan sya nakatingin para iwasan siguro ang titig ko.
Dahan-dahan akong lumapit hanggang sa makorner ko sya sa may gilid nya kaya napaharap sya.
"I thought may saysay sayo ang kung anumang napag-usapan natin noon at sinabi mo pang mahal mo ako pero sa ikalawang pagkakataon aalis ka?",may hinanakit na sabi ko pero halatang naguguluhan sya. "Bumalik ako kinaumagahan sa bahay mo two years ago dahil naramdaman ko nung time na yun na may magiging parte ka sa buhay ko pero wala ka na. Umalis ka nang hindi nagpapaalam saken. Matapos mong umaming gusto mo ako di mo pinanindigan",may diin kong litanya at halatang di nya kayang salubungin ang mga titig ko.
"Di ko sinadyang mang-iwan. I was torn on my situation that time na kinailangan naming umalis agad",katwiran nya kaya napailing ako at pinat ang ulo nya saka humakbang paatras, sapat para may isang dipang distansya sa pagitan namin. "Inisip ko na lang na gagawin ko ang lahat para may maipagmalaki sayo para sa muling pagkikita natin. Though bigla na lang kitang nakita sa tabi namin isang araw, di ko nagawang magpakita agad dahil ni diploma ng Senior high ay wala pa kong maipapakita. Pero sino nga bang seseryoso sa isang estudyanteng tulad ko? Ni hindi mo nga nagawang magpakita sa mismong graduation ko di ba?",aniyang halata ang sakit sa mga mata nya.
"Nakakatawa lang na ang isiping di ka pwedeng seryosohin ng gaya ko ay syang iniisip ko rin na bakit nga ba magseseryoso ang isang tulad mo sa mas matanda sayo?",nasabi ko na lang at naalala ang box na hawak ko. "Para sayo nga pala",tas tiningnan nya lang ito kaya ako na ang kumuha ng kwintas sa loob nun at lumapit sa kanya para maisuot. "Congratulations. Sensya na kung late",nakangiting sabi ko pero wala pa rin syang imik.
"Bakit mo ginagawa to? Bakit kailangan mong pumunta pa rito at humingi ng tawad gayong hindi mo naman responsibilidad na magpaliwanag. Alam kong ako lang yung nagsusumiksik sa buhay mo kaya di ko maintindihan kung bakit nasa harapan kita ngayon",malalim ang pinaghuhugutang sabi nya kaya napatawa ako.
"Di mo pa rin ba ramdam sa mga sinasabi ko sayo kapag nagkakatext tayo? Lalo na sa pag-aalala at pagreremind ko sayo everyday? Ni minsan ba hindi sumagi sa isip mo na baka may gusto rin ako sayo?",makahulugang sabi ko pero naglakad lang sya papunta sa may kama at dun naupo.
"You didn't attend my graduation. That's my prepared time to confess and show you how great I was, achieving the valedictorian award. Though alam kong mali sa paningin ng iba na magmahal sa isang guro gusto ko sanang marinig ng lahat kung gaano ko iniaalay ang tagumpay ko sa pamilya ko at sayo na sya kong pinaglaanan ng dalawang taon kong pakikipagtagisan sa school ko may maipagmalaki lang. Na kahit alam kong maraming manghuhusga, basta nakita kitang dumalo ibig sabihin may halaga rin ako sayo. Sign na ituloy ko ang pag-aming mahal na mahal kita at handa akong gawin ang lahat para habambuhay mong maipagmalaki. Bata pa ko pero hindi naman ibig sabihin nun wala na kong kakayahang magmahal nang totoo di ba? Pero gumuho lahat ng yun nung di ka sumipot. Nawalan ako ng pag-asang mayrong tayo",aniya at nakayuko lang habang ginagalaw-galaw yung mga paa sa baba.
Di ko kayang salubungin ang malungkot nyang mga mata kaya pabuntong-hiningang umupo ako sa tabi nya at tumingin sa pader sa harapan namin.
Maiintindihan naman siguro nya ko kung ikukwento ko ang nangyari kung bakit hindi ako nakapunta.
BINABASA MO ANG
Loving Miss Zoe (Completed) GxG
RomansaNote: gxg Short story only. Pano mo nga ba masasabing genuine ang pagmamahal ng isang taong mas bata sayo ng ilang taon? Pano mo paniniwalaang seryoso sya kung alam mo namang mukhang malabo kase ikaw professor na tapos sya kaedad lang ng mga estudya...