1. Ang Simula

7.2K 45 1
                                    


                         BABALA:
    Ang storyang ito, ay naglalaman ng maseselan na bagay na hindi angkop sa mga bata, Labing walang taon pataas lamang ang maaaring magbasa na may malawak na kaisipan.

   Meron itong mga kalibugan na hindi angkop sa malinis mong pagkatao. Lalaki sa babae at Lalaki sa lalaki. Kaya kung ako sayo mag next story ka nalang.

    Imahinasyon ko lamang ito, kaya utang utang na loob kung hindi mo trip ang tema at storya na ito ay wag mo nang ituloy ang pagbabasa.

    WAG KALIMUTAN MAG-VOTE SA CHAPTER!!

-------------
   KABANATA 1
-
-

      "Isaac, apo nandito na ang kaibigan mong si Eros, bilisan mo dyan at tatanghaliin na naman kayong magbubukas ng shop nyan" sigaw ni lola mula sa baba. Nandito ako ngayon sa taas at nagmamadali nang magbihis dahil sa totoo lang tatanghaliin na talaga ako.

    "Opo 'la mababa na rin ako" sigaw ko naman at sakto tapos nakong mag ayos tapos kinuha ko kaagad ang bag ko ang bumaba na rin ako "hoy nag almusal ka na ba?" tanong ko kaagad sa matalik kong kaibigan na si eros na kasalukuyan nakaupo sa sopa at iniintay ako.

     "Tapos napo akong kumain señiorito" pang iinis nyang sagot "oh ikaw baka kailangan mong kumain at pakibilisan dahil anong oras na oh" pagmamaktol nya.

     Natawa naman ako sa istura nya dahil aga aga nakabusangot ang kanyang mukha "haha wag kang mag alala wala akong balak kumain, nakakahiya naman sayo mainit na ulo mo haha may dalaw kaba?" pang aalaska ko sa kanya.

      "Huh? joke lang di mainit ulo ko ahh" sabay ngiti at hindi pinansin yung pang aasar ko sa kanya "sige kumain ka muna, alam mo naman ayaw kitang nalilipasan ng gutom ih" sabi pa nito

     "Di naman ako gutom, tara na" at nauna nakong lumabas ng bahay "lola aalis napo kami ni eros"

    "Ah sige apo mag iingat kayo, eros ingatan mo yan apo ko" sigaw ni lola na nasa loob ng kusina

    "Opo lola" pasigaw nya din habang palabas ng bahay "iingatan ko po itong dalaga nyo haha" pabulong nyang sa sabi na tanging ako lang nakarinig. Hinampas ko kaagad sa balikat "aray! eto naman asar agad haha ikaw ata yung may dalaw ih" sabi nya pa.

    "Hoy Eros magtitigil tigil ka baka may makarinig sayong kapit bahay" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami sa kahabaan ng kalsada. Patungo kami ngayon sa computer shop na ako mismo ang may ari at itong si Eros naman yung katulong ko don minsan kase sobrang dami ng naglalaro don hindi kakayanin ng isang bantay lang. Buti nalang nandito tong kaibigan ko at mapagkakatiwalaan ko naman.

     "don't worry pabulong lang naman yon" nakangiti nyang sabi sabay kindat sakin.

     "di mo ako madadaan sa pagpapacute mo Eros" sabay irap

     "Hedi inamin mo rin na cute ako sa paningin mo" natatawa nitong sabi habang panay ang pacute sakin. medyo may pagkamakulet din kase itong kaibigan ko na to kahit matanda sya sakin ng dalawang taon eh may pagkaisip bata minsan. 20 yrs old na sya at ako naman ay 18 na, Huminto muna ako sa pag-aaral dahil naisip ko munang tulungan si lola sa gastusin sa bahay. Pero next year ay magpapatuloy nako sa pag aaral. Habang si Eros ay ipagpapatuloy din ang pag aaral sa kursong criminology.

     "Nek nek mo haha" sabi ko sabay tawa. Pero sa totoo lang, di lang cute itong si eros kundi gwapo pa, habulin ng babae at bakla. Nakailang girlfriend na din ba to? di ko na mabilang pero halos di nagtatagal kasi hiniwalayan nya rin agad. Sa ngayon kakabreak lang nila ni liza at parang wala lang sa kanya yung nangyare. sabagay 3weeks lang naman sila non.

    Gwapo, matangkad nasa 5'8 ang taas samantalang ako ay 5"5 lang, moreno at samahan pa magandang pangangatawan dahil madalas tambay sa gym pag sarado ang shop ko. Madalas ko din naman kase makita ang hubad nitong katawan pag tumatambay sa bahay minsan, di raw nya hilig magdamit pag nasa loob ng bahay. At syempre ako masipleng sumusulyap sa malaadonis nyang katawan.

EL DAKILA SERIES#1: ISAACTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon